Chapter 2 : Zeke

19 2 0
                                    

"Si Zeke"

Siya lang naman ang ultimate crush ko waaaah. Kinikilig talaga ako pag nakikita ko siya. Oo tama ganyan ako kaOA makita ko lang siya kinikilig na ako hahahaha.

Dahil doon ang buong araw ko ay naging masaya.

"Okay let's discuss more about Eletromagnetic Waves tommorow. See you tommorow and goodbye class."

"Thankyou ma'am"

Pagkatapos ay sabay sabay na kaming nag-ayos ng gamit at tumayo. Ang iba ay naglinis syempre cleaners hahaha. Buti nga medyo masungit adviser namin e lalo na pagdating sa kalinisan nakakamangha nga minsan e dahil yung adviser namin lalaki pero sobrang organize sa gamit at malinis. Hindi naman sa pagiging sexist hahaha pero natutuwa talaga ako pag nakakasalamuha ako ng mga lalaki na disente bihira nalang kasi mga ganyan e.

Wala namang espesyal na nangyari sa uwian ko as usual hinihintay ang mga kaibigan kong babae na matapos maglinis kung sini man ang matapat na cleaners samin. Tapos sabay sabay bababa at ewan ko ba pero nakasanayan na ng section namin na tumambay saglit sa silong ng mangga. Siguro gaya ko sinusulit narin talaga namin ang mga huling buwan na magkakasama kami hahahaha. Kasi naman ang bili ng panahon parang kahapon lang nangangapa pa ako sa kung pano ako magaadjust sa mga requirements sa school. E kasi naman galing ba naman sa Private School at lumipat sa Science Highschool diba. I mean di naman ako papetiks petiks lang nung elementary katunayan niyan consistent honor student ako nung elementary hindi naman sa pagmamayabang pero di ako bumababa ng third honor. Chaka consistent Top 1 sa extra curricular noon hahaha ewan ko ba pero sobrang active ko nung elemntary siguro dahil idol ko talaga kuya ko noon na laging nasa student council at active din sa mga orgs kaya pati ako sinalihan din lahat e hahaha natutuwa din kasi ako na nakakakilala ng bagong tao.

Haaaayy grabe ilang buwan nalang magsesenior high na kami. Sa iba siguro hindi big deal pero para samin oo kasi halos lahat samin lilipat narin ng school e. Nakakalungkot lang isipin na huling school year na 'to ng tawanan, iyakan, takutan, sigawan, kantahan, at iba pang kalokohan ng magkakasama at buo. Dati di ko talaga akalain na makakasurvive ako dito akala ko nga mapagiiwanan ako e. Pero thank God malapit nako makasurvive hahaha.

Pagkatapos ng kwentuhan, tawanan, at kantahan ay nagkayayaan na kaming umuwi. Usually nauuna talaga ang girls na umuwi dahil yung mga kaklase naming lalaki naglalaro pa ng volleyball.

"Rylie 'lika na"

"Libre mo 'ko pamasahe ha?" Pacute niyang sabi

"Oo na oo na" sabi ko sabay hila na sa bag niya

Nauunang umuwi si yvette samin kasi nadadaanan namin ang sakayan niya pauwi pagkatapos naman ay tatawid kami malapit sa simbahan at si Raia naman ang magpapaalam dahil ang bahay nila ay papasok pa pagkatapos naman ay konting lakad lang paglagpas ng simbahan ay si crystal naman ang magpapaalam.

"Hala wala nga pala nanaman akong kasabay mamaya!" Sambit ko na may pagaalala

"Hahahaha 'di ka pa nasanay cj buti nalang 'di ko pinaalala na hindi natin kasabay si Tori!"

"Oo nga pala at kasabay niya yung soon to be jowa niya ano"bat ba kasi makakalimutin ako haysss

"Bye rylie! Bye Yumi! Ingat kayo"

"Bye cj!"sabay nilang banggit sa paghiwalay namin ng daan dahil pareho na silang liliko sa kanan kung saan malapit ang bahay ni Rylie at ang bahay ng tita ni Yumi na kung saan dun siya sinusundo ng papa niya

Hays mag-isa nanaman ako pero sa totoo lang minsan kahit alam kong mag-isa lang ako sumasabay parin ako sakanila. Minsan dahil masaya din talaga mapag-isa at minsan hinahatid ko lang din talaga yung dalawang mokong na yon at tsaka minsan kasi si Yumi hindi sa tita niya pumupunta kaya naiiwan si rylie mag-isa naaawa naman ako kaya sinasamahan ko na.

Unpredictable [ Ongoing ]Where stories live. Discover now