Chapter 16

1.5K 38 0
                                    

[Troy's POV]

Nakarating na ako sa korea. Pero parang dapat pala di nalang ako pumunta. Masaya na si Rhian sa piling ng iba. Sa piling nung lalaki na nakita kong kasama niya. Nasasaktan ako.

Why?! Bakit ba kasi nangyari ang lahat ng dapat di mangyari?!

Naglalakad ako sa seoul. Wala. Gusto ko lang naman na makapag-unwind.

Yes. Mag-unwind. Sobra akong nasaktan eh.

Papunta ako sa Namsan Tower. Gusto ko lang mag lock ng padlock dun. Kahit wala naman si Rhian dito sa tabi ko.

Pumili ako ng pinakamagandang lock na pwede kong bilhin. At pagtapos nun, sinulat ko ang pangalan ko at ni Rhian.

"Rhian and Troy. Infinity"

Sana lang talaga kasama kita Rhian.

Pagtalikod ko....

Rhian?! Siya ba yun?!

"Teka lang! Rhian!" sigaw ko

Sinigaw sigaw ko ulit ang pangalan niya. Pero di siya lumingon.

Hinatak ko ang braso niya ng makalapit na ako sakanya.

"Appeo! Wae?!" [Masakit! Bakit ba?!]

Hindi pala siya. Kahawig lang.

"Mianhae." [Sorry]

Sinungitan niya lang ako.

Saan ko ba hahanapin si Rhian? Panu ko siya kakausapin?

Tumalikod ako, at dahil malas ako may nakabangga ako.

"Aww. Mian----" naputol ang sasabihin ko ng makita ko kung sino ang kaharap ko.

Pati siya ay nagulat at napatingin sakin ng nanlalaki ang mata niya.

"T-troy?!"

****

[Kyra's POV]

Kamusta na kaya si Troy at Rhian?

Sana naman di sabihin ni Troy na sakin niya nalaman address ni Rhian. Baka kalbuhin ako ni Rhian eh. Pero sa tingin ko tama na rin yun. Hahahahahaha. Atleast malay niyo magkaayos sila noh!

"Anong iniisip ng asawa ko?" tanong ni Yuri

"Sila Troy at Rhian. Iniisip ko kung okay lang ba sila."

"Asawa ko, okay lang sila. Don't worry." sabi ni Yuri

"Okay po." sabi ko at ngumiti

"Kamusta na kaya si Kuya Jason?" tanong naman niya

"Hindi ko alam Yuri, mukang malabo na siyang gumaling. Baliw at adik na talaga siya. Sira na ang ulo talaga ng taong yun. Di ko alam na magiging ganun siya. I trusted him. And I really loved him. Pero ito siya ngayon. Nasira siya. Sinira niya ang buhay niya." sabi ko naman

"Let's visit him again, don't you think it's a great idea?" tanong niya

I nodded. Siguro kailangan ko na rin bisitahin si Kuya Jason ulit....

Inayos ko na ang mga gamit ko, hinanda ko na ang lahat para sa pagbisita ulit namin kay kuya Jason. Kamusta na kaya ang kuya ko?

Pinaandar na ni Yuri ang kotse. Medyo kinakabahan ako. Ayoko na maulit yung nangyari last time.

"Don't be nervous. Siguro naman medyo magaling na ang kuya mo." sabi ni Yuri

Ngumiti ako sakanya. Hanggang sa nakarating kami sa rehab center, ay kabang kaba talaga ako.

TSH2: My EX is Back!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon