Chapter 25: Wag na baka maging bagyo

103 5 2
                                    

Nasa hospital ako ngayon, di ko nga alam kung anong nangyari kay Jacob eh. Basta nakita ko lang siya sa may tabi ng bench na may dugo yung.... Eh basta! May pasa pa nga siya sa kanan ng pisngi niya eh.

“Miss, kamusta na po si Jacob?” Tanong ko sa nurse na kakalabas lang ng room ni Jacob.

“Ok naman po siya. Miss, pwede po kayong magpalit ng damit kasi po baka ubuhin or lagnatin kayo sa suot niyong basa.” Tumungo na lang ako.

“Miss, pwede po ba akong pumasok sa loob?”

“Sige po, pasok na lang po kayo.”

“Thank you.”

Pumasok na ako sa loob at nakita ko siya na natutulog, umupo ako sa tabi niya. “Ano bang nangyari sa’yo?” Bulong ko.

“Shaira, papayag kaba na layuan kita?” Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit niya ako lalayuan? Ano ba ang problema? “B-bakit?”

“Ahh.. wala. Bakit hindi ka pa nagpalit ng damit mo? Magkakasakit ka nyan eh.”

“Sana’y naman na rin ako eh.”

“Ako, hindi ako sana’y na katabi kitang basa. Hahaha.”

“Edi lalayo na ako sa’yo.” Tumayo ako at lumayo sa kanya. Tinawag niya ako, hindi ako lumingon.

Tinawag niya ulit ako, hindi ko siya pinansin. Hahaha! Wala lang.

“Shaira naman eh.” Tumingin na ako sa kanya.

“Bakit?”

Ngumiti siya ng nakakaloko, ano meron ba sa akin at bakit siya ngumingiti ng ganyan?

“Bakit ka ngumingiti dyan?”

“Eh bakit masama? Pffft..” Awatin niyo ako! Nasa hospital kami, tamang-tama baka baliw na ‘to hehehe.

“Baliw kana huh?” Lumapit ako sa tabi niya at umupo.

"Baliw? Ako? Kanino? Ahh.. Baliw ako sa'yo."

"Ewan."

“Ok lang sa akin, kahit naulanan ako at kung ano ang nangyari sa akin. Kaya ikaw magpalit kana ng damit mo. Dahil baka magkasakit ka nga!”

“Loko-loko!”

“Dahil kapag nagkasakit ka, baka ikamatay ko na!”

“Ikamamatay agad? -_______-“

Infairness, hindi naman halata sa mukha ko na kinikilig ako :"> “Bakit namumula ‘yang mukha mo?”

Pwede ba! Wag ka kasing magsalita ng nakakaloko!

“Naiinis ako ibig sabihin.” Waaa! Huhubells. Kinikilig ako eh.

“Bakit naman?” Fruta—ss!! Hindi ako naiinis bakit ba? Ang slow ng lalaking ‘to! Daig pa yung turtle.

“Manahimik ka na nga!”

“Kung mananahimik ako, paano ka na? Ma-oop ka..”

“Op? Other Person, Out of place? Tss. No way! Tayong dalawa nga lang tao dito tapos ma-oop pa ako. Out of place? Eh nandito lang naman ako sa tabi mo. Op pa?”

“Sige, kakanta na lang ako.”

Haaayss, kakanta siya? Wag niyang sabihin na papalakasin pa niya ‘yung ulan? Ano? gagawin pa niyang bagyo?

“Wag na..”

“Bakit?”

“Baka maging bagyo..”

“Rain rain, go away come again, another day because my Shaira wants to play. Go go go go away. Pffft..” Tinabig ko yung braso niya. “Ewan ko sa’yo.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maybe It's You~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon