Final Chapter

2.7K 83 4
                                    

[Kyra's POV]

After 1 yr

Ang dami ng di magandang nangyari.

Bagay na akala natin di na maaayos.

Kung di kaya ako pinaglaban ni Yuri kami pa rin kaya hanggang ngayon?

Malamang hindi na diba? Malamang ang kasama ko ngayon ay si Troy at di si Yuri.

Kung di namin pinaglaban ang isa't isa siguro'y di kami magiging masaya.

Marami na ang nangyari sa lovestory namin.

May mga nakakatuwa, may nakakaiyak, may masakit.

Nakakatuwa lang na in the end kami pa rin palang dalawa.

"San mo gusto pumunta?" napatingin ako sakanya

Nakaback hug siya sakin.

Gusto kasi niya na magout of town kami kasama sila Rhian.

"Hmmm? Davao. Mag davao tayo." sabi ko naman sakanya

"Hmm? O sige! Sabihan natin sila Troy." sabi naman ni Yuri sakin

"Pero diba 1 month ng buntis si Rhian?" tanong ko

"Yeah. Pwede pa naman siya bumyahe haha."

"Mommy, Daddy. San tayo punta?" tanong ni Baby Jay

Meet Jay! Ang baby namin ni Yuri.

"Sa Davao baby. Magvacation tayo." sagot ko naman

"Talaga? Yey!!!" sigaw niya at nagtatalon

Kamukang kamuka nga ni Yuri tong anak namin eh. Pero syempre kamuka ko rin.

Hindi namin inexpect na kami pa rin sa huli. Biruin niyo nagkaroon ako ng amnesia, hindi ko naalala ang taong mahal ko. Pero mukang nakaplano na rin naman na magkakilala rin kami ulit. Hindi nga lang naging madali ang mga pangyayari pero ayos na rin kesa sa hindi na talaga kami nagkatuluyan pa.

Marami ng pinagdaanan ang lovestory namin. Iyakan, at kung ano ano pang akala namin makakapagpigil saming dalawa.

Hindi naging maganda ang naging ending ng kasamaan dahil kailangan pa palang mamatay ng kuya Jason bago matapos ang lahat.

Alam ko naman na hindi matatapos ang pagsubok dito. Marami pang darating. Hindi nga lang alam kung kelan at kung san. Basta dapat laging kaming handa sa kahit anong dumaan.


[Rhian's POV]

Noong una puro Yuri ang nasa isip ko. Hindi ako mabubuhay kung wala siya. Hindi ko kakayaning mawala siya.

Pero napatunayan kong masyado lang akong naging selfish ng mga panahong iyon.

Alam kong aksidente ang lahat ng saamin ni Troy.

Hindi namin ginusto ang lahat. Pero dahil sa mga pangyayaring iyon ito kami at magkasama ngayon. Masaya.

Hindi man naging madali at marami mang naging balakid samin ay ito pa rin kami. Hindi kami natinag. Kasi mahal niya ako at mahal ko rin siya.

Nandiyan ang instances na nakunan ako ng baby. Pero kinaya namin.

Kung tutuusin lahat ng yun ay pagsubok lang. At kinaya namin yun. Hindi yun biro dahil halos mamatay na ako dahil sa kabaliwan ng kuya ni Kyra.

Pero isa lang ang masasabi ko.

Masaya ako na tapos na ang lahat. Masaya ako na si Troy ang napangasawa ko. Masaya ako at mahal niya ako ng higit pa sa pagmamahal ko.

He makes me feel special in every way. At ngayong buntis ako, ay iniingatan niya ako ng bongga para hindi na maulit pa ang mga hindi na dapat.

Masaya ako dahil mahal ako ni Troy. At masaya ako dahil nakilala ko ang bagong kaibigan ko na si Kyra.

Hindi naging maganda ang start namin. Pero ito kami ngayon at okay na.

Alam kong hindi lang dito nagtatapos ang mga pagsubok. Marami pa ring darating panigurado. Pero isa lang ang sigurado ako. At yun ang hindi magbabago ang pagmamahalan namin ni Troy para sa isa't isa.


[Yuri's POV]

Pagkatapos ng sobrang daming pagsubok, in the end kami pa rin ni Kyra.

Nakakatuwa na yung akalang kong wala na, yung akala kong imposible na eh nandito at asawa ko na. Mahal na mahal ko siya. At hindi ko makita ang buhay ko ng wala siya.

Nagpapasalamat ako sa maykapal kasi nandun siya para i-guide kami. Nandun siya para hindi kami mapahamak. At sa ngayon masaya ako makasama ang mag-ina ko.

Marami na kaming pinagdaanan, at alam kong sa kahit anong pagsubok pa ang dumaan ay kakayanin namin yun, bilang mag-asawa, at bilang isang pamilya.

Sila ang buhay ko.


[Troy's POV]

Malaki ang naging kasalanan ko kay Kyra. Isa kasi ako sa nagplano laban sa pagbalik ng ala-ala niya. Mahal ko siya eh. Pero noon na yun.

Ngayon sigurado na akong si Rhian lang ang mahal ko. Siya lang at wala ng iba, pati na rin ang baby na nasa sinapupunan niya.

I know everything was wrong at first pero sa ngayon alam kong lahat ng yun ay may purpose kung bakit nangyari.

Kung hindi nangyari ang lahat maybe hindi si Rhian ang asawa ko ngayon. Hindi siguro siya ang mahal ko ngayon.

Dati hindi ko maimagine na mawala sa buhay ko si Kyra. Pero ngayon si Rhian na ang sobrang iniingatan ko. She means so much to me. Siya ang pinakamahal ko sa lahat.

At sa pagkakataong ito. Iniingatan naming dalawa ang baby namin. Hindi ko na hahayaang maulit pa ang nakaraan. Sabay naming papalakihin ng maayos ang bata sa sinapupunan niya.

Sa wakas nakuha na rin namin ang payapa na gusto namin. Akala ko ay hindi na pero ito na at tapos na.

Alam kong may darating pa na mga pagsubok pero okay lang yun, sigurado naman ako na kakayanin namin yun ni Rhian. Mahal namin ang isa't isa eh.

------

THE END

Please vote and comment po. Thanks po. By the way, pakibasa ng The Clash: Love or War? New story ko po yan! HAHAHA!

Sana makuha ko po ang support niyo :) Thanks po.


TSH2: My EX is Back!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon