Panimula

292 9 6
                                    

Ayon sa kasaysayan. Libong taon na ang nakalipas noong nanirahan sa mundo ang mga maalamat na bayani na may mga katangi-tanging lakas at kapangyarihan.

Ang mga ma-alamat na bayaning ito ay nahahati sa dalawang grupo. Ang panig ng kabutihan na walang ibang hangad kundi ang maayos at mapayapang mundo. At sa kabilang banda naman ay ang mga itim na mga mandirigma na pinamumunuan ng tinatawag nilang panginoon na si "Zuthor" na makapangyarihan at malupit na pinuno na walang ibang hangad kundi ang maghasik ng kasamaan sa daigdig at masunod ang kanyang mga plano.

Ang mga alagad ng kabutihan na pinamumunuan ng pinaka malakas na mandirigma at assasin na si Alucard, kasama ang iba pang mga maalamat na bayani ang nagtulong-tulong at nakipaglaban upang mapabagsak si Zuthor na tinatawag na "The great war" dahil sa mga dumanak na dugo at marami ang nagbuwis ng kanilang buhay upang mapagtagumpayan ang labanang ito. Napabagsak nila ito kasama ang kanyang mga alagad at ang labi nito ay itinapon sa kailaliman ng dagat.

Naging mapayapa ang mundo sa tulong ng mga maalamat na bayaning ito. Ang mga ito din ay nagkaron ng mga anak sa mga mortal na tao. Namumuhay sila ng normal kasama ang mga pangkaraniwang tao at gumagawa ng kabutihan para sa ikaaayos ng mundong kanilang ginagalawan.

Ngunit ayon sa propesiya, ang masamang panginoong ito ay mabubuhay muli kasama ang kanyang mga alagad at muling maghahasik ng kasamaan sa mundo, maghihiganti ito at ilalabas ang kanyang galit sa pagwasak sa mundo. Kasabay ng kanyang muling pagkabuhay ang kanyang apat na tapat na alagad o ang tinatawag na "four horsemen". Sila ang mga bayani na may kakayahang manipulahin ang apat na elemento sa mundo: Si Vale, na kayang kontrolohin ang hangin at ang kanyang kambal na si Valir naman ay ang apoy. Si Kadita na prinsesa ng dagat ay kayang kontrolin ang tubig at si Grock na isang taong bato na may kakayahang kontrolin ang lupa.

Ngunit sa isang banda, sinasabi din sa propesiya na mayroong paraan upang mapigilan ang tinatawag na "Apocalypse" o ang pagkagunaw ng mundo.

"Ang pinakamatandang anak ng pinakamakapangyarihang bayani ang dahilan ng pagkaligtas ng mundo, ngunit pwede din itong maging kasangkapan sa pagkasira nito. Ang sinumpang espada ang magbibigay daan upang maisakatuparan ito"

Mobile Legends: ApocalypseOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz