Kabanata 5 -Student Council President

3.1K 44 4
                                    

"Yun ang ba ang dahilan kung bakit ka tinawag na Black Prince? Kasi ayaw mong magbago at maging gentleman gaya ng dapat?" tanong ko naman sakanya. Tumahimik muna sya at nakatingin sa malayo saka sumagot.

"You got it. I' am who I' am. Hindi ko kailangang magbago gaya ng gusto ng iba para lang maging masaya sila. Matuto dapat silang tanggapin kung ano talaga ako. Kung masama man ako I don't care, As long na totoo ako sa sarili ko."

Sa di malamang dahilan ay bigla na lang akong pumalakpak sabay tingin sakanya with twinkled eyes. Humanga ako sa sinabi nya grabe!

"Thanks sa pag-appreciate. Ikaw ang unang gumawa nyan." Sabi nya sabay pat sa ulo ko.

"Well you have points. Tama lang ang sinabi mo. Hindi kailangang magpaka-plastic para lang ma-entertain sila." ngumiti ako. "Well then, masyado ng gabi uwi na ako ha?" sabi ko sakanya.

"Ingat." sabi nya sabay ngiti. Hindi man lang maging gentleman! As if namang kailangan ko ng tulong niya. Crap!

"Biro lang.. hatid na kita." sabi nya sabay kuha sa bag ko.

"Salamat.." sagot ko na lang sabay yuko. Oh crap! Kinikilig ba ako? Oh please Louise! Ang bilis naman ata magbago ng pananaw mo sakaniya? Shit.

*******

Medyo puyat pa ako dahil sa nangyari kagabe pero naging ok naman ang tulog ko. Kaya lang ang aga aga ang ingay kaagad ng mga tao dito sa school. Gawin ba naman tsismisan ang corridor! Ba naman!

"Narinig mo na ba? Kakapasok lang daw ni President! Grabe! Namiss ko talaga sya!" sabi nung isang babae.

"Oo narinig ko nga. Hays, sana hindi na lang sya pumunta ng states. Pero okay lang yun kasi nandito naman si Papa Joshua eh!" sagot naman nung isa sabay irit nila..

Papa niyo my ass! Pero di nga? Si Julian umuwi na?

Hindi na ako nakinig sa tsimisan nila. Puro mga walang kwenta din naman kasi ang mga sinasabi nila eh. Umupo na ko sa upuan ko tsaka nag ayos ng gamit. Pansin ko lang, Iba ata ang dating ng classroom namin ngayon ah?

Pag-alis ng teacher namin eh bigla na lang naglapitan sakin yung mga babaeng classmate ko.

"Anong feeling na dumating na ang ultimate crush mo?" tanong nung isa.

"Siguro nabuhayan ka na noh? Naku girl! Congrats! I'm happy for you!" sabi naman nung isa. Tumingin lang ako sakanila ng nakataas ang kilay. Mga echuserang 'to! Hindi na lang manahimik!

"Correction, EX crush! Okay?" sagot ko naman.

"Naku! Ikaw talaga!" sabay hampas ng malakas sakin. "Pakunwari ka pa! Pero deep inside miss na miss mo na sya!"

Echuserang Classmate na 'to! Miss? Oo namiss ko nga sya, pero nawala sa isip ko ang tungkol sakanya dahil sa trabaho ko. Okay na din 'to para di na ako umasa. Lol kailan ka pa naging dramatic Louise?

"Hindi ah! Tsaka wag nyo na nga akong kulitin. Wait, mag-ccr lang ako!" sabi ko sabay walkout.

Nakakainis talaga sila kahit kailan. Parang bumalik lang yung tao daig pa nila asawa kung maka-react! Pero ano kayang magiging reaksyon ko kapag nakita ko na ulit sya. After 3 months, ang tagal din nyang nawala sa school. Matagal na yun para sakin ha!

"Louise? Ikaw na ba yan?" sabi sakin nung nasa likod. Edi napahinto ako sa paglalakad saka tingin sa likod. Bigla na lang nanlaki ang mata ko sa nakita ko.

"Really Julian? Sa tingin mo ba sa 3 months na di tayo nagkita eh tumanda na agad ako?" I rolled my eyes at him.

"You really are Louise." sabay yakap sakin. "Kamusta ka na? Gumaganda ka lalo ah?"

Black PhantomHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin