Kabanata 1 -Black Phantom

8.2K 95 4
                                    

"Beep beep!" tunog nung alarm clock ko.

Lunes na pala ulit kaya pala nag-iingay na naman 'tong alarm clock ko. Well kung sa bagay, Monday is the worst day ever for the students like me. Wala kasing katapusan ang pag aaral eh. Walang break pag gusto mong magpahinga! Ang hirap maging estudyante! Pero kulang pa ang idadakdak ko sa kakareklamo kung gaano kaboring ang bawat pagpasok sa school diba?

"Louise, Breakfast na! Hurry up and let's eat!" sigaw naman ng dad ko na mukhang abala sa paghahanda sa kusina.

My name is Chihaya Louisé Perrault. 16 yrs. old, 3rd year High school student sa isang private school. Hindi ko na sasabihin kung anong itsura ko pero alam kong maganda at matangkad ako. Kaya nga madami ding nagsasabing hindi daw ako mukhang 16 eh.

Meron lang akong Daddy at siya lang ang kasama ko sa buhay. My mom passed away when I was six years old and It's almost 10 year na since then. My dad's name is Nash Perrault, half british and filipino. And you know what? He's also a famous novel writer. Kilala at nirerespeto siya ng lahat. Akala nga nila istrikto siya at seryoso eh pero Oo, medyo hindi nga sila nagkakamali dun. Pero mahal na mahal ako ng daddy ko. He loves me very much like no other in this world, and I love him too naman.

My mom is a Half british-Filipino-Japanese. Kaya nga Chihaya ang First name ko eh. Her name is Marie Allison Perrault. They say that laking england talaga ang mommy ko't siguro dun sila nagkakilala ng daddy ko't dun nabuo ang love story nila pero let's skip that part. Bukod pa dun, Masaya naman kami ni daddy kahit kami lang dalawa pero iba pa din talaga pag may mommy ka.

"Oh male-late na pala ako, Bye Dad!" sabi ko sa daddy ko sabay kiss sa cheeks at umalis na ako.

St. Sistine Academy, this is where I study. Exclusive and kind of Elite school. Very strict sila dito't hindi biro ang mga nag-aaral sa school na 'to. Merong anak ng mga Businessmen, Politicians, Actresses, Actors, Singers at Lahat na siguro ng may kinalaman sa industriya. Kaya don't ask kung may makasalubong man akong mean girls o bully boys dito. Pero isa lang din ang masasabi ko.. Sorry, Wala silang panama sakin kahit kailan.

"Good morning Miss Louise.." bati sakin ng mga babae from 1st year to 3rd year.

"Uh, Good morning din girls. Kamusta ang tulog nyo? Boring ang monday no?" sagot ko naman sabay ngiti sakanila.

"Hindi po nagiging boring kapag nakikita namin kayo Miss Louise." ani naman nila habang kumikinang kinang ang mga mata nila.

"Huh?" at napa-hawak lang ako sa noo ko. Hays Heto na naman po tayo.. "Ah Salamat, Na-appreciate ko yung mga sinasabi nyo pero oras na kasi para pumasok tayo eh, Okay?"

"Sige po, Miss Louise.." sagot naman nila sabay alis.

Siguro ay nagtataka kayo kung bakit ganun sila sakin diba? Ganto kasi yun, Simple lang naman. Yun ay dahil sikat ako sa mga babae. Hindi ako Tibo ha! Ewan ko pero humahanga daw kasi sila sakin eh. Siguro dahil na rin yun sa pagiging karate champion at Black belter ko..

Yes you heard me. Champion nga ako sa mga karate tournament. Bukod pa dun eh, isa din akong Top Student. Matalino at malakas, yun siguro ang dahilan kaya ganun na lang ang paghanga nila sakin.

"Good morning Ma'am Emerald." bati namin sa teacher namin. As usual with matching tayo at yuko pa yan.

"Good morning din class. Well please sit down. Monday ngayon kaya another lesson na naman tayo. Kaya please, I need your cooperation everyone. Just listen and Be quiet okay? Hindi na kayo mga bata." sagot naman ni ma'am na parang nagmamakaawa na siya.

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon