Chapter 13: Unknown Letter

75 10 0
                                    

SHAIRA's POV

Vacant na namin. Kaya naman vacant ng mga besprens ko. Hinihintay ko sila dito sa room.

May lumipad na papel tungo sa akin. Kinuha ko iyon at binasa.

'Shaira, sana naman malaman mo na may gusto ako sayo. Sana naman makita mo ako. Nasa paligid mo lang ako. Haays wala na yata akong pag-asa sayo no?' Ang torpe ko talaga!' Tss ayokong ipakita itong papel na ito sa iyo. Dahil nakakahiya, baka pagtawanan mo lang ako. Kaya iipit ko na lang ito sa aklat ko hanggang sa maging brown itong papel na ito.' By: JKS.

Sino naman ang nagsulat nito? B-bakit niya nagawang itago ang nararamdaman niya sa akin? Sabagay iniisip niyang pagtatawanan ko siya. Pero sa isip isip ko, mabuti itong lalaking ito. Iniisip niya yung tama.

"Bes. Tara na." Asin.

Nagulat ako ng bigla niyang akong tawagin. Tinupi ko naman agad yung papel at nilagay ko sa bulsa ko.

"Tara." Ako

"Where we going guise?" Yesha

"Edi saan pa ba? Edi magmo-mall na tayo!" Asin

"HAHA! Ano ba bibilhin natin doon? Eh di pa naman tapos yung time natin?" Ako

"Oo nga naman, sa Canteen lang tayo bes. Next time na tayo magmall." Yesha

"Tara dalian niyo na! Nagugutom na kaya ako!"

(CANTEEN)

"Tah, doon tayo. Doon kila Jacob." Turo ni Yesha kay Jacob at sa kasama ni Jacob.

"Sige, reserve niyo ako ng chair ah. Mag-oorder lang ako." Asin

"Ok. Order mo na rin ako ha. Alam mo na yung akin." Sabi ko sabay kindat sa kanya.

Pumunta na kami ni Yesha kila Jacob. Para makishare kami ng table sa kanila.

"Hi Jacob, Hi Marlon." Bati ni Yesha sa dalawang ito na kumakain.

"Ah.. siya pala si Marlon. Hi Marlon, Hi Jacob. Pwedeng makishare ng table?" Ako

"Sure." Sabi naman nung Marlon. Umupo na kami at nagkatinginan kaming dalawa ni Jacob. Nagsmile lang ako sa kanya. Pero siya, parang wala lang sa kanya. Nahihiya siya.

"Hi Jacob. So kamusta ka naman?" Tanong ko kay Jacob na kumakain ng burger.

"Ah--ok lang naman. Ikaw? Kamusta ka?"

"Heto, gulong-gulo ang isip. Hindi malaman kung ano ang isasagot sa mga tanong. Hirap nga eh."

Napalumbaba na lang ako nung sinabi iyon. Naalala ko na naman yung Gabi na inihatid ako ng dalawang lalaki mula sa studyo.

Pero may isa pang pumasok sa isip ko. Yung lalaking nagsulat sa papel na nabasa ko sa papel kanina.

"Ahh.. Kaya mo yan, pag-isipan mo lang ng mabuti. Parang math lang yan Shaira." Jacob

"Talaga? Bakit? Hilig mo ba ang MATH?" Tanong ko sa kanya.

"Medyo lang naman." Jacob

"Sus. Magaling talaga itong si Jacob sa Math. Sinasabi niya lang na medyo dahil ayaw niyang matawag na mayabang or else pasikat at kung ano ano pa. Hehehe" Marlon

"Oh ayan na si Asin." Yesha

Tumayo ako para tulungan siya. Pero naunahan naman ako ni Jacob, kaya naman siya na ang nagbitbit ng dala ni Asin. Nagthank you naman si Asin. Umupo na ako at umupo na din si Asin.

Tumingin ako kay Jacob at napatingin naman siya sa akin. Pero iniwas naman niya agad yung tingin niya sa akin.

Si Asin naman ay todo-kain. What if nandito si Carlo? Ano kaya yung magiging itsura niya? Hahaha!

Maybe It's You~Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon