Chapter 9

2.6K 42 0
                                    


Huni ng mga nagliliparang mga ibon ang nagpagising sa kanya kinaumagahan. Lalong gumaan ang pakiramdam niya pagkasinghot sa malinis na simoy ng hingin.

"Ej?" Tawag niya sa kasama kagabi nang hindi ito makita pagmulat niya. Medyo nadismaya siya. Paano kung panaginip lang pala ang lahat?

"Ej.... Hello! May kasama ba ako dito?" pagpapatuloy niya sa pagtawag dito hoping na sana'y totoong kasama niya ito.

Nang walang makuhang sagot, inayos muna niya ang sarili bago lumabas sa kwartong kinalalagyan. Napakanative ng cottage na kinaroroonan niya.

Wala kang makikitang semento, puro gawa sa kawayan ang mga kagamitan pati na buong cottage. Pati nga yata gamit sa kusina'y gawa rin sa kawayan. Napaisip tuloy siya kung magagamit niya ang mga karamihan sa mga iyon.

Pati lutuan ay bago pero old style. 'Dalikan' ang tawag nilang mga ilokano sa ganitong lutuan. Maliit lang ito pero maganda.

Kumakalam na ang tiyan niya kaya umupo siya sa may lamesa sabay angat sa dahon ng sabang nakatakip sa mga pagkain. Lalo siyang naglaway nang masilayan ang nakakatakam na pagkain.

Mula bata'y paborito na niya ito. Itlog ng mga malalaking langgan na kung tawagin nila sa ilokano'y 'buos'. Iginisa ito sa kamatis at luya. Malinamlam kasi ito kaya marami ang nararapan. Bihira lang siyang makakain dahil hindi niya malunok ang mahal nitong presyo.

Mahirap din naman kasing kumuha ng mga ito. Bukod sa nasa itaas ito ng mga puno, masakit pa ang kagat ng mga 'buos', mas mahapdi pa kagat talaga ng mga langgam.

Mayroon pang tinola. Pagkakita pa lang sa sabaw ay alam na niyang native chicken ito. Madilaw kasi ito at mabango. Nagsandok na siya ng kanin at nilantakan ang pagkaing nasa harap forgetting for awhile about Ej.

Halos hindi makagalaw si Rena sa kabusugan. Ngayon lang ulit siya nakakain ng ganito karami. Bukod pa sa ito ang mga pinanabikan niyang kainin ay masarap talaga ang pagkakaluto ng mga ito.

"Huh! Nasaan na kaya ang engot na kasama ko kagabi?" malakas ng tanong niya sarili nang maalala ang lalaki.

Dahil mabigat pa ang tiyan, dahan-dahang siyang lumabas ng cottage para matanaw ang dagat. Mula kasi sa kinaroroonan niya'y dinig na dinig niya ang mga hampas ng alon.

Napasinghap siya ng malakas nang matanaw ang hinahanap. Half naked walking towards her. May bitbit pa itong mga gamit sa pangingisda. Hindi tuloy niya masigurado kung busog lang ba siya at hindi kayang ituwid ang sarili o talagang nakakawala sa katinuan ang tanawing nakikita.

"Gising ka na pala... Magaling ka pang magluto? May nahuli akong yellow pin," nakangiting sabi nito pagkalapit sa kanya.

Parang walang narinig na basta na lang nakatitig dito. Unaware na nakakaawang ang kanyang mga labi.

"Hey! Natulala ka na diyan?" sabi nito sabay abot sa kanyang ilong at tsaka pinisil.

"Ano ba! Ang lansa ng mga kamay tapos ipapahid mo pa sa ilong ko! Yuck!" Paiksing inalis niya ang kamay nito sa kanya not wanting to smell fishy. Tapos ang lamig pa ng mga kamay nito dahil na rin sa pagkakababad sa tubig dagat.

"Nagsalita ang hindi pa naligo," natatawang asar nito sa kanya. Pagkapasok sa munting kubo ay sinundan niya ito.

Dala-dala ang malalaking mga isda, nagtungo ito sa kusina at nilisan ang mga ito. Tapos na ito sa ginagawa ng bumaling ito sa kanya. "Anong alam mong luto para dito sa isa? Iihawin ko kasi itong isa, tapos gagawa ako ng toyo at kalamansi para sa sawsawan."

"May talong ba?" tanong niya. Medyo kumunot ang noo at tsaka tumango. "Kamatis?" tumango ulit ito.

"Magluluto ka ba ng pinakbet?" Nakangising tanong nito. Hindi siguro natin maimagine ang lulutuin niya.

Hopeless Romantic (Published under Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now