Chapter 19

1.5K 46 0
                                    

Hi! Sorry po kung ngayon lang nakapag-update. Sobrang nabusy po kasi ako school eh. Sana patuloy niyo pa ring binabasa at hindi kayo nagsasawa. Pasensya na talaga :( Hayaan niyo babawi ako. Try kong mag-update ng sunod sunod. Lalo na sa mga masugid na readers diyan HAHAHAHA! Salamat pala :)

----

Troy's POV

"Ikaw po ang asawa?" tanong ng doctor paglabas niya ng emergency room

"Opo, ako nga po." sabi ko naman na nag-aalala sakanya. Kinakabahan ako para sa mga posibleng mangyari

"I'm sorry pero wala na ang baby. But your wife is in a good condition now." sabi nung doctor

Parang gusto kong magwala sa narinig ko. Hindi ko alam ang irereact ko. Wala na ang baby. Wala na kaming baby. Nakunan siya? Hindi ko alam kung san ko ilulugar ang emosyon ko. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Gusto kong pumatay. Gusto kong manapak!

Napaluhod ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Sir, tumayo ka na po diyan." sabi ng isang nurse at inalalayan akong tumayo mula sa pagkakaluhod ko

Sinabi sakin ng nurse kung saan ang room ni Rhian. Wala ako sa sarili ng pumunta ako sa room niya. Hindi ko matanggap. Masyadong masakit. Hindi ko kaya ang sakit.

Pumasok na ako sa room kung nasaan siya. Nakita ko siyang nakahiga at wala pa ring malay. Lumapit ako at umupo sa may upuan sa tabi ng kama niya.

"Rhian, wala na ang baby natin. Pano na? Sorry, di kita naprotektahan." sabi ko sakanya habang hawak ang kamay niya

Napaiyak ako dahil nabigo ko ang asawa ko. Nawala ang anak namin ng dahil sakin, hindi ko nagawa ang best ko para maprotektahan sila.

"Troy, wag ka umiyak." napatingin ako sakanya

"Okay ka na Rhian? Wala ng masakit sayo?" tanong ko sakanya habang hinahalikan ko siya sa noo

"Medyo okay na ako, pero nalulungkot ako." sabi niya sakin atsaka siya naiyak na rin

Niyakap ko siya ng sobrang higpit na para bang ayaw ko na siyang pakawalan.

"I'm sorry. Nabigo kita at ang magiging baby natin. Di ko kayo naprotektahan." sabi ko sakanya

"Wag ka magsorry, walang may alam ng mangyayari. Isa kang mabait na asawa. You did your part. Hindi mo kasalanan. Dahil kung alam mong mangyayari to, I'm sure gagawa ka ng paraan para hindi mangyari ang lahat ng ito." sagot nya naman sakin

Niyakap ko nalang siya. Kailangan ko ng yakap niya para maging maayos ang nararamdaman ko. Sobrang nanghihina ako, hindi ko kinaya ang mga nangyayari sa buhay namin ngayon. Gusto ko lang naman ng isang maayos na buhay pero ito kami ngayon nasasaktan.

**

Kyra's POV

Nagising ako na nasa isang lugar na hindi ko alam. NASAAN AKO?!

"Oh gising ka na pala." sabi niya tsaka ngumisi

NAKATAPE ANG BIBIG KO! DI AKO MAKASIGAW!

"HMMPHH! MMMM" pinilit kong sumigaw pero walang use. Nakatali rin ang mga paa at kamay ko. Wala na akong laban.

Nakita ko siyang nagsmirk sakin. Nakakatakot siya.

"Ano? Ang tigas kasi ng ulo mo. Dapat sumunod ka nalang sakin edi sana hindi nadamay ang mga kaibigan mo, at ang baby ni Rhian at Troy." sabi niya, tsaka siya lumapit sakin at tinanggal ang nakalagay sa bibig ko.

"ANONG GINAWA MO SA BABY NILA TROY AT RHIAN?! KUYA!" sigaw ko

"Well, let's say na wala na siya sa mundong ibabaw. HAHAHAHA!" Ang sama niya! Dinamay niya ang walang kamalay malay na bata.

"KUYA! ANG SAMA MO! ANG SAMA SAMA MO!" sigaw ko

"Masyado kang maingay. Nakakainis!" sigaw niya tsaka ako sinampal

Hindi siya ang kuya ko. Ibang iba na siya. Sobra na siyang naadik.

"Ang ingay, ano ba yun?" wala namang maingay, anong sinasabi niya? Adik na talaga si Kuya

"Waaaah! Ano yun? Ano yun?" sigaw niya atsaka tinapon ang mga gamit sa may kabilang dulo ng kwartong ito.

Nakakatakot siya. Ayoko na rito. Hindi ko na kayang makita ang malademonyong muka ng kuya ko!

Makakaligtas pa ba ako rito? Sigurado akong hinahanap ako ni Yuri. Gusto kong maiyak sa mga nararamdaman ko ngayon. Ang baby ko, ang baby namin ni Yuri. Baka pati siya ay patayin ni kuya. Ayoko. Hindi pwede. Di ko kaya.

Bigla nalang kinuha ni kuya ang baril mula sa bulsa niya at pinutok iyon sa pader.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano na ang gagawin ko?! Hindi ko na kaya rito.

Umiiyak ako habang pinapanood siyang nagwawala at nawawala sa sarili, epekto ito ng drugs malamang. Nagsisisigaw siya roon at pinagbabato ang lahat ng mahawakan niya sa kahit anong parte ng kwartong ito.

Kinasa niya ang baril at itinutok saakin, hindi ko mapigilan ang umiyak dahil sa mga nangyayari. Napahagulgol na ako ng iyak.

"ANO BA! MANAHIMIK KA! IPUPUTOK KO TO SAYO." sigaw niya atsaka mas inilapit ang baril sakin

Hindi ko na kaya ito. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko dahil alam kong ilang minuto nalang ay mawawala na ako sa mundong ito.

*BANG!!!

Anong nangyari?!

Napatingin ako sa paligid ko at nakita ko si Kuya na nakabulagta sa lapag.

Binaril niya ang sarili niya sa ulo. May tama ng baril sa ulo niya.

Waaaaa! Hindi ko na kaya!

"ARRGGGH! Ayoko na! Ayoko naaaaa!" patuloy ko yang sinisigaw habang umiiyak ako

Unti unti na akong nanghihina hanggang sa maramdaman kong wala na akong lakas pa upang sumigaw at umiyak. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

---

Nasan ako? Totoo ba ang mga nangyari o panaginip lang ang lahat?

"Kyra, gising ka na. Salamat naman." bumungad ang worried na face ni Yuri saakin

"Totoo ba ang mga nangyari? Nagpakamatay si Kuya? Patay na siya?" tanong ko kaagad sakanya

"Oo. Totoo yun Kyra. Hinanap kita, and luckily I've found you. Nandun si kuya jason at naabutan ko siyang nakabulagta sa lapag at pati na rin ikaw, akala ko noon ay patay ka na pero hindi, hinimatay ka lang. Pero si kuya jason he killed himself. Ang kanyang ulo ay may tama ng baril." sabi niya naman sakin

Hindi ko mapigilan ang umiyak. Bakit kailangan humantong pa sa ganto ang lahat? Bakit kailangan pang matapos ang lahat sa hindi magandang pangyayari? Bakit kailangan mawala pa ni kuya?

"Ang baby natin? Kamusta?" tanong ko sakanya. Sana naman at walang nangyaring masama sa dinadala ko

"Maayos ang baby natin. Nothing to worry about." sabi niya naman sabay yakap sakin

"Yuri. Tapos na. Wala ng manggugulo satin." sabi ko naman sakanya habang naluluha, parang binunutan ako ng tinik sa dibdib

"Don't worry Kyra, wala ng manggugulo satin. Okay? I love you." sabi niya naman sakin atsaka ako niyakap at hinalikan sa noo

Niyakap ko siya pabalik. Hindi ko alam kung san ko ilalagay ang emosyon na nasa sakin ngayon. Ang alam ko lang ay tapos na ang problema namin.

TSH2: My EX is Back!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon