Chapter 8: Lugaw

101 12 0
                                    

JAKE's POV

"Mga Brad. Di pa ba kayo kakain?" Tanong ko sa kanilang dalawa na habang nakahiga sila sa lapag.

"Mamaya na bro. Tinatamad pa ako eh. Tsaka Linggo ngayon no!" Carlo.

"Maya na ako brad." Josh

"Tss. Magsitayo na nga kayo dyan! Kung di kayo tatayo di ko kayo ililibre!"

"Bro...." Carlo

"Oh ano?" Sabi ko habang nakakibit braso ako.

"Tayo mo na nga ako." Sabi niya ng nakaabang na itayo ko siya.

Asa naman siya.

"Eh kung tadyakan kita dyan?"

"Sabi ko nga tatayo na ako."

"Tatayo ka naman pala eh."

"Ikaw josh? Di kapa kakain?" Kasi nakahiga pa din siya. -_- Siya na lang ang hinihintay kong tumayo.

Tumayo na siya at bumulong sa tenga ko ng "Brad. Kain tayo ng lugaw...."

Tss. Bakit lugaw ang naisipan nito?

"Bakit lugaw?" bulong ko din sa kanya.

"Hoy ano yung pinag-uusapan niyo? Baka naman maano ako sa inyo ah.." Carlo.

"Ako ang mag-oorder ng lugaw. Tapos lalagyan ko ng suká ang lugaw ni Carlo." Bulong niya ulit sa akin habang si Carlo ay nakatingin lang ng 'Nagtatakang-Look'.

"Eh bakit hindi na lang maraming paminta?" bulong ko ulit.

"Edi makikita niya yun."

"Sige sige."

Umayos na kaming dalawa at humarap na kay Carlo.

"Carlo. Ano... kainin na lang natin. Lugaw ah." Sabi naman si Josh.

"Ano yung pinag-uusapan niyo kanina?"

"Pinag-uusapan namin yung mga...." Tss. Nagpapahalata yata to -_-.

"Pinag-uusapan namin yung masarap na pagkain." Sabat ko.

"Ahh.. Ganun ba? Edi sana mag kanin na lang tayo. Para mabusog pa tayo."

"Ayoko magkanin." Ako.

"Sige. Eh sino mag-oorder? Ay ako na lang ang mag-oorder" Bubuksan na sana ni Carlo ang pinto nang isarado ulit ito ni Josh.

"Ako! Ako ang mag-oorder."

"Ok sige."

"Maghintay na lang kayo dyan."

"Sige na! Gutom na ako!" ako.

Hahahahaha! Tignan lang natin kung anong magiging itsura mo? Ang sarap sarap yata nung puro suká(Vinegar) yung lugaw mo? Gusto ko na makita ang mukhang asim mo. Hahahahahahahahaha! Baliw talaga tong si Josh eh. -_-

**

JOSH's POV

(@Canteen)

"Miss. 3 Lugaw po."

"Ok."

(AFTER 3Minutes)

"Eto na po order niyo."

"Miss. Pahingi po ng suká." Ehehehe^^ Lalagyan ko lang naman ng suka ang lugaw ni Carlo.

"Anong gagawin niyo Sir?."

"Basta. Pahingi na lang po ako."

Kinuha na niya ang suká at binigay na niya sa akin.

Maybe It's You~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon