Chapter 6: Torpe.

117 14 0
                                    

JAKE's POV

Ano ba yung pangalan ng babaeng yun? Haays. Sayang gusto ko pa naman malaman para sabihin ko sa stage. Hehehehe! Sana naman, alam ng dalawang ito ang pangalan ng babaeng yun -_-"

"Bro! Alam mo ba yung pangalan ng kaibigan nila Yesha at ni Asin?"

"Ahh. Oo bro. Bakit? Ano meron? Hahaha! Natanong ko lang yan nung kahapon kila Yesha." Sabi niya na nakatingin sa T.V.

"Tss. Ano pangalan niya Bro? Pwede mo naman sabihin diba?" 

Haaay.. tsk tsk di man lang sinabi sakin nung nalaman niya. -_-"

"Bawal daw sabihin Bro eh. Sabi saakin ni Yesha. Kapag sinabi ko daw sayo, may gagawin daw siyang masama sa akin."

"Ano?!! Baliw kaba? Kapag di mo sinabi may sapak ka sakin. Ano gusto mo? Sapak o sapak? Sabihin mo na! Ano ba pangalan niya? Gusto ko talaga malaman!"

Bigla naman napatingin sa akin si Josh. Subukan mo lang hindi sabihin. Gagawin ko talaga yung sinabi ko sayo. Yung isa naman busy sa kakalaro ng Benji Banana's. tsk tsk. Adik hahahaha! Mamaya ko na lang siya guguluhin. 

"Bawal nga daw! Pakelam ko sayo?" tumingin ulit siya sa T.V

Ahh.. Ayaw mo sabihin ah. Tumayo ako sa kinahihigan ko at napatingin naman sa akin si josh. Hahaha! Walang pakelam ah. Tignan lang natin.

"Oh saan ka pupunta?"

"Papatayin ang T.V. Tignan lang natin kung hindi mo masasabi.." 

Bubunutin ko na sana yung kuryente. Pero bigla siyang nagsalita ulit.

"Waag! Eto na sasabihin ko na! Ang pangalan niya ay Shaira. Bakit ano ba ang gagawin mo ah? Parang exciting yata? o_o"

Pumunta ulit ako ng kama para humiga ulit. tsk tsk. Sasabihin din pala, bakit kailangan ko pang tumayo para takutin siya? Nakaka ano lang. Tapos itong isang ito naglalaro pa rin. Wala yata siyang naririnig. Hahaha! Seryoso sa nilalaro ang mukhang unggoy. Kamukha niya yung unggoy na palambitin-lambitin. Mamaya ka lang talaga. hahaha! 

"Josh! Gusto ko malaman ng buong school na mahal ko si Shaira. Ano ba maganda gawin?"

"Aba. ewan ko sa iyo? Bakit ano ba gusto mo gawin para lang malaman ni Shaira na mahal mo siya?"

"Tangna! Kaya nga ako nagtatanong eh.. Nga pala nagpasalamat sa akin si Shaira dahil daw binigyan ko siya ng McDo. Binigyan niyo ba siya?"

"Ano? Anong pinagsasabi mo dyan? Hindi pa nga ako namimigay ng ganun eh."

"Sige."

Sinipa ko naman si Carlo habang naglalaro ng Benji Bananas. Wahahahahaha! Nalaglag. Hahahaha! Masyadong seryoso eh. 

"Anak ng! Wala na! Nahulog tuloy! Ang layo-layo ko na eh! Ano ba yun? At naninipa ka dyan?"

"Wahahahahaha! masyado ka kasing seryoso na yan. Wag maging seryoso kasi baka magong kamukha mo yang si Benji. Nyahahaha! Ano ba magandang gawin yung malalaman ng buong school na mahal ko si Shaira?"

"Yun lang pala eh! Edi kwento mo sa pagong! Aaaray! Ano ba?!"

"Nagtatanong ako ng maayos tapos di mo naman aayusin?"

Naglaro na ulit siya.. tss. Parang magbibigay lang ng ano. Ayaw pa.

"Ikwento mo sa pagong. Makikinig yun sayo, bibigyan kapa ng advise kung paano. Yun la-- Aray! Isa pa! Huhulog kita dya--Aray!"

"Hahaha! Dapat lang sayo yan."

"Wag ka nga magulo! Naglalaro ako eh!"

Ano ba kasing maganda? Yung magiging kami. Ginagamit ko lang si Shaira dahil na broken hearted ako kay Lyka Rhaine Nueva? Gusto ko lang sana na maalis na yung sa isip ko si Lyka.. Pero wala na siya dito sa school na ito. Pero mahal ko si Lyka, di ko alam kung bakit itong si Shaira ang nakuha kong panakip butas.. Hindi naman alam ng dalawang ito na naging Ex-Girlfriend ko si Lyka. 

Maybe It's You~Where stories live. Discover now