Chapter 11

5.8K 94 10
                                    


Rena is in the beach. She was walking barefoot in the sand. Ineenjoy niya ang paminsa-minsang dampi ng alon sa kanyang mga paa.

Tumingin siya sa malawak na karagatan. Payapa at napakagandang pagmasdan. Nang hindi makapagpigil, para siyang batang nagtatakbo palusong sa paparating na malking alon.

Paahon na sana siya mula sa mga malalaking alon nang may humawak sa kanyang mga paa. Trying to be free, she struggled. Kinabahan siya, paano kung sirena o syokoy ang humila sa kanyang mga paa.

Malakas niyang sinipa ang kamay ng humila sa kanya at pilit na lumangoy paahon. Hustong lumitaw ang kanyang ulo mula sa tubig nang mahulog siya. Blag!

"Ouch!" hindi niya napigilang daing. "Nabugbog ata ang pang-upo ko ah!" bumangon siya habang minamasahe ang nasaktang pang-upo. Nananaginip lang pala siya. Dahil sa pamimiglas sa panaginip, nahulog tuloy siya sa kanyang kama.

Still sleepy, bumalik siya sa pagkakahinga. Lihim niyang nahiling na sana mapanaginipan ulit niya ang karagatan. Also hoping na wala nang hihila sa kanyang mga paa.

She closed her eyes. She smiled when she hears the sound of the waves in her imagination. She could feel the soft air from the ocean.

Nang marinig ulit ang malakas na hampas ng alon, bumalikwas siya kahit nakapikit. Mas malakas na ito at parang nasa tabing-dagat talaga siya.

Slowly, she opened her eyes. Hindi na siya masyadong nagulat nang mabungaran ang pamilyar na silid. Nasa tabing-dagat nga siya. In the same cottage kung saan siya dinala ni Kuya Ej.

When she remembered him, dali-dali siyang bumangon para hanapin ito. Madaming siyang itatanong dito. Kasama na rin kung paano siya napunta dito.

Hindi niya mahanap ang kanyang tsinelas kaya naglakad na lang siya ng nakapaa. Siguardo sa pupuntahan, tinakbo niya ang tabing-dagat. Hindi pa man siya nakakarating sa pinakamalapit na wind mill ay huminto na siya.

There he was, standing beside the wind mill, intently looking at her. May ngiti sa mga labi nito. Naglakad na siya palapit dito.

When she was near him, she heard him chuckled. That irritates her, pinagtatawanan ba siya nito?

"What's funny?" she asked. Pinameywangan na niya ito nang lalong lumakas ang tawa nito.

"Hoy lalaki! Tinatanong kita!" singhal niya dito nang hindi pa rin tumitigil sa mahinang pagtawa.

"Sorry," hindi sincerong sabi nito. Tumatawa pa rin. "Nakita kasi kita nang mahulog sa kinahihigaan mo. Pati pala sa pagtulog may pagkalampa ka pa rin..." this time he giggled na parang bata.

"Nasaan ka kanina?" namumulang tanong niya. Nakakahiya talaga siya kahit kailan. Kahit tulog palpak pa din siya.

"Nasa paanan mo..." tumigil na ito sa pagtawa nang makitang nahihiya na siya.

"Ibig sabihin, ikaw iyong..." it was her turn to laugh. Humagalpak na siya nang matitigan ng husto ang mukha nito. Nagsisimula nang magkulay purple ang isang pisngi nito.

"Ikaw iyong nasipa ko! Hahaha! Bakit mo kasi hinawakan ang paa ko?" tumatawang tanong niya dito. Halos mamilit na siya sa katatawa nang magsalita ito.

"I didn't touch your feet. Umupo lang ako sa may paanan mo tapos nagulat na lang ako nang bigla mo akong sipain. Hustong makalayo sa kama nang mahulog ka. Akala ko magigising ka na kaya dali-dali akong lumabas," mahabang paliwanag nito.

"Iyan ang napapala ng mga nangingidnap!" tumatawa pa ring kantiyaw niya dito. "Paano mo nga pala ako nadala dito?" sumeryoso na siya.

"Hindi ako nahirapang dalhin ka dito. Para ka kasing mantika kung matulog, hindi magising-gising. Binuhat na kita wala ka pa ring malay," nakangiting saad nito.

Hopeless Romantic (Published under Precious Hearts Romances)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن