09- What The Hell

6.1K 266 3
                                    

[Yang's POV]

"Tara na guys" Sabi kong tahimik at nagdahan dahan kami naglakad ng mga kasama ko

"Okay, ang goal natin is, makapunta sa chemistry lab ng walang nakakakita, matapos nun kunin natin lahat ng kaya nating bitbitin na mga poisons at acid na pinapakuha nila" Sabi ko sa mga kasama ko nang pabulong

"Oo alam ko na" Sabi naman ni Erika

At patuloy kaming nagmamadali, pero nasa corridor palang kami may narinig kaming yapak

"Wait lang may naririnig ako" Sabi kong pabulong sa mga kasama ko

"Ako rin meron, naglalakad ito, baka yan na yung killer" Sabi ni Erika

Agad agad akong naghanap nang pwedeng pagtaguan at nakita ko ang locker, pinilit kong ipagkasya ang katawan naming tatlo

Pero dahil sa konting ingay lang, may narinig ata yung naglalakad at bigla na itong papalapit

Bago pa kumurba ang naglalakad, nagbato ako ng isang gunting na nakita ko sa locker, binato ko ito papalabas sa bintana at saka ko isinara agad-agad ang locker

Nang nararamdaman ko nang papalapit na ito, tinignan kong mabuti ang itsura nito, nakadamit ito ng itim, at nakamaskara ng happy face

Habang sila Eonne at Erika naman, tinatakpan nalang nila ang mga bibig nila para di sila makagawa nang ingay, tinitignan ko parin ang nasa harapan ko at sinabi ko sa sarili ko

Eto nga ang killer, at nakita ko na may hawak siyang itak, narinig nang killer ang binato ko at sinundan nito ang ingay sa labas

Nang nakaalis na ang killer, nagmadali kaming umalis agad at pinilit naming tumakbo nang walang ingay

Malapit na naming marating ang chemistry lab, nang biglang tumunog ang walkie-talkie at nagsalita si Carly

"Yang, asaan na kayo? Ano na ang mga nangyari?" Tanong nitong pabulong

"Malapit na kami dito sa chemistry lab, mag-iingat kayo diyan, nakita namin kanina yung killer, naka suot siya ng itim at nakamaskara ng happy face, pero nagtago kami sa locker kaya di niya kami nakita" Sabi ko naman

"Okay sige, salamat sa impormasyon, kailangan nadin naming hanaping mabuti ang principals office" Sabay off nang walkie-talkie

Nagpatuloy ulit kami sa paglalakad, hanggang marating na namin ang chemistry lab, nakita ko na bukas ang pinto nito kaya agad kaming nakapasok pero nagtaka ako at may naalala ako bigla, sabi ni Bea kanina andito nakahiga yung bangkay ni Chris pero bakit wala na ngayon

Pero hindi ko nalang inintindi yun at agad-agad nang kinuha ang mga dapat na kailangan

Nakakuha na ako ng limang asido, pero hindi ko mahanap kung nasaan yung mga poisons, agad akong kinalabit ni Eonne

"Kumuha narin ako nito kuya,makakatulong sa atin to" At pinakita ang dalawang bote nang protein powder

"Ok lang, sige basta wag mong kakalimutan ang mga dapat nating dalahin" Sagot ko naman

Ang tagal na naming naghahanap nang poison pero wala kaming mahanap, at biglang nagsalita si Erika

"Uy nahanap ko na ang mga lalagyanan nang poisons" Sabi ni Erika at tuwang tuwa ako nang bigla kong narinig yun

Agad kong binuksan ang lalagyan nang poison pero laking gulat ko nang nakita ko na walang natira ni isa

"Shit! Bakit? Nasaan na ang mga poisons?!" Sabi ko habang kinakalkal paring mabuti ang lalagyan

School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon