Chapter 1 : Sweet Ponkan Jelly

26 2 0
                                    

Disclaimer : This is my first ever story that I've written so please bear with me haha and if you want to suggest anything ragarding to my story or anything you can comment down below. That's all thank you and enjoy reading!

-----------------------------------------------------------

Simple lang ang buhay ko. Hindi mayaman pero 'di rin naman mahirap. Hindi katalinuhan pero hindi rin naman walang alam. Sakto lang. I was always on the middle. Hindi ako masyadong "girly" pero hindi rin naman ako "boyish". Hindi ako maganda pero hindi rin ako kapangitan. Hindi mabait pero hindi din naman masama ang ugali. I am a mediocre person.

"Huy cj tulala ka nanaman jan! Halika na nga punta tayo sa canteen. don sa main alam ko naman gusto mong dun bumili kasi dadaan tayo sa building ng crush mo!" Sambit ni gino ng bahagyang hinampas ako para magising sa pagkakatulala sa bintana

"Tumahimik ka nga jan gino isa pa! sasapakin na talaga kita."sabi ko pagkatapos tumayo at kumuha ng wallet sa bag

"Oo eto na nga diba. Kung bakit ba kasi umaasa ka pa jan sa crush mo e alam mo namang mas bato pa yan sa bato yung tipong kinabog pa ang great wall of china hahahaha" asar niya sakin na gumuguhit pa ng pader sa ere na akala mo talagang totoo

"Makapanglait ka naman sakin e ikaw din naman 'tong todo asa sa crush mo na 'di kadin naman gusto. Mabuti nga yung akin nakikita ko pa at nakakasalubong dito sa school e yung sayo ano wala diba nandoon sa malayo"

"Kailangan pinapamukha talaga na ldr kami ganon?"

"May pagkafeelingero kadin ano excuse me wala namang kayo-"

"Hep! Oo na! tama na! talo na ako bumili na tayo. Panira ka pa ng araw ko e pareho lang naman tayong umaasa." Sambit niya habang tinatakpan ang bibig ko at hinihila na ako palabas ng room.

Hindi naman talaga kalayuan ang canteen sa amin. Mga isang building lang ang dadaanan pero para sa room naming nasa 3rd floor pa ang pumunta para bumili ng pagkain sa canteen ay isang himala hahaha. Nasa gilid kasi ng dinadaanan namin papuntang canteen ang Senior High- School Building kung saan syempre nandoon ang crush ko. Yun nga lang nasa 4th floor sila at bihira ko lang siya talagang nakikita siguro himala nga lang kapag nakita ko siya e pero ewan ko nakasanayan ko narin na doon dumaan.

"Cj ano bibilhin mo?" Tanong ni gino ng papalapit na kami sa canteen

"Ano pa ba edi syempre yung candy na palagi kong binibili"nagkatinginan kami

"Sweet Ponkan Jelly!" Sabay naming sambit at saka tumawa

Ako yung tipo ng tao na hindi rin matipirin pero hindi rin magastos siguro pag natatakam lang ako sa pagkain bibili ako pero pag naiisip ko na sayang yung pera ko hindi na ako bumibili. Minsan nga limang pisong paburitong candy ko lang binibili ko e. Naiinis nga lang ako kasi sobrang mahal magbenta dito sa canteen namin 'kala mo naman may ginto dun sa pagkain. Akalain mo ba namang limang piso apat na candy ang benta nung isang araw tapos ngayon tatlong piso dalawang candy na! Aba sumosobra na sila ha!

Pagkatapos namin bumili ay sinasadya ko talagang lumabas sa main door ng canteen kahit na sa gilid na pinto kami dumadaan dahil gusto kong dumaan sa harapan ng school namin kung saan minsan ko nang nakita ang crush ko na nakaupo sa may silong ng mangga.

Unti unti pa akong lumilingon sa silong ng mangga. Oo tama nga ang hula ko. Wala nanaman siya doon. Napabuntong hininga ako

"Okay lang yan may bukas pa Calista Joella Gray Rivera"sigaw niya ng malakas at dahan dahan.

"Shhhh manahimik ka nga sinisigaw mo pa buong pangalan ko mamaya makulam ako e"

"Ay hindi pa ba!?" Kunwaring gulat niyang muka na may kasama pang takip ng bibig

"E kung ako nalang kaya mangkulam sayo no?gusto mo ha!? Ano?"

"Hindi joke lang to naman" sabi ni gino ng papalapit na kami sa building namin

"Tara na nga akyat na tayo baka malate pa tayo at may klase pa tayo sa electronics." Sabi ko sabay lakad ng mabilis

Pagsapit ng tanghali ay lumalabas parin ako para sumama sa kanino man na kaklase ko nagbabaka sakali na makasabay ko siya ng labasan dahil hindi naman nagpapalabas ng gate agad ang guard namin. Sa katunayan di nga kami pinapalabas sa main gate e iikot pa kami ng mga dalawang building siguro para lang makalabas samantalang ang pagbibilham lang naman namin ay nasa tapat ng gate. Ang effort diba. 'Di ko sigurado pero ang rinig ko kaya daw hindi nagpapalabas e kasi sa sobrang dami naming estudyante e nagcacause daw ng traffic tuwing labasan na.

"Joey tara na!" Yaya ko sa kaklase kong babae na bumibili ng pagkain niya sa karinderya sa tapat ng school namin.

"Eto na oh! Wala pa yan sinasabi ko sayo ang aga pa"

Habang naglalakad ng masigla ay laking gulat ko ng nakita ko siya.

"Si Zeke"

Unpredictable [ Ongoing ]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن