Chapter 20

1.7K 41 0
                                    

Rhian's POV

Tapos na ang lahat. Masaya na! Wala ng problema ang lahat. Okay na. Wala ng manggugulo.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Troy, napansin niya sigurong lutang ang isip ko

"Naisip ko lang na wala na pala tayong problema." sagot ko naman sakanya habang nakangiti

"Ahhh. Oo, wala na Rhian. At poprotektahan na kita." sabi niya naman atsaka ngumiti sakin

Hindi ko alam kung bakit ko siya nagustuhan basta ang alam ko mahal ko siya. Mahal na mahal.

*riiing riiiing

Tumingin ako sa phone ko upang makita kung sino ang tumatawag. Pero unknown number ang nakalagay.

"Hello? Who's this?" tanong ko sakanya

[Hey Rhian!] sino kaya to?

"Sino to?" tanong ko ulit sakanya

[Grabe di mo na naalala ang boses ko. Nakakatampo naman.] sagot nung lalaki sa kabilang linya

Napaisip ako ng malalim. Sino kaya to?

AHHHHH!!!

"XANDER?!" masaya kong sambit

[Ding dong daeng! At dahil diyan nanalo ka ng isang kiss at yakap mula sakin.] sabi niya naman tsaka tumawa

"Loko ka talaga xander. Trip mo pa rin ako hanggang ngayon. Kelan ka pa nandito?" tanong ko naman

[Ummm. Nung last week pa. Then mga 1 hr na akong nasa labas ng bahay mo.]

Napatakbo naman ako sa may bintana namin at nandun nga siya. Pano niya nalaman na nandito ako?

Lumabas ako upang pagbuksan ko siya ng pinto.

"Hey!!" sabi niya pagkalabas ko

"Hey! Pano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko sakanya

"Because of Yuri." sabi niya naman

Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya. Bestfriend ko siya eh.

"Ehem." Napatingin kaming dalawa sa likod namin. Muntik ko pang makalimutan ipakilala ang asawa ko. Namiss ko kasi ang bestfriend ko.

"Ayy. Troy, meet Xander ang bestfriend ko. Xander, meet Troy ang asawa ko." sabi ko naman tsaka lumapit kay Troy

"Ah oo nga pala may asawa ka na. Nalungkot ako nung nalaman ko yun kasi ang alam ko magiging tayo eh." sabi niya naman, kaya nilapitan ko siya at binatukan

"Baliw ka talaga. Tara pumasok na tayo." sabi ko naman tsaka naunang pumasok sa loob.

Pumunta ako sa may kitchen para iprepare ang juice na iseserve ko para sakanya. Pumunta na ako sa may sala at nakita kong di nag-uusap ang dalawa. Siguro nagkakahiyaan sila.

"Oh, bat di kayo nag-uusap? Mabait yan si Xander, Troy." sabi ko naman sakanya

Tumingin lang siya sakin atsaka tumango. Problem nun?

"Okay ka lang?" tanong ko sakanya, baka kasi may sakit pala siya tapos di ko man lang alam.

"Oo, okay lang ako, akyat lang muna ako sa taas." sabi niya naman, may problema talaga siya eh. Hay nako! Baka may natanggap na di magandang balita mula sa company nila.

"Okay lang ba yung asawa mo?" tanong ni Xander sakin pagkaakyat ni Troy

"Yes, siguro may naging problema lang sa work. Hayaan mo, kakausapin ko nalang siya." sabi ko naman sakanya atsaka iniabot yung juice

TSH2: My EX is Back!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon