49- Perfect Formula

1.2K 162 11
                                    

[Carly's POV]



Nakita ko sila Sakura at Charlyn na tahimik na nagtatago sa gilid ng patients bed sumisenyas sila na huwag akong maingay



Ilang saglit langay dahan dahang naglakad patungo sa akin si Sakura at tahimik na pinutol ang taling nakabalot sa katawan ko, pagkababa ko ay may biglang tumunog na mga bakal



Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mga nurse na halimaw ay unti-unting naglalakad papunta sa amin, lumuwang ang paghinga ko nang tumigil na ang ingay na yun at tumigil na rin ang mga nurse sa kanilang paglalakad



"Eto, pumunta ka kay Yin, ako na ang bahala kanila Kheo at Yeka, mag-ingat ka lang please huwag na huwag kang gagawa ng kahit anong ingay" Pakiusap sa akin ni Sakura sabay abot sa akin ng pocket knife tumango nalang ako bilang pag sang ayon



Kalmado akong gumapang papunta sa kinaroroonan ni Yin, isa, dalawa, tatlong higaan pa ang nilagpasan ko para lang makarating sa pwesto ni Yin



"Shhh.. Huwag kang maingay" Bulong ko sa kanya nang makarating ako sa kaniyang tagiliran, agad agad ko namang pinutol ang tali at saka ko siya tinulungang bumaba ng dahan dahan sa hinihigaan niya



Nakita ko na dumudugo ang ulo niya, pero maliit lamang na sugat kaya naman kumuha ako ng towel at nilagay sa kanyang sugat, nanghihina pa siya kaya wala akong choice kundi tulungan muna siya, tinaas ko ang kamay ko at nag thumbs up para makita ni Sakura na ayos lang kami dito



Matapos ang ilang minuto ay nakita ko na nakababa na rin si Kheo sa kanyang hinihigaan, isa nalang ang problema namin, si Yeka



"Magiging mahirap ito" Bulong ko sa aking sarili kasi sa nakikita ko palang na si Yeka ang pinakamalapit na pwesto sa mga nurses, nakakatiyak ako na maaabot na nila si Yeka pag may narinig lang itong konting ingay



Nakita kong nagtanggal ng sapatos si Sakura para hindi marinig ang mga yapak nito habang papunta sa kinaroroonan ni Yeka, nagdasal ako na sana ay maialis niya ng ligtas doon si Yeka at ilang saglit lang ay nakita kong naputol na nito ang mga tali sa katawan ni Yeka



Sinenyasan kami ni Sakura na magtanggal kaming lahat ng sapatos para maging tahimik ang paglakad naming lahat, maingat naman naming sinunod ang kagustuhan niya



Isa-isa na kaming tumayo at naglakad ng tahimik papunta sa pintuan, nauna na si Sakura sumunod kaming dalawa ni Yin, sumunod si Charlyn



Nakita kong nagkatitigan ang dalawang naiiwan na sila Kheo at Yeka, sign na para magsabay silang dalawa papunta sa amin

Hinawakan na ni Sakura ang door knob at inikot ito ng dahan dahan para mamatiyak na makakalabas kami, ilang saglit lang ay nauna nang tumayo si Yeka at sinundan ito ni Kheo



Nagulat nalang kami nang biglang napatigil si Yeka at napaupo ito, nagsuka ng maraming dugo "Anong nangyayari" Mahinang bulong sa akin ni Sakura, hindi ko alam kung ano ang nangyari kay Yeka



Lumikha si Yeka nang pag-ingay dahil sumusuka siya ng napakaraming dugo, namumutla na siya at namumula ang mga mata nitong nakatingin sa amin, agad na tumakbo si Kheo papunta sa amin dahil muling gumalaw ang mga nurses papunta kay Yeka



"Huwag!" Akmang pupuntahan ni Sakura si Yeka para tulungan pero pinigilan siya ni Yin at tinuro na lamang nito ang pintuan senyales na lumabas na kami at hayaan nalang si Yeka



Wala kaming nagawa, pinanood lang namin ang kaibigan namin na pinagtataga ng maraming beses, hiwa dito hiwa doon, nababoy muli ang kwarto na kinaroroonan namin at unti unting nangangamoy ang malansang amoy



School 26 UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon