Chapter 3 : Payong

24 2 0
                                    

Pagkababa ng jeep itinaas ko ang kamay ko at tumingala sa langit. "Haaayy ang malas naman oh".

Napatakbo ako habang tumatawid papunta sa school buti nalang at wala pang mga sasakyan ng ganto kaaga. 6:30 kasi ako umaalis ng bahay dahil yon ang first trip ng jeep sa amin ang sumunod ay 7:00 tapos 30 minuto pa ang biyahe at ayoko namang malate kaya mas mabuti pang magpakazombie sa umaga kesa naman magpakahagardo versosa sa kalalakad dahil sa sobrang traffic diba.

"Ang malas naman wala pa akong payong" ano kayang gagawin ko? Teka tignan ko nga kung sinong online sa gc namin. Kinuha ko ang phone ko at binuksan ang messenger

"Anak ng-" ang malas naman wala man lang online sa gc namin kahit isa haaayy.

Napaupo muna ako sa pathway ng main gate namin dahil di ko na talaga alam ang gagawin. Nung medyo humina ang ulan nagtatalo ang isip ko kung tatakbo ba ako o maghihintay nalang ng kaklase na papasok?napapikit ako. Huminga ako ng malalim at-

1

2

3

Cj it's now or neveeeeer

Napatakbo ako papunta sa building namin pero dahil clumsy ako kaya di ko masyadong binilisan.

Ay takte ngayon pa talaga lumakas ang ulan ha.

"Huh?" Napahinto ako bigla at inangat ko ang kamay ko para ramdamin kung may papatak bang ulan. Bakit parang tumigil ang ulan?tumingin ako sa kaliwa at nakitang malakas parin naman ang ulan. Napatingin ako sa taas at may kulay itim na tela. Teka?Payong? Laking gulat ko ng naaninag kung kaninong muka ang may hawak ng payong.

Tug dug tug dug tug dug

Cj kalmaaaaaa. Yung puso mooo. Dahan dahan kaming naglakad papunta sa Science building kung saan ang room ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang masyadong mabagal ang lakad namin kumpara sa lakas ng ulan o nagsslow-mo lang talaga ang lahat sa mata ko? Teka panaginip ba to? Kinurot ko ang pisngi ko.

"OUCH!"

Totoo ngaaaa. Oh my GGGG. Naging bayani ba ako sa past life ko at ganto ako kaswerte!? Grabe thanks G! Pagkarating namin sa SB ay binaba niya ang payong niya. Nakita kong nabasa ang kanang bahagi ng uniporme niya. May panyo ako! Kaya lang nahihiya ako. Ibibigay ko ba o hindi? Di ko napansin na matagal pala akong nagisip. Napatingin ako sakanya at di ko alam kung tumingin ba siya sakin o nadaanan lang talaga ng mata niya. Pero parang tinitigan niya ako eh.

Kinuha ko ang panyo ko sa bulsa at inabot sa kanya

"Kuya eto po oh panyo"

"Tingin ko kailangan mo yan" napatingin siya sa kaliwang bahagi ng damit ko. Nagulat ako at doon ko lang napansin na nabasa na din pala ako pero kaunti lang.

"Hindi na po kuya mas basa ka sakin e at isa shinare mo yung payong mo sakin kaya hayaan mo naman akong ipahiram yung panyo ko sayo"

Tumingin siya sa panyo na hawak ko. "Hmm. Sige na nga" at kinuha ang panyo ko at nagpunas na ng uniporme. Hindi ko na alam ngayon kung bakit hindi pa ako umaalis dito para bang nakasimento na ang paa ko sa sahig.

"Oh eto panyo mo magpunas ka na rin"sabay abot niya sa akin ng panyo.

"Ay naku kuya huwag na po. May baon naman po akong P.E."sabay tingin sa baba. Weh cj wala ngang P.E. ngayon dahil Music and Arts ang topic."Kahit itago mo nalang po yang panyo, sayo nalang" nginitian ko siya at napangiti rin siya sakin.

Ang pogiiiiiii

"Sige salamat mauna na ako." kumaway siya sa akin at tumalikod na

Natulala ako doon ng mga sampung segundo at nung tuldok nalang siya saka ko lang naalala na hindi pa ako nakakapagpasalamat. "Ah teka kuya Zek-"

Unpredictable [ Ongoing ]Where stories live. Discover now