Chapter 20:

59 7 0
                                    

YESHA’s POV

“Oy Asin, pagkatapos ng 3rd subject na ‘to, bisitahin natin si Shaira ha.”

Gusto ko na kasi siyang gumaling eh.

“Ah sige..”

CARLO’s POV

“Josh, hindi ka ba papasok? Tara bisitahin na lang muna natin si Shaira.”

“Mamaya na, gusto ko pang matulog.” Sabi niya habang nakahiga sa kama.

“Ah sige, ako na lang ha. Tapos kakandaduhan kita dito. Ge bye par.”

“Carlo…. Teka tatayo na ako..” Pabebeng sabi niya. -_-

“Bilis!”

“Oo, na.”

“Anak ng tupa! Oo ka ng oo, hindi ka pa tumatayo! Sabihin mo lang kung ready kana… na… SISIPAIN KITA!”

Bumangon naman agad ang ugok at naghilamos. “Ang bagal naman kumilos nitong lalaking ‘to!”

“G*go! Hindi kasi ako naligo kagabi kaya hilamos na lang muna ako ngayon. Tinatamad akong maligo kagabi kasi malamig! Kaya wag kang magmadali diyan! Akala mo naman kung sino kang taong mukhang palaka.”

Bigla namang humalakhak ng tawa si Carlo at tumuturo-turo sa mukha ni Josh, “KAMBING! HAHAHA! Para kang kambing tol. Kaya pala habang natutulog ako, may naamoy akong something na ewan.. Siguro yun yung---“

Binato ako agad ng takip ng toothpaste ni Josh. Haha di naman masakit. “Hoy Carlo! Kahit hindi ako maligo mabango pa din ako, ano! Kahit amuyin  mo pa ako ngayon, mabango pa din ako!”

“Asa ka pa na amuyin kita? Sa itsura mong yan aamuyin kita?”

Tumingin naman si Josh sa sarili niya na naka-boxer lang at naka sando na puti. “Tss, baka yung hininga mo na yung naamoy mo ah.” Sabi ni Josh.

“Lols! Di porket malapit ang bibig sa ilong, maamoy mo na agad yung amoy yung ng bunganga mo! Baka naman di mo lang talaga alam kung ano amoy mo kasi sinisipon ka?” Hinagisan naman ni Carlo ng tuwalya si Josh. “Oh ayan, par. Maligo kana dalian mo dahil umaalingasaw na!”

**

*Tok-tok-tok* katok sa pintuan ni Carlo at sabay sabing, “Tao po, may tao po ba dito?”          

“Bukas yan.” Sabi naman ni Jake sa loob. Binuksan na ni Carlo ang pinto at nakita naman niya si Shaira na nakahiga sa bed. Kaya naman nilapitan naman agad ni Carlo si Shaira at sabay hawak sa kamy na akala mo ay nag-aalala. “Shaira… anong nangyari? Bakit ka nagkaganito? Please wag mo kaming iiwanan.”

Binatukan naman ni Jake si Carlo. “Abno! Ang O.A mo masyado, gusto mo ikaw ang ipalit ko sa kama ni Shaira?”

Napangiti na lang si Shaira. “Si Josh ang ipalit mo sa kama ni Shaira, dahil inaantok pa. Hindi din naligo kagabi kaya pala amoy na something kagabi. Nagpupumigil naman ng tawa si Carlo dahil alam niyang naiinis na si Josh sa kanya.

“Umupo nga kayo, doon.” Sabi naman ni Jake sa dalawa at tinuro ang upuan na mahaba na malapit sa pinto. Habang si Jake naman ay nasa tabi ni Shaira.

“Pwede ko bang buksan yung T.V?” Sabi ni Carlo.

“Pwede pero, ikaw ang mag-babayad.” Sabi naman ni Josh.

“Oo, naman. Di mo ba alam na billionaire ako?”

“Hindi.” Sabi ni Josh at sabay higa ng nakapatong ang ulo sa dalawang kamay niya habang si Carlo naman ay nakaupo. “Hoy, umayos ka nga! Wag kang humiga hindi ako makaupo ng maayos ng dahil sa’yo.”

Maybe It's You~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon