42- Game 8(Life Isn't Real)

913 195 7
                                    

   [Carly's POV]



Matapos ang ilang minutong pagpapahinga sa daan, agad nang nanumbalik ang lakas ni Kenneth kaya sinamahan niya si Yin para buhatin si Bea. Patuloy ang paglalakad namin at may bigla kaming narinig na ang sakit sa tenga. Teka, nakita ko si Bon hawak ang katana ni Nicole habang naglalakad ay dinidikit nito sa daan kaya lumikha ito nang tunog na nakakapag pasakit sa tenga namin



Binilisan namin ang paglakad hanggang sa naging pagtakbo na ito, nakita kong hirap na hirap na ang dalawa dahil sa binubuhat nilang dalaga hanggang sa biglang nagsalita si Bea



"Kuya Yin, ibaba niyo na ako. Pabigat lang ako sa pagtakas niyo, hayaan niyo nalang ako. Huwag niyo na akong intindihin total mamamatay lang din tayong lahat" Sabi nito pero di binitawan nila Yin at Kenneth at patuloy parin sa paglalakad nang mabilis



"Aray!" Narinig kong sigaw ni Yin, nakita ko na kinagat ni Bea ang braso ni Yin at agad nitong nabitawan ang di makalakad na si Bea



"Sige na kuya, Kenneth, ate Carly. Para rin sa ikabubuti nang lahat to" Naiyak ako sa sinabi ni Bea hanggang sa hinatak na ako papalayo ni Yin " Hindi, hindi pwede, kailangan natin siyang balikan!" Pilit na pagpupumiglas ko sa mga kamay ni Yin



"Wala na tayong magagawa" Sabi ni Yin at naramdaman ko ang pagpatak nang luha niya sa may braso ko, napatingin ako sa likuran at nakita kong naabutan na ni Bon si Bea. Agad na itinaas ni Bon ang katana habang si Bea naman ay nakaupo lang at nakita ko ang pag agos nang kanyan luha sa kanyang maamong mukha



Hanggang sa tinuluyan nitong ibaon ang katana sa sikmura ni Bea, nakita ko na may mga dugong lumabas sa bibig nito at agad nalang siyang natumba sa kinauupan, napaiyak nalang ako bigla. Hindi ko talaga tanggap ang mga nangyari, wala na. Nangyari na ang nangyari. Iniisip ko nalang na sana isa lang itong bangungot



Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay hindi na kami muling nasundan ni Bon, tinignan ko ang orasan at nakita ko na 8:00 na nang gabi. Madilim ang buong lugar at halos wala kaming makita hanggang sa nasalubong namin sila Charlyn kasama ang mga iba naming kaklase



"Salamat sa Diyos at ligtas rin kayo. Akala ko kung ano na din ang mga nangyari sa inyo" Sinabi ko sa kanila tapos huminga ako nang maluwag. Hanggang sa napansin nila na parang may kulang sa amin



"Ate Carly, hindi niyo po ba kasama sila Daphnne?" Mahinahong pagtanong ni Jeirahlyn sa akin. Hindi ko alam kung kaya ko bang sagutin ang napakasimpleng tanong kung asanba siya hanggang sa inunahan nalang akong magsalita ni Yin



"Hindi naman namin ginusto ang mga nangyari sa kanila eh. Pati narin kanila Adhara at Bea" Malungkot na sabi nito sabay yumuko at para bang sinasabi niya sa sarili niyang kasalanan niya ang lahat. Hinawakan ko nalang siya sa balikat niya saka ko ito tinapik para patahanin siya



Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Ewan ko kung asan na kami ngayon pero nasa labas parin kami, nagtaka nga lang kami bakit asan na si Bon? Hindi na siya nagpapakita ano nanaman kayang balak niya sa amin, biglang tumayo si Sakura at nagsalita sa harapan namin



"Wala na si Bon, isa--" Biglang naputol ang pagsasalita niya nang biglang sumingit si Kheo



"Napatay mo siya?!" Gulat na tanong nito at napatayo din, pero umiling siya at pinagpatuloy ang pagsasalita



"Hindi ko siya pinatay, pero nararamdaman ko na isa sa inyo ang nagawang nakapatay sa kanya" Nagulat kaming lahat sa kanyan sinabi, panong isa sa amin ang makakapatay kay Bon? Eh halos magkakasama naman kami, wala namang humihiwalay



School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon