Malalim akong nag-isip at pinakiramdaman ang puso. And I felt my answer on that question.

Kinabukasan, maaga pa lang ay abala na ako sa paghahanda ng hapagkainan para sa umagahan. Inunahan ko talaga si Siana. Nakahihiya naman dahil siya na lang lagi and I really want to cook their breakfast. Hinanda ko na ang mga mangkok at kubyertos dahil malapit na rin maluto ang sopas. Binuksan ko ang malaking oven upang kunin ang cookies na tapos ng mabake. Napangiti ako nang umalingasaw ang mabangong amoy nito. I was about to get the tray of cookies when I felt someone beside me.

"Let me," his deep voice uttered.

Sandali ko siyang sinulyapan bago gumilid at hinayaan siya. Pinagmasdan ko siya at napagtanto na bagong ligo dahil na rin sa bahagya pang basa ang kaniyang buhok. I can also smell his manly perfume. I sighed.

Maingat niya iyon na inilabas at inilapag. Nagkatitigan kami. Bahagya ko siyang nginitian.

"Salamat," saad ko.

Kitang-kita ko ang pagkabigla niya sa pag-imik ko. Ngunit agad ko ng ibinaling ang atensyon sa mga cookies at napangiti muli. I will let it cool first. Kumuha na lamang muna ako ng malaking mangko upang paglagyan ng sopas ngunit inagaw iyon sa akin ni Dmitri.

"Ako na muli. Baka mapaso ka pa," aniya. And I let him again. Tumikhim siya at sumulyap sa akin bago nagsalin sa lagayan. I can sense his slight shock, maybe because of the way I treat him now. Noong mga nakaraan kasi ay ipinapakita ko talaga na hindi ako komportable kapag nasa paligid siya.

Nang matapos siya ay inilagay niyo iyon sa gitna ng mesa. Pagkatapos ay nanatili siya roon na nakatayo at tila nag-iisip pa ng susunod na gagawin. I can sense his stare at me.

"Uh, g-good morning," bati niya. Nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang nag-aalangan niyang titig. I smiled again.

"Good morning," bati ko pabalik. Natulala siya sa akin kapagkuwan ay napayuko habang kagat ang pang-ibabang labi.

"Magandang umaga!"

Dumating na si Siana. Nabigla siya nang malaman na maaga akong nagising at nakapagluto na. She thanked me kahit hindi naman na dapat dahil para sa amin naman 'tong lahat. Napasulyap din siya kay Master pabalik sa akin at tila napaisip ngunit sinarili na lamang iyon. Hindi rin nagtagal ay nagising na si Simon at Morphy. We started our day with breakfast, happily.

Matapos noon ay nagpresinta na si Simon na magligpit at si Siana naman ang naghugas. Tumulong ako sa pagligpit at nang matapos ay sumama kila Simon at Morphy. Pinanood ko silang maglaro. And I can't help but to smile while watching them. Sigurado, masayang-masaya si Gabril kung maging kalaro niya ang dalawang ito. Maybe he'll hesitate at first. Hindi kasi siya sanay.

Naaalala ko ang sinabi niya sa akin noon na hindi niya kayang makipaglaro sa mga kaklase. Maybe he felt the big difference between them. His instinct told it. At sa tingin ko kung si Simon naman at Morphy ang kalaro niya ay magiging magaan ang pakiramdam nila. Because they are both special among human being.

"Master!"

Napatayo ako at agad napatingin sa loob ng palasyo nang narinig ang boses ni Siana. Sila Simon ay napatigil din sa paglalaro. Agad kaming pumasok sa loob at hinanap sila. At natagpuan namin sila sa sala. Punong-puno ng pag-aalala si Siana habang nakatitig kay Dmitri na nakaupo sa sofa habang pikit ang mata.

"Anong problema, Siana?" kinakabahan na tanong ko.

"Ang putla ng labi ni Master, Azriella!" saad niya at umambang hahawakan ito ngunit tila naiilang.

Tinitigan ko ito at totoo nga ang sinasabi niya. Mabilis din ang pagtaas at pagbaba ng dibdib niya na tila hirap sa paghinga. Lunapit ako kay Dmitri at hinawakan siya. Halos mapaatras ako nang maramdaman ang sobra niyang init.

Beauty and the DemonWhere stories live. Discover now