Chapter 2

3.9K 77 1
                                    


Habang nasa daan pauwi, hindi maiwasang mangiti ni Rena nang maisip si Ej. Apologetic talaga ito. Kung hindi lang siya talaga nag-aalala kanina kung paano uuwi, tinawanan na niya ang facial expression nito. Isang matangkad na lalaki na kung umasta'y parang batang kinagalitan ng nanay nito. He look cute. Parang ang sarap pisilin ang magkabilang pisngi nito gaya ng ginagawa niya sa pamangkin niyang limang taon pa lang.

Nang malapit na siya sa madilim na daanan, bumalik ang kaba niya. Mahilig siyang magbasa ng kung anu-ano kaya alam niyang mostly sa mga babaeng pasaheros na nagagahasa ay sa mga madidilim na parte ng daan ginagawan ng masama at doon na lang basta iniiwan. Pagkaisip dito'y nagtayuan lahat ng mga balahibo niya sa takot.

"Lord please help me... Gusto ko pa pong maranasang magkaboyfriend... Huwag niyo po muna akong kukunin..." mahinang sambit niya silently praying for her to be back home safe and still a virgin.

Marami pa namang madidilim na lugar ang daanan nila pauwi. Kinakabahang talaga, nilabas niya ang kanyang cellphone ready to call anyone kung sakaling may hindi magandang mangyayari.

Hindi talaga siya sanay umuwi nang gabi. Nakakatakot kasing umarkila lalo na sa mga panahon ngayon. Maraming nagigipit kaya maraming kumakapit sa patalim, kumbaga, marami ang nakakagawa ng krimen nang dahil lang sa kahirapan.

Sa pagkakaisip sa takot na nararamdaman, paulit-ulit niyang sinisisi si Ej. Naku makakatusan niya talaga ito! Pero agad na binawi ang nasa isip, masyado itong matangkad para katusan. Dyahe naman iyon. Nang hindi maalis ang takot sa pag-iisip ng kung anu-ano para madivert ang attention niya, tahimik na lang siyang nagdasal ng paulit-ulit para sa kanyang kaligtasan.

Nabawasan ang takot niya nang malapit na sila sa kanilang barangay. Silently thanking God for guiding her, pinasalamatan din niya sa isip ang lalaking dahilan ng lahat. Pero hindi pa rin siya siguro kung patatawarin na ito, hindi pa siya nakakauwi.

Nang matanaw ang kanilang bahay, agad niyang sinabi sa driver kung saan siya ibaba. Nang ihinto nito ang tricycle sa tapat ng kanilang bahay, dali-dali siyang bumaba.

With a smile, "Thank you po." Sabi niya sa driver sabay abot sa kanyang pamasahe. Dinagdagan niya ng kaunti ang ibabayad dito. Pasasalamat na rin dahil matino ito kaya siya nakauwi ng matiwasay.

"Naku ineng, bayad ka na. Binayaran na ng boyfriend mo. Sabi niya basta iuwi lang daw kita ng maayos, willing siyang magbayad ng kahit magkano." Nakangiting paliwanag ng driver.

"Mukhang mahal na mahal ka niya. Kulang na lang eh makisabay sa iyo pauwi para masiguradong makakauwi ka ng maayos eh," nanunudyong tukso nito sa kanya. Aba si manong feeling close!

"Palabiro pala kayo manong! Hindi ko po siya boyfriend. Kaya lang po ganon iyon, dahil po kasi sa kanyang katangahan kaya ako ginabing umuwi," pagwawasto niya dito. Hello! Ni hindi nga sila sweet sa isa't isa paano sila magiging magsyota? Hay naku ang mga matatanda talaga, basta nakita lang na magkasama ang isang babae at isang lalaki, may relasyon na.

"Kung siya ang dahilan kung bakit mo ginustong umuwi ng ganitong oras, sigurado akong may pagtingin ka sa kanya ineng," patuloy nitong panunukso sa kanya.

Pinameywangan niya ito. "Manong, trabaho lang po walang personalan. Katungkulan kong bantayan siya habang nag-eexam hindi dahil sa may gusto ako sa kanya," nauubusan ng pasensyang paliwanag niya sa makulit na driver.

"Pasensya na ineng, bagay na bagay kasi kayong dalawa. Tamang-tama ang taas ninyo para sa isa't isa. At kung tignan ninyo ang isa't isa'y parang wala nang makapaghihiwalay sa inyong dalawa kahit bagyo pa ang dumating."

"Si manong talaga parang si kupidong napaglipasan na ng katandaan. Hindi po kami bagay non. Malabo na po siguro ang inyong paningin kaya kung anu-ano ang nakikita niyo. At tsaka masyado pa akong bata para sa mga ganyan, pag-aaral po muna."

Hopeless Romantic (Published under Precious Hearts Romances)Where stories live. Discover now