Chapter 4 : Zeke's Effect

15 2 0
                                    

Sa sobrang taranta ko pinupulot ko yung mga candy pero nalalaglag ulit. Nayswan cj ngayon ka pa talaga magpapakalampa. Pwede na ata akong gumanap sa clumsy ninja e.

Kung inaakala niying tutulungan ako ni Zeke hindi! Habang pinupulot ko yung mga candy ko napatingin ako sakanya at napatingin lang siya sakin tapos nilagpasan ako.

Ouch

Grabe ang sakit ha! Kala mo pogi ka! Charot lang pogi nga pala talaga siya hahaha.

"Hoy!"

Hindi ko namalayan na nakatulala pala ako sa pinanggalingan ni Zeke

"Aray gino naman ehh" di ko alam dito sa lalaking to kung sadista ba 'to oh ano

"Hindi ka nanaman kasi nakikinig sakin kanina pa ako salita ng salita tapos hindi ka nanaman nakikinig!"

"Eh kasi-"

"Masanay ka na ganyan talaga ang The Zeke's Effect"

"Ha!?ano?the zeke ano?"

"Bingi ka ba? Sinasabi ko sayo cj linis linis din ng tenga-"

"Adik! Ano nga kasi yon"

"The Zeke's Effect"

Daming nalalaman netong ginong to. Chismosa talaga naturingang lalaki pa naman nako.

"Di mo ba alam yon? Ano ba yan cj mag-aapat na taon ka na dito di mo man lang alam yon"

"Eh malay ko ba"

"Ganyan talaga ang epekto ni zeke sa kababaihan at pati narin mga kabaklaan at lahat na. Kapag kinakausap niya o tinutulungan ayon ending nagiging bato narin tulad niya hahahaha"

"Hindi siya bato no!"makapanglait to na bato kala mo yung crush niya rin hindi e

"Bat nadamay nanaman ako!?"

Narinig niya?nakakabasa ba to ng utak?

"Hello sinasabi mo kaya nasa utak mo pano ko hindi malalaman?"

"Ha!? Eh akala ko nasa utak ko lang" napatakip tuloy ako ng bibig

"Tara na nga balik na tayo sa taas"

"Teka anong oras na ba?" Masaya siyang lumingon sa orasan niya

"9:10" masaya niyang sabi

Ha? Nagtinginan kami

"9:10!" Sigaw namin

"Takbooo!!"

Habang tumatakbo ay sumisigaw na si gino sa pagod "ano ba yaaaan bat pa kasi sa third floor room natin!"

"Oo nga letse naman sa dulong room pa"

Huminto bigla si gino at ako ang nasa likod niya e hindi ko naman alam na nasa tapat na pala kami ng room kaya ang ending naitulak ko pa siya at nasakto kami sa bukana ng pintuan at naramdaman ang titig ng lahat.

"Oh good morning Mr. Salvador and Ms. Rivera seems like you've enjoyed your meal so much that you didn't notice the time?"

As usual tinatawanan nanaman kami ng mga bugok kong kaklase

"Ma'am baka nagdate" sigaw ng kaklase kong lalaki

"Eeeew" sabay naming sabi.

"Excuse me di ko siya type. Wala pa nga siya sa kalingkingan ng standard ko no!" Sabi ni gino.

"Waw ang lakas naman ng loob mo as if type din kita"

"Away na yan! Away na yan!" Sigaw sigaw ng mga kaklase ko

Unpredictable [ Ongoing ]Where stories live. Discover now