chapter 21💕

210 11 1
                                        

“Sino ‘yong dinalaw mo, Myks?” Kunot-noong tanong sa akin ni Athena pagkabalik ko sa kotse niya.
“Hindi ko kilala.” Tugon ko habang nagsusuot ako ng seat belt.
“Ha? Ang tagal-tagal mong nakatayo roon na tila ba dinadasalan mo ‘yong puntod tapos sasabihin mong hindi mo kilala.”
“Na-curious lang ako kung sino siya at bakit siya dinalaw no’ng sinundan nating lalaki kanina.”
“’Yong lalaking sakay no’ng BMW, sino ‘yon? Ex-boyfriend mo?”
“Hindi, ah. Hindi ko rin kilala.” Pagsisinungaling ko.
“’Yong totoo, Myks, naga-adik ka ba?” Seryosong tanong ni Athena habang nagmamaneho siya kaya bigla akong natawa. “Nasayang ‘yong halos isang oras nating pagsunod sa kanya tapos sasabihin mo sa aking hindi mo siya kilala.” Iiling-iling siya. “Ano bang tinitira mo, Myks at parang nilayasan ka na nang katinuan mo.”
“Nakatira yata ako ng katol.” Patuloy sa pagtawang sagot ko kay Athena. Alam kong wala siya sa mood ng mga oras na iyon dahil badtrip siya sa asawa niya, pero na-miss ko s’yang asarin. Medyo matagal na rin kasi ‘yong huling araw na nagkita-kita kaming magkakaibigan. “So, saan tayo kakain?”
“May plano ka pa palang kumain? Akala ko’y wala na.”
“Ang sungit mo today, bebe.” Dagdag pang-iinis ko kay Athena bago ko siya kiniliti sa tagiliran.
“T*ng-ina, Myka, tatamaan ka sa akin.” Banta niya and I laughed out loud. Si Athena ‘yong tipong kapag nagmura na ay paniguradong masasaktan ka kapag hindi ka pa tumigil. Gano’n siya katapang.
Huminto lang ako sa pagtawa nang marinig kong tumunog ang phone ko. Napasulyap ako kay Athena nang makita kong si Levi ang tumatawag.
“’Yong asawa mo tumatawag. Sagutin ko ba?”
“Bahala ka. Phone mo ‘yan, Myks.”
“Hi, Levi!” Maharot kong bati kay Levi kaya tumawa ito sa kabilang linya. Trip na trip ko na talaga itong landiin noon pa man.
“Hi, Myka. Pasensiya na sa abala ha. Tatanungin ko lang sana kung kasama mo si Athena. Hindi niya kasi sinasagot ‘yong phone niya. Naga-alala lang ako.”
“Yup. She’s with me, don’t worry.”
“Alright.”
“You want to talk to her?” Tanong ko rito bago ko muling sinulyapan si Athena na naka-focus lamang sa pagda-drive.
“Uhm, hindi na. Salamat na lang.”
“Okay. I love you raw sabi ni Athena.” Natatawang turan ko rito kaya muli itong natawa.
“Salamat, Myka.”
“Walang anuman, Levi.” Muli kong ibinalik ang phone ko sa bag ko at seryoso kong tiningnan si Athena. “Ang bait-bait ng asawa mo, inaaway mo lang.”
“Nakakainis kasi, eh.”
“Natural namang higpitan ka niya, asawa ka niya at may karapatan siya sa’yo.”
“Alam ko naman ‘yon, Myks. Naiintindihan ko naman siya kaya lang sobrang nakakasakal na minsan. Lahat na lang ng gagawin kong desisyon, gusto niya’y alam niya rin.”
“Kunsabagay, nakakainis naman talaga ‘yong gano’n. ‘Yong tila ba wala ka nang kalayaan, kaya lang we have no choice. Nagpakasal na tayo eh, so ibig sabihi’y nakatali na tayo sa kanila at hindi na natin matatanggal pa ‘yong kung anuman ang nagbibigkis sa atin at sa mga asawa natin.”
“’Mga asawa natin’?” Nangingiting turan ni Athena nang tumingin siya sa akin.
“Uh... I mean, mga asawa n’yo. Kayong dalawa ni Keera-ra ‘yong nais kong tukuyin.” Hindi magkandatutong tugon ko bago ako tumikhim.
“Kami raw ni Keera, eh, mukhang isinasali mo na ‘yang sarili mo, ah.” Tumatawang turan ni Athena. “Myks, ha. Mukhang may inililihim ka sa amin.”
“Wala, ‘no. Ano namang ililihim ko sa inyo?”
“Sabi mo may ikukuwento ka kapag kumpleto ang barkada.”
“Kaya nga.”
“So, tuloy ‘yong plano bukas?”
“Yeah.” Maagap kong tugon. “Nasabihan ko naman na ‘yong mga staff ko na hindi muna kami magbubukas ng restaurant bukas dahil may mga ipare-repair ako. Naipaalam ko na rin kay papa ang tungkol doon.”
“Alright. Aagahan na lang namin para matulungan ka namin sa pag-ge-general cleaning na rin.”
“Sige.” Nakangiting tugon ko kay Athena. “Miss ko na rin kayong kakulitan, eh.”
“Magluto ka nang masarap ha.”
“Yes, bebe.” Tugon ko at nagkatawanan kami ni Athena. Nang matapos kaming kumain ng tanghalian ay muli niya akong inihatid sa Kandi Seafoods Restaurant.
Pagkapasok ko pa lang ng opisina ay agad ko nang binuksan ang laptop ko at hinanap ko sa social media ang pangalang Rachel Natividad. May mga nakita akong gano’ng pangalan, subalit tila wala naman sa mga iyon ang hinahanap ko.
Halos mahilo at maduling na rin ako sa katitingin sa friends list ni Samuel sa Facebook, pero wala rin ito sa mga iyon.
Napaka-misteryosa naman nang babaeng iyon. Sa isip-isip ko habang nakatingin ako sa kawalan.
“Ay, Rachel!” Wala sa sariling nasambit ko nang magulat ako sa biglang pagtunog ng phone ko sa aking tabi. Si Samuel ang caller. Naiiling na lang ako nang sagutin ko ang tawag. “Sammy?”
“Nakauwi ka na, love?”
“Pauwi pa lang, pero babalik din ako rito sa restaurant mamayang gabi. Dito na kasi ako matutulog. May ipapaayos kasi ako rito bukas. Gusto kong bantayan ‘yong gagawa.”
“Alright.”
“Nasaan ka?”
“Nasa bus, love.”
“Bakit? Saan ka papunta?”
“Mamba-babae, love.” Tumatawang tugon niya sa kabilang linya.
“Talaga ba? Well, nanlalaki nga pala ako kanina, SKL.” Pagkuwa’y turan ko kay Samuel habang nangingiti ako.
“Anong SKL?”
“Share ko lang.” Tugon ko. Parang gusto ko nang humagalpak ng tawa sa isipan ko. Kung anu-anong millennial terms ang natututunan ko sa kaba-browse ko ng fb everyday. “Nami-miss na kasi kita kaya naghanap muna ako ng makakausap. Eksaktong dumaan dito ‘yong ex ko kaya ayon, lumabas kami.”
“Akala ko ba’y si Athena ‘yong kasama mong nag-lunch kanina?” Seryosong tanong niya sa kabilang linya. Biglang nawala ‘yong kapilyuhan sa tinig niya.
“Si Athena no’ng lunch, tapos no’ng merienda time ay ‘yong ex ko naman.” Pinilit ko ring magseryoso kahit ang totoo’y natatawa na ako habang nai-imagine ko ‘yong mukha n’yang halos mamula na sa galit. “Ang guwapo niya nga nga---”
“T*ng-ina!” He cursed under his breath and I nearly laughed.
“Excuse me? Minumura mo ako, Samuel?” Pagkuwa’y pagtataray ko.
“Nope. Your stupid ex.” Tugon niya, kasabay nito ay ang biglang pagbukas ng pintuan nang opisinang kinaroroonan ko at halos mahulog ako sa pagkakaupo nang iluwa siya nito.
Bahagyang napaawang ang mga labi ko, hindi lang dahil sa pagkagulat kundi dahil na rin sa itsura niya.
Sh*t! Ang guwapo talaga ng asawa ko.
He’s wearing his usual Police uniform at talaga namang bagay na bagay sa kanya. Ang kisig n’yang tingnan.
“S-Sammy, akala ko ba’y sa Saturday ka pa?” Natatarantang tanong ko bago ako umayos ng upo nang seryoso s’yang lumapit sa mesa ko.
“Ano ‘yong kinukuwento mo?” Nagsalubong ang kanyang makakapal na kilay kaya lalo lamang s’yang gum’wapo sa paningin ko.
“Wala. Nagbibiro lang ako, puppy.” Tugon kong natatawa. “Napaka-seloso mo.”
“Alam mong ayaw ko nang gano’ng biro, ‘diba?” Turan niya nang ilapat niya ang kanyang magkabilang palad sa ibabaw ng mesa ko bago siya bahagyang yumuko para pantayan ang paningin ko.
“FYI, ikaw ‘yong nauna riyan. Sinakyan ko lang ‘yong trip mo---” Hindi ko na naituloy pa ‘yong sasabihin ko nang bigla akong halikan ni Samuel at sa isang iglap ay buhat na niya ako. Halos hindi mapaghiwalay ang aming mga labi hanggang sa maupo siya sa sofa and he guided me to sit astride on his lap, facing him.
Agad kong kinapa ‘yong belt niya at mabilis itong hinubad habang ang mga kamay niya ay malayang humahaplos sa aking likuran, sa loob ng blouse ko. Bumaba ang kanyang mga labi sa aking leeg at bigla akong naasar nang walang sabi-sabing hinila niya ‘yong blouse ko kaya napunit ito, imbes na tanggalin ang pagkakabutones nito.
“Samuel, naman!”
“What?”
“Sinira mo lang naman ‘yong damit ko. B’wisit ka talaga. Masyado kang atat, eh.”
“Bibilhan na lang kita ng bago, love.” He answered grinning before he hungrily sucked my breast.
“Oh, sh*t!” I whimpered when I felt something gushed in between my thighs. Nagsisimula pa lang kami pero pakiramdam ko’y makakamit ko na ang unang orgasm ko dahil sa paraan ng pag-angkin ni Samuel sa magkabilang dibdib ko. Tila ba palagi s’yang uhaw na sanggol. Halos masabunutan ko na tuloy siya.
I immediately unbuttoned his pants and fumbled the zipper of it to freed his throbbing hardness from his boxers kaya nama’y ngingisi-ngisi s’yang tumingin sa akin.
“Akala ko ba’y ako lang ang atat, love?”
“Tse!” Pakiramdam ko’y bigla akong namula sa hiya dahil sa tinuran niya. Pero bakit naman ako mahihiya, eh totoo namang excited na rin akong maramdamang muli ang kabuuan niya sa pagkababae ko.
I cleared my throat as I held his manhood. I gently rubbed my hand against it and he groaned sexily.
“Oh, love, you’re driving me crazy.”
“Sshh! Huwag kang maingay kasi baka may makarinig sa ating crew namin, malilintikan ako kay papa.” Natatawang saway ko sa kanya bago ako tumayo mula sa pagkaka-kandong sa kanya.
“What are you doing, love?” Halata ang pagkadismaya sa tinig niya nang bitiwan ko ang kanyang pagkalalaki, subalit nanumbalik ang kasiyahan sa kanyang mukha nang muli ko itong hawakan bago ako pumuwesto paluhod sa kanyang harapan. I never imagined myself doing a fellatio to anyone. Pakiramdam ko kasi’y nakakadiri at nakakababa ng pagkatao, pero iba pala kapag mahal mo talaga ‘yong isang tao kasi handa kang gawin ang lahat para sa ikaliligaya niya. “Are you sure with this, love?”
“Y-Yeah.” Alanganing tugon ko kasi sa totoo lang ay natatakot akong sumubo nang mga bagay na hindi ko naman dapat isinusubo kasi baka ikapahamak ko, pero dahil na rin sa dala ng kuryusidad at kakaibang sensasyong nararamdaman ko ng mga sandaling iyon kaya gusto kong subukan.
“Alright.” Halata ang excitement sa tinig niya nang umayos siya ng upo para hindi ako mahirapan. Bahagya n’yang isinabunot ang kanyang mga daliri sa aking buhok bago niya iginiya ang aking ulo sa kanyang pagkalalaki.
I was about to lick his length when I heard someone knocking on the door.
“Ms. Myka?”
Sh*t!
Bahagya ko pang nakagat ang pang-ibaba kong labi dahil sa pagka-dismaya. Sigurado akong si Liza iyon dahil sa boses nito.
“Ms. Myka?” Ulit nito. Nang mga sandaling iyon ay tila ba gusto ko na itong sisantehin ora-orada dahil sa totoo lang ay panira ito ng moment.
“Yes, Liza?”
“Hinahanap po kayo ng papa n’yo, nasa baba po siya.”
“Si papa!?” Bulalas ko habang namimilog ang mga mata kong nakatingin kay Samuel. Ang alam ko’y nasa ibang bansa si papa kaya hindi ko in-expect na darating ito ng mga sandaling iyon.
“Myanda?”
Agad akong napatayo habang tila napapaso nang bitiwan ko ang pagkalalaki ni Samuel nang marinig ko ang tinig ni papa.
“Y-Yes, ‘P-Pa?” Natatarantang tugon ko habang si Samuel ay hindi magkandamayaw sa impit na pagtawa. Nanatili s’yang nakaupo sa sofa habang para akong tanga na hindi ko na malaman kung sa paanong paraan ko isasarado ‘yong pantalon niya.
“What are you doing in there? Open this door.”
“S-Saglit lang, papa kasi uhm... ano, eh... uh...” Nanlalamig kong tugon habang kinukuha ko sa loob ng bag ko ‘yong extra blouse ko kasi kailangan kong magpalit dahil sira na ‘yong suot ko. Talo ko pa ang ginahasa. B’wisit talaga kahit kailan si Samuel. Pahamak.
“Ano bang nangyayari sa’yo riyan? Ayos ka lang ba?” Halata ang pag-aalala sa tinig ni papa.
“Okay lang ako, papa. M-Masakit lang ‘yong uhm... t-tiyan ko.” Pagsisinungaling ko. Nang makapagpalit na ako nang blouse ay nilingon ko si Samuel at mas lalo akong nainis sa kanya nang makita kong kampante pa rin s’yang nakaupo sa sofa kahit sinenyasan ko na s’yang magtago sa banyo.
Sa totoo lang ay kilala naman ako ni papa, alam nitong may pagkamaharot ako, pero ayaw ko pa ring malaman nito na may kasama akong lalaki sa loob ng opisina nang mga sandaling iyon dahil nakakahiya lalo pa’t hindi pa nito alam na kinasal na ako. Ayaw ko namang isipin ni papa na ginagawa kong motel ‘yong opisina nang restaurant para lang matugunan ‘yong pangangailangan ng aking katawan.
Ayaw kong mawala ang tiwala at respeto nito sa akin dahil sa totoo lang ay tanging si papa lang ang lalaking rumespeto sa akin maliban kay Samuel.
“Ano ka ba?” Pabulong kong sita kay Samuel nang tumayo siya mula sa pagkakaupo, pero imbes na sa banyo tumungo ay patungo siya sa may pintuan at bago pa man niya ito mabuksan ay may nauna nang nagbukas sa kanya mula sa labas.
Halos kumalat ang pula sa buong mukha ko nang iluwa ng pintuan sina papa at Liza.
“Who is this man?” Tila galit na tanong ni papa nang sumulyap ito sa akin.
“Uhm, papa, si ano... uh...” Hindi magkandatutong turan ko, pero bago ko pa man maituloy ang sasabihin ko’y um-eksena na ang magaling kong asawa.
“Good afternoon, Sir. I’m Samuel Adams, III.” Nakangiting pakilala niya kay papa bago niya inilahad ang kanang palad upang makipagkamay rito.
Maayos namang tinanggap ni papa ang pakikipagkamay niya, pero hindi ito umimik.
“And I want you to know that I’m the husband of your youngest.” He proudly added and my jaw dropped.

DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!

AJ❤

I'M inLOVE WITH YOUOù les histoires vivent. Découvrez maintenant