21- This Game Ends Tonight

4.5K 237 5
                                    

[Katrina's POV]

Nagulat talaga kaming lahat nang makita namin na ang kalahati ng school namin ay isang isla, nararamdaman ko ang mainit na buhangin habang kami ay naglalakad papunta sa isang kubo

Natakasan namin ang killer, pero sana di na niya ituloy kung ano man ang balak niyang gawin, nagsawasawa na ako sa pataya, naalala ko bigla si Ate Ahran, ano na kayang nangyari sa kaniya

Ilang minuto rin ng paglalakad namin ay nakarating na rin kami sa wakas sa kubo, binuksan ni Kuya Yang ang kubo, hindi ito nakalock kaya nakapasok kami

Ang nakita ko lang na laman ng kubo ay isang higaan at upuan lamang, yan lang ang nakita namin, wala man lang kaming nakita kahit, faucet, mga unan, lamesahan, pero may banyo naman kaso sa labas, sa tabi ng kubo

Nagsihigaan agad sila Aubrey at Adhara, grabe talaga, nakakapagod kahit yung higaan wala man lang kahit konting foam, pure na kawayan lang naman, kaya masakit sa likod

Napaupo nalang ang iba sa sahig, na occupy na kasi nila Bea at Daylin yung upuan kaya hindi na ako makakasiksik pa, magpapahinga muna kami naiinom ako pero wala akong mahanapan na kahit isang faucet

Ayoko pa namang pumunta sa banyo ngayon, kaya nilabanan ko nalang ang uhaw kahit sobrang naiinom na ako kasi di ko inakala na sobrang init dito, ilang oras ang nakalipas at tanghali na, wala paring nakakakain sa amin

Gutom na gutom na kaming lahat, walang umanoy lumabas kaming lahat, naghiwa-hiwalay kami ng landas, ang kasama ko ay sila Bea at Daylin, si Aubrey at Adhara naman ang magkasama, at naiwan sa kubo sila Kuya Yin, Yang at Ate Carly

Pumunta sa bandang dagat sila Adhara nakita ko na papalayo sila, nakita ko naman sila Ate Carly na sumunod ding humiga, nakatulog din siya kasi napagod din siya

"Naiihi ako" Sabi ko sa kanilang dalawa

"Samahan nalang kita sa banyo" Alok sa akin ni Daylin

"Sige, punta muna ako kanila Aubrey, makikipagusap lang ako ng saglit" Paalam naman ni Bea sa amin at agad nang sumunod sa dagat

Pumasok kami ni Daylin sa banyo, nakita ko sa loob na maluwang naman, hindi kagaya sa kubo na halos walang silbi, buti din dito ang lamig nang tubig, sabi kong ganyan habang naghuhugas ako ng kamay

Nauna nang lumabas si Daylin kasi naghugas lang naman siya, nahuli ako kasi iihi pa ako, matapos ang 2 minutes ay tapos na akong umihi at naghugas ng kamay

Pagkalabas ko ay nawala sa paningin ko si Daylin, hinahanap ko siya pero nawala siyang bigla, kaya pumunta ako kanila Aubrey baka sumunod siya doon, habang naglalakad ako palapit sa kanila ay nakita ko palang na hindi rin nila kasama si Daylin, pero tinanong ko baka sakaling alam nila

"Guys, nakita niyo ba si Daylin? Nawawala siya kanina eh" Tanong ko sa kanila pero lahat naman sila ay di daw nakita si Daylin kahit si Bea

Patuloy ang paghahanap ko kay Daylin, tinanong ko na rin kanila Ate Carly, pero hindi din nan daw nila nakita, kinakabahan na ako para kay Daylin

-----

[Killer's POV]

Wala akong nadatnan sa loob ng library, uminit bigla ang ulo ko at agad kong hinagis yung baseball bat, sinilip ko lahat ng kwarto pero wala talaga akong nadatnan

Patuloy ang paghahanap ko nang bigla kong nakita ang detention room, pagkatingin ko sa detention room ay nakita ko sa loob na basag yung malaking bintana

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon