Chapter 26.

8.9K 240 3
                                    

CHAPTER 26.

JUSTINE

Maaga akong nagising ngayon dahil sa ngayon ako pupunta sa bahay ni kuya para naman makipag-usap at mag-sorry sa kaniya dahil sa mga nasabi ko kagabi.

Bumangon na ko at agad lumapit si Foxy sa'kin at dinilaan ulit ang mukha ko. Hinimas ko ang likod ko at hinalikan sa ulo.

"Kailangan ko nang umalis para makapag-sorry kay kuya. May kasalanan ako sa kaniya eh." Komento ko at tumayo na.

"Be a good boy, Foxy. Uwi agad ako mamaya, okay?" Tumahol siya at pumasok na ko sa loob ng banyo para makaligo na.

♥♥♥♥♥♥

Pagkatapos maligo ay lumabas na ko mula sa kwarto ko at bumaba na papunta sa kusina kasama ni Foxy para makakain na.

"Good morning." Bati ko nang naabutan ko si MJ na nagluluto sa kusino at napalingon siya.

"Good morning, babe. Prepare yourself now before we go to his condo." Sagot niya at tumango ako.

Kinuha ko na ang pagkain ni Foxy at binigay sa kaniya. Agad naman siyang kumain at umupo ako sa upuan.

"Sa tingin mo, kakausapin ba ako ni kuya?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya.

"Of course, he's going to talk to you. Magta-tampo, yes but, hindi ka niya kayang tisiin." Paniniguro niya.

"Sana nga lang ay tama ang sinabi mo. Feeling ko kasi ay galit siya eh." Komento ko.

"You can hug him or cry in front of him if he doesn't want to talk to you. Trust me, his greatest weakness is your hug and tears." Kinindatan niya ko pagkatapos niyang sabihin 'yon.

"Kailangan kong magpa-awa sa kaniya? 'Yon ba 'yung gusto mong sabihin, MJ?" Takang tanong ko.

"If you have too then, why not?" He giggles.

"I remember before when we were still kids, you used to cry just to get what you want from your brothers." Pagkwento niya.

"If you can't get the things that you wanted, it's either, you'll cry or you'll hug them just to get it." Dugtong niya.

Agad naman akong napahawak sa pisnge ko dahil sa sobrang hiya. Gano'n ba talaga ako ka-spoiled no'ng bata pa ko?

"Spoiled ba talaga ako noon? Pati rin ba sa'yo, gano'n din ako?" Nahihiyang tanong ko.

"To be honest, babe?" Tumango ako sa kaniya nang lumingon siya sa direksyon ko.

"Yes, you're also like that to me before. If I want to go home because it's already late, you're going to cry or hug me just to make me stay and play with you."

"Grabe naman 'yon. Parang ayoko na tuloy maalala 'yung nakaraan ko." Komento ko.

"Don't worry, babe. Even though you're like that, I still love you and I will still stay here with you." Kinilig naman ako sa sinabi niya.

"I love you too, MJ. Thank you sa mga sinabi mo. Ngayon handa na kong makipag-usap kay kuya para mag-sorry." Sagot ko naman.

Hinanda na niya 'yung mga pagkain at tinulungan ko siya para naman mas mapabilis ang paghain.

BERNARD

Nagising na lang ako dahil biglang may kumatok sa pintuan ng condo unit ko. Nagsuot muna ako ng t-shirt bago ako lumabas sa kwarto ko.

The Sadist Is Married To A Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon