27- Campfire

3.8K 215 6
                                    

[Christian's POV]

Gutom na gutom na ang lahat, mag 12 na nang tanghali pero maguumpisa palang magluto sila Ms. Salva ng pananghalian, dahil doon, itinulog ko muna at binilin ko si Kheo na gisingin nalang ako kapag handa na ang makakain, ilang minuto din ang lumipas, at sa wakas ginising ako ni Kheo, naamoy ko na naluto na ang mga pagkain, sari-saring ulam ang niluto nila Ms. Salva

Merong, Pork chop, Adobo at Giniling, naganunsiyo si Ms. Salva na handa na ang aming pananghalian, isa-isa kaming kumuha ng disposable na plato at saka kami pumila isa-isa sa para kumuha ng mga ulam namin, nakita ko yung iba na sarap na sarap sa kanilang kinakain, bago ako kumuha ng pork chop ay may parang napansin lang ako, parang kakaiba ang mga hugis ng pork chop na to, nawalan nalang ako ng ganang kumain nang makita ko rin ang ibang ulam na kakaiba talaga ang nga karne nito

Hindi nalang ako kumain, naalala ko na may dinala pala akong extra na tinapay at nakalagay sa bag ko, yun nalang ang kakainin ko sa pananghalian, nakita rin ako nila Kuya Yin at Kheo na hindi kumain at nilapitan nila ako

"Oh bakit hindi ka pa kumakain?" Tanong sa akin ni Kuya Yin habang hawak-hawak niya ang plato na may mga ulam

"Wala po akong ganang kumain eh" Palusot ko nalang, ang totoo talaga ay ayaw kong kainin ang mga karne na yun kasi parang kakaiba, nakita ko na isusubo na ni Kheo ang kutsara nang bigla nalang sumulpot si Sakura at tinapik ang kamay ni Kheo, yun ang sanhi kung bakit nahulog ang kutsara niya sa damuhan

"Bakit mo naman ginawa yun?" Tanong ni Kheo kay Sakura, nakita ko naman si Sakura, napakamisteryoso ng ngiti na gumuhit sa kaniyang mukha, hindi naman nagsalita si Sakura at agad nang umalis

"Weird nga talaga yun" Sabi ko nalang nang mahina, matapos nun ay sinabi ni Kheo na magkakamay nalang siyang kumain, hanggang sa bigla kong nakita na nabitawan ni Kheo ang disposable na plato

"Bakit? Anong nangyari?" Tanong sa kaniya ni Kuya Yin na nakapoker face, hindi nakapagsalita si Kheo at nanginginig ang kaniyang mga kamay habang nang agad niyang itinuro na ang plato na may kanin at giniling, nanlaki ang mata ko nang may makita akong ilang piraso nang buhok, nakita ko rin na hinahalungkat ni Kuya Yin ang kaniyang pagkain at agad din siyang nagulat sa nakita, may mata ng tao sa kaniyang kinakain, agad namang nabitawan din ni Kuya Yin ang kaniyang plato

"Shit! Anong klaseng pagkain ang pinapakain sa atin dito" Sagot sa amin ni Kuya Yin hanggang sa narealize ko na kaya pala tinapik ni Sakura ang kutsara ni Kheo kasi alam niya rin na may kung ano sa kinakain niya

"Buti nalang pala at hindi pa ako nakakain, si Sakura?! Nasaan siya? Ano ang mga nalalaman niya tungkol dito? Hindi kaya siya ang may binabalak na masama?" Tanong sa amin ni Kheo pero nang nilibot namin ang tingin namin sa paligid ay wala kaming nakita

"Hindi, malabo ang mga sinasabi mo, kahit kakaiba ang kinikilos ni Sakura ay hindi siya ang killer, oo weirdo siya pero ang pagkaweirdo niya ay ang makakatulong sa ating lahat para matapos ang larong ito, may taglay siyang kakayahan na wala sa ating lahat" Paliwanag sa amin ni Kuya Yin, nagets ko nanaman, kaya din pala tinapik ni Sakura ang kutsara ni Kheo kasi ayaw nitong makain niya ang isang laman loob ng tao, nanlaki ang mata ko at napatakip nalang ng bibig ko

"Hi-hindi kaya, isa sa mga kaklase natin ang pumapatay? At pinaghandaan tayo ng laman loob ng tao, o baka ang kinakain namin ay ang laman ng isa sa mga kaklase namin?" Nang pagkasabi ni Kheo yun ay nasuka naman agad siya sa likod ng tent namin

Matapos mapatunayan ni Kuya Yin na laman nga nang tao ang kinakain nila ay agad naman siyang napaupo, ewan ko kung may balak siyang sabihin sa mga kaklase namin na ang kinakain nila ay isang laman ng tao, hindi ako makapaniwalang nagawa sa amin ng isang tao lang din, di ko man siya kilala o nakikita pero habang di namin siya nahuhuli ay patuloy parin ang gagawin niyang pagpatay sa amin, iniisa-isa na kami, eto na ang kinakatakutan ko kasi hindi mo alam kung hanggang kailan ka tatagal sa larong ito

School 26 UniversityWhere stories live. Discover now