Chapter 3: Unggoy!

161 15 0
                                    

Greet ko lang si June Torres. Hi/Hello. Thanks for inspiring me. Echos! Hahaha! :D

**

JACOB's POV

Nang mag-bell pumunta na muna ako ng Canteen para bumili ng snacks ko. Para kapag napagod akong hanapin ang dorm ko, may kakainin ako. Nagsimula na akong maghanap, nang makabili na ako ng snacks. Mga ilang sandali, nahanap ko na agad ito. Hindi pala ako nahirapan. Hehehe. Sa loob na lang ng dorm ko ito kakainin. Kumatok na ako sa pinto.

"Tao po?" Sabi ko na, kumakatok sa pinto.

"Bukas yan, pasok na lang." Sabi niya na mukhang busy siya sa mga ginagawa niya.

Binuksan ko na yung pinto at pumasok na. Nilapag ko na yung bag ko sa sahig at nagpakilala sa kanya.

"Good Morning. Ako nga pala si Jacob Kelmi Sumda. Ikaw?" Mukhang seryoso ito sa pag-aayos ng gamit niya.

"Marlon De Guzman." Inalis ko muna yung uniform ko at tinupi ko muna ito. Baka kasi malukot.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Nag-ayos na lang ako ng mga gamit ko. Para ilagay sa cabinet na malapit sa dobledeck bed na ito.

Tumayo si Marlon at may binigay a akin. "Oh bro!" Sabi niya sabay abot ng softdrinks na nasa bote.

"Salamat" Sabi ko naman.

Wala na akong masabi kundi yun lang. Humiga na ako para matulog dahil may mamaya, may sub. pa ako. Nagtakip na ako ng unan, nang magtanong siya.

"Bago ka lang ba dito sa School?" Inalis ko ang unan na nakatakip sa akin.

"Oo, bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Ah. Ganun ba?" Umakyat na siya sa taas.

"Bro. pwedeng magtanong?" Sabi ko.

"Nagtatanong kana nga eh. Sige ano ba tanong mo?" Sabi niya na dumangaw sa akin.

Umupo muna ako. Para tanungin ko sa kanya kung paano nga ba. Di ko kasi alam ang gagawin ko. Mukhang may Gf kasi ito eh. Kaya natanong ko na lang.

"Paano ba sabihin ang nararamdaman mo sa isang babae?" Ako.

"Madali lang naman. Ang gawin mo ay tapatin mo yung babae para maipagtapat mo." Sabi niya.

"Pero kung hindi kaya?" Ako.

"Tss. Di na yata pwede yun? Kailangan mong lakasan loob mo para sabihin sa kanya. Torpe ka no?" Siya.

"Hindi no. Nagtanong lang ako. Sige bro. Matutulog na ako." Sabi ko nang palusot.

"Sige."

Ang bilis ko namang mainlove. Di ko alam kung bakit ako nainlove agad dun kay Shairalyn. Haay. Ang buhay nga naman parang life. Hehehe.

**

SHAIRALYN's POV

"Ahm. Aishin? Gising kapa ba?" Tulog na yata ito. Pupunta na lang ako ng Garden at magpapahangin. Di ako makatulog. Sa mga sabi sabi, kapag hindi daw makatulog ang tao. May nag-iisip daw sa kanya. So hindi ako makatulog, ibig sabihin may nag-iisip sa akin? Oh Echos nga lang? Hahaha!

Nandito na ako sa Garden nakaupo sa lapag. Ang sarap ng simoy ng hangin. Sana nagdala ako ng unan. Para dito na lang matulog. Nag-unat unat ako, at nag inhale exhale. Ang sarap ng simoy ng hangin.

"Ang sarap naman dito. Gusto ko matulog dito." Sana talaga nagdala ako ng unan. Kaso bawal yatang matulog dito?

"Oo Miss masarap matulog dito." Bigla ako nagulat sa nagsalita. Hinanap ko yung nagsalitang yun. Pero di ko siya makita.

Maybe It's You~Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang