Chapter 8

2.3K 42 2
                                    


Papasok pa lang si Rena sa may pinto sa kanilang office ay pinagtitinginan na siya ng mga kaopisina. Medyo nagbubulungan pa ang mga ito. Marahil dahil pa rin ito sa pagkukwentuhan nila ni Mr. DC noong biyernes ng gabi. Ignoring them, dumiretso na lang siya sa kanyang cubicle.

Ilalapag na sana ang kanyang bitbit na malaking bag nang mapansin ang mga bulaklak na nakapatong sa kanyang mesa. Now she knows kung bakit ganoon na lang siya titigan ng mga kasama.

Bago pa niya makuha ang mga bulaklak ay nakita niya si Gerel. "Ang sweet ng mga nagpadala niyan... Inilagay diyan para ito ang una mong masilayan pagpasok mo sa umaga." Panunudyo nito sa kanya. Nahuhulaan na niyang alam na nito kung kanino nanggaling ang mga bulaklak.

"Nandito ka na ba nang ilagay ito dito?" tanong pa rin niya para makumpirma ang nasa isip.

"Marami na kami nang ilapag niya ito dito. Kinilig nga ang karamihan nang makita naming pumasok ng maaga si Sir tapos may dala-dala pang bugkos ng bulaklak. Sumimangot lang ang ilan nang ilapag niya ang mga iyan diyan sa table mo," imporma nito sa kanya.

Kahit nakangiti ito sa kanya ay naaaninag pa rin niya parang hindi ito masaya. Panghihinayang kasi ang mababasa sa mukha nito. Kung para kanino ay hindi niya alam.

"Naku! Hayaan mo na lang ang mga iyon, naiinggit lang sila kaya feeling mga kontra bida sila sa love story ninyo ni Sir..." pagpapatuloy nito.

"Gerel, hayan ka na naman. Nagkakaroon ka na naman ng sarili mong konklusyon. Magkaibigan lang kami ni DC." Gusto niyang itama ang nasa isip nito.

"Maniwala ako sa iyo. Kung inaalala mo ang mga kaopisina nating matalim ang tinginsa iyo, don't worry about them, inggit lang sila," nakangiting pag-aassure sa kanya nito.

"Tsaka malay mo, sa kanya tumibok ang natutulog mong puso? Ang sweet sweet ninyong tignan last Friday," dagdag pa nito nang hindi na siya umimik.

"Hay naku naalala lang namin noong siya ang nag-interview sa akin kaya kami nagtatwanan noon noh," pagkahawak niya bugkos ng bulaklak, nakita niya ang note mula sa nagbigay.

Rena,

I want you to see this flowers first thing before you work in the worning. I hope it will help you para hindi ka maduling sa mga numbers na haharapin mo today.. Thanks dahil sa iyo naging masaya ang gabi ko noong party..

DC

Bahagya pa siyang natawa nang mabasa ang note nito. Hindi nito nakalimutan ang idinahilan niya.

"Ano bang nakalagay sa note at nakasmile ka diyan? Uuuyyyy! Kinikilig!" tudyo nito sa kanya sabay abot sa note na binasa niya.

"Hindi ko alam palabiro pala si Sir... At in fairness, romantic din pala siya..." nakangiting bumaling ito sa kanya. "Huhulaan ko, hindi mo ito isasauli noh?"

Lahat kasi ng mga bulaklak na natatanggap niya ay isinasauli niya sa nagbigay. A way of telling na busted ito. Pero tama si Gerel, hindi niya isasauli ang mga bulaklak.

Hindi dahil sa gusto niya ang lalaki kundi nahihiya siyang isauli sa boos niya ang mga bulaklak at ayaw naman niya itong mapahiya sa mga empleyado nito nang dahil lang sa kanya.

Nang ngumiti siya dito'y nakumpirma ang tanong nito. "Good luck friend!"

"Hayan ka na naman... Hindi ko ito isasauli dahil alam mo na rin ang mga dahilan."

Hindi na ito nangulit pa dahil marami pa silang tatapusing mga dokumento.

Nang harapin na nila ang mga nakatakdang gawin sa office ay doon na natuon ang lahat ng kanilang pansin. Hindi nila namamalayan ang oras dahil sa dami ng ginagawa.

Hopeless Romantic (Published under Precious Hearts Romances)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon