Kabanata III

82 5 7
                                    

"Isa itong sekretong lugar kung saan naninirahan ang mga kagaya nating mga anak ng maalamat na bayani, Luke" panimula ko habang iniikot sya sa kampo

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

"Isa itong sekretong lugar kung saan naninirahan ang mga kagaya nating mga anak ng maalamat na bayani, Luke" panimula ko habang iniikot sya sa kampo.

"Dito, sama-samang nabubuhay ng normal ang mga bayaning ito. Nandito din ang kani-kanilang mga magulang, at naninirahan sila dito ng mapayapa at nagkakaisa"

"Teka, mga magulang kagaya ng aking Ina?" tanong ni Luke

"Oo, nandito ang unang mga bayani. Nakikita mo ba yon?" sabi ko sabay turo sa isang lalaki na nagtuturo ng pakikipaglaban gamit ang mga patalim

"Sya si pinunong Gusion, at yung babaeng yun. Nakikita mo yon, nakita mo na sya dati. Sya si Eudora" pakilala ko sa mga mas nakakatanda sa akin

"Eskwelahan ba to? O kampo ng mga sundalo?" tanong nya

"Parang ganon. Parehas? Dito kasi tinuturuan sila, o kami na makipaglaban at gamitin ang aming mga kapangyarihan. Hindi lahat ng tao ay nakakaalam sa totoo nating mga pagkatao, Luke. Kaya hindi din tayo ligtas sa labas, maraming mga masasamang bayani din ang may balak tayong patayin at ubusin" sagot ko

"Parang hindi naman, hindi ba nabuhay tayo sa labas na parang normal na tao. Diba? Ngayon ko nga lang nadiskubre kung sino ko" sagot nya din sakin

"Kaya nga kasama mo ko, diba? Kasi ang ako ang tagapangalaga mo. Pati si Nancy, o si Nana sa totoo nyang pangalan at si teacher Odette" paliwanag ko

"Whoah, teka lang. Si teacher Odette? Isa din syang---" sabi nya at tinuro ko sya malapit sa may ilog. Nakita nya don si teacher Odette kasama ang mga bibe, pabo at iba pang ibon.

"Luke, kamusta" bati ni teacher Odette habang papalapit kami.

"Teacher Odette? Ikaw ba yan?"  tanong ni Luke. Nanibago siguro sya dahil sa suot nitong baluting hawig sa ibon

"Ako nga. Kamusta ka na?" tanong nya ulet kay Luke

"Kayo po ang kamusta, hindi po ba kayo hinahanap sa school?" pagbabalik nya ng tanong

"May paparating" nagtatawanan pa kami habang naguusap nila teacher Odette ng biglang may napansin si Luke

"Ha?" Gulat ko

Maya-maya'y biglang yumanig ang lupa kaya nagdulot ito ng gulo at panic sa mga tao.

"Natunton nila tayo" sabi ko sabay hawak kay Luke

"Magtago na kayo. Kami na bahala dito" sabi ni teacher Odette at nilabas ang kanyang sandata.

"Zild. Hindi pwedeng magtago lang tayo" sabi ni Luke sakin.

"Hindi pwede, hindi mo pa ganap na nakokontrol ang kapangyarihan mo" sagot ko sa kanya.

"Hindi na bale, kailangan kong subukan" pagpupumilit nya kaya napangiti na lang ako.

"Handa ka na ba?" tanong ko sabay nagpalit anyo.

"Oo" sagot nya

Papunta na kami sa direksyon ng pinanggalingan ng yanig pero wala pang ilang hakbang ang nagagawa namin nung may nakasalubong kami na familiar na mga lalaki, schoolmate namin sya at kasama nya si Valir na umatake din sa amin noon.

Mobile Legends: ApocalypseOnde as histórias ganham vida. Descobre agora