Bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sofa habang sapo ko ang aking noo. Pakiramdam ko’y nahihilo ako.
Panaginip ba ‘yon? Nakatulog ba ako?
Ano ba ‘yong nangyari? Nalasing ba ako? Pero parang napaka-imposible naman. Isang bote pa lang naman ang naiinom ko at isa pa’y sanay naman akong uminom.
Akmang tatayo ako mula sa pagkakaupo nang may biglang nagsalita na sadya namang ikinagulat ko.
“Love, bakit mo ako ini-stalk?”
Agad akong napatingin sa pinagmulan ng tinig. Si Samuel. Nakaupo siya sa swivel chair paharap sa mesa habang nakatingin siya sa bukas kong laptop.
“T*ng-ina naman, Samuel.” Wala sa loob na nasambit ko. Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako dahil sa kaiisip ko kay Samuel kaya kung anu-ano na ang nakikita ko na hindi ko naman dapat makita. “Wala namang takutan. Hindi na ako titingin sa ibang lalaki, hindi na ako lalandi, hindi na ako haharot basta huwag mo lang akong multuhin. Utang na loob naman.”
Humagalpak siya nang tawa bago siya tumayo mula sa pagkakaupo. Humakbang siya palapit sa akin at tatakbo sana ako palabas ng opisinang kinaroroonan namin, pero maagap niya akong nahuli. Ipinulupot niya ang kanyang kaliwang bisig sa baywang ko bago niya isinubsob ang kanyang mukha sa batok ko.
“Love, ang laki-laki mo na pero naniniwala ka pa talaga sa multo?”
Napakagat-labi ako. Sh*t! Nananaginip ba ako?
Ipinihit niya ako paharap sa kanya at bago pa ako makapagsalita ay agad na n’yang inangkin ang aking mga labi. Napaungol ako kaya nagkaroon siya nang pagkakataong ipasok ang kanyang dila sa loob ng aking bibig upang laruin ang sarili kong dila.
Sh*t! Ang sarap.
May kung anong kiliting hatid ang kapilyuhan niya sa buo kong pagkatao at tanging siya lamang ang nakakapag-paramdam ng gano’n sa akin. How I wish na kung nananaginip man ako ng mga sandaling iyon ay sana’y hindi na ako magising pa. Tila ba mas gugustuhin ko pang mamatay na lang din basta kasama ko siya.
“I miss you so much, Kandice.” He murmured against my lips at tila ba bigla akong natauhan. Nanginginig pa ‘yong kanang kamay ko nang sampalin ko siya bago ko siya itinulak.
“Aray naman, love. Masyado ka namang mapanakit.” Reklamo n’yang hatalang nagulat bago niya nasapo ang pisnging nilapatan ng palad ko.
“Buhay ka talaga?” Iritableng tanong ko sa kanya.
“Oo naman, love. Ano bang iniisip mo, multo ako?”
“Pero, paanong---?”
“Hindi ako namatay, love.” Mabilis n’yang tugon sa itatanong ko sana.
“T*ng-ina mong h*yop ka!” Sigaw ko sanhi ng galit. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Ewan ko, pero imbes na matuwa dahil buhay siya ay tila ba binalot ng galit ang buo kong pagkatao sa natuklasan ko. “Eh, sino ‘yong hudyo na pinaglamayan, iniyakan at inilibing namin?”
“Hindi ko alam, love.”
“Anong hindi mo alam? G*go ka ba? T*nga-tangahan lang, gano’n?”
“No, I mean, hindi ko kilala ‘yon. Mga kasamahan kong pulis ang nakakaalam. Sila ang nag-set-up ng lahat.”
“Anong trip n’yo, Samuel? Ang gaguhin kaming mga taong nagmamahal sa’yo?”
“Love, hindi. Parte ‘yon ng misyon ko.”
“So, parte pala ng misyon ang gawin kaming t*nga?” Galit kong sabi. Halos maiyak na ako sa labis na asar ng mga sandaling iyon. “Hindi mo ba alam kung gaano naghirap ang aming mga kalooban dahil sa pagkamatay mo? Halos mamatay na ako sa kaiiyak at pati si lola Salve, halos atakehin na siya, Samuel. Kung nakita mo lang siya no’ng araw na inilibing namin ‘yong inaakala naming ikaw, tiyak akong maaawa ka sa kanya.”
“Love, I’m sorry. Hindi ko intensiyon ang saktan at pasakitan kayo. Wala lang talaga akong magawa. Misyon ko ang magpanggap na patay, love. Kaya nga pinaalalayan ko kayo ni lola Salve kina Grayson at Felix. Lagi akong tumatawag sa kanila para alamin kung ayos lang ba kayo.” Paliwang niya. Tinangka niya akong hawakan, pero tinabig ko ‘yong kamay niya. “Love, planado ‘yon. Bago pa kami sumugod sa grupo ng mga antichrist ay usapan na naming magpapanggap akong patay dahil may natuklasan ako na bukod pala sa mga antichrist na iyon ay may mga kasama silang sindikato sa pinagkukublihan nilang lugar. Sindikatong pinamumunuan ng isang tao na naglilingkod sa pamahalaan. Naging mainit ako sa mga mata nila at ang tanging paraan para hindi sila mag-isip na may alam na ang iba pang mga pulis ay kailangan kong mamatay sa paningin nila.”
“Samuel, wala naman akong issue sa misyon at trabaho mo, pero sana naman ay sinabi mo sa akin. Alam mo na pala bago mo ako iniwan ro’n sa barrio, eh ‘di sana sinabi mong mamatay ka muna, ‘diba? At least, hindi sana ako nagmukhang haggard sa kaiiyak.”
“Love, hindi ko p’wedeng sabihin kung kani-kanino ang misyon ko. I’m sorry.”
“May nalalaman ka pang pangako na babalikan mo ako sa barrio tapos biglang malalaman kong patay ka na pala.”
“Kaya nga ako nangako eh, para panghawakan mo ‘yong sinabi ko na kahit anong mangyari ay hindi kita iiwan.” Sinserong turan niya. “Kaya nga nandito ako ngayon sa harapan mo. Tumakas pa ako sa hepe ko para lang mapuntahan ka tapos aawayin mo lang ako.” Tila batang nagtatampong turan niya.
“So, kasalanan ko pa, gano’n?” Nakataas ang kilay na turan ko sa kanya. “Umalis ka na, Samuel dahil baka hindi ako makapagtimpi at mapatay pa kita. Sigurado akong matutuluyan ka kapag ako na mismo ang pumatay sa’yo.”
Sa lahat ay ayaw ko ng ginu-good time ako. Nakaka-buwisit. Feeling ko ay sobrang nakaka-t*nga ‘yong gano’n. Papa-paniwalain ka sa isang bagay na hindi naman pala totoo.
Hindi ko talaga matanggap ‘yong explanation ni Samuel kahit ang totoo’y halos maglulundag na ako sa kaligayahan dahil buhay siya, hindi ko pa rin maiwasang hindi magalit.
“Kuting naman, hindi mo ba ako na-miss?”
“Huwag mo akong makuting-kuting diyan at baka makalmot ko ‘yang pagmu-mukha mo sa inis ko sa’yo.”
“Sige, kalmutin mo ako tapos kakagatin kita.” Nakangisi n’yang sabi, pero hindi ko siya pinansin. Lumabas ako ng opisinang kinaroroonan namin at bumaba ako sa first floor para sumunod siya sa akin. “Love, hindi mo na ba ako ‘puppy’?” Ungot niya sa likuran ko habang nakasunod siya sa akin.
I bit my lower lip kasi parang gusto kong matawa, pero pinigilan ko ‘yong sarili ko. Pagkuwa’y itinaas ko ‘yong kilay ko nang lingunin ko siya. He seems like a lost little puppy in the middle of nowhere.
Buwisit! Bakit ba ang cute niya?
Tila ba ang sarap n’yang yakapin at pupugin ng halik sa pisngi.
“Hindi mo ako madadaan sa pagpapa-cute mo, Samuel kaya umalis ka na at ipagpatuloy mo na lang ang misyon mo sa buhay.” Turan ko bago ko binuksan ‘yong pintuan ng restaurant. Napansin kong sira na ang lock nito. Sigurado akong siya ang may kagagawan no’n kaya siya nakapasok. “Tingnan mo, sinira mo pa ‘tong lock ng pintuan, g*go ka talaga. Wala ka nang ginawang matino, Samuel.”
“Kaya kong ayusin ulit ‘yan, love.” Turan niya at akmang hahawakn niya ‘yong door lock, pero pinalo ko ‘yong kamay niya.
“Pinapaayos ko ba? ‘Diba, pinapaalis na kita?”
“Eh, sabi mo kasi sinira ko kaya aayusin ko sana.” Turan niya. “Minsan kayong mga babae ang hirap n’yong intindihin.”
“Huwag mo akong iha-halintulad sa mga naging babae mong, h*yop ka.”
Hindi siya umimik, pero tumawa siya nang tila ba nakakaloko kaya mas lalo lamang akong nainis. Pilit ko s’yang ipinagtulakang palabas.
“Love, ang lakas ng ulan. Hindi ka ba naaawa sa akin? Mababasa ako.”
“Wala akong pakialam kahit mabasa ka pa. Huwag na huwag kang magtatangkang pumasok ulit dito sa restaurant, Samuel. Tatawag talaga ako ng pulis at ipadadampot kita. Sasabihin kong nanggugulo ka.” Pananakot ko sa kanya.
“Bakit mo pa kailangang tumawag ng pulis, love, eh nandito naman na ako. Dadamputin ko na lang ‘yong sarili ko.” Nakangising sabi niya.
“Tse!” Naiinis kong sabi bago ko siya tinalikuran. Isinirado ko ‘yong pintuan bago ako bumalik sa opisina. Ilang minuto pa lang ang nakalilipas, pero hindi na ako mapakali. Dali-dali akong lumapit sa TV monitor kung saan kita ang harapan ng restaurant sa pamamagitan ng CCTV. Nakita ko s’yang nakatayo lamang sa ulanan at hindi kumikilos.
Napakagat-labi ako at bigla akong nakunsensiya. Pakiramdam ko’y kinakastigo rin ako ng maharot kong puso ng mga sandaling iyon. Nagbuga ako nang hangin bago ako muling bumaba. Tinungo ko at pintuan ang binuksan ito.
“Tatayo ka lang diyan? Wala ka talagang planong umalis?” Pagkuwa’y inis kong tanong kay Samuel.
“Hindi ako aalis hanggat galit ka sa akin, love.”
“Baka magkasakit ka, ano ka ba?”
“Okay lang. Hindi mo na rin naman ako mahal eh, so, ano pang silbi ng buhay ko?” Nagda-dramang turan niya.
“Ang arte mo!” Natatawang turan ko. “Pumasok ka na nga ritong buwisit ka.”
“Yehey!” Tila batang sigaw niya at bago pa man ako makapagsalita’y niyakap na niya ako at inangkin ang aking mga labi.
Hindi na ako magpapaka-ipokrita pa dahil aaminin ko na sa sarili kong sobrang na-miss ko si Samuel at ang kanyang mga halik. Napaungol ako nang muli kong maramdaman ang kanyang dila sa loob ng aking bibig at bigla kong na-realize na nakaangat na pala ako dahil buhat na niya ako. Nakasapo sa aking pang-upo ang kanyang mga kamay. Naikawit ko na lang sa kanyang batok ang magkabila kong braso nang bumaba ang kanyang mga labi sa aking leeg.
“Sammy, ang lamig mo. Basa ka.” Reklamo ko.
“Okay lang ‘yan, love. Maya-maya ay mababasa ka na rin naman.” Pilyong tugon niya na may double meaning kaya natatawang sinabunutan ko ang basa n’yang buhok.
“Ang bastos mo talaga. Ibaba mo na nga ako.”
“Huwag kang excited, love, mamaya ay iba-baba ko rin ‘yang undies mo.” Tumatawang sabi niya.
“T*rantado!” Turan kong napahagalpak ng tawa. Iniupo niya ako sa isa sa mga mesa sa dining area bago niya ikinulong ang aking magkabilang pisngi sa kanyang mga palad.
“Na-miss ko ‘yang tawa mo, love. Sobrang na-miss kita.”
“Ako rin. Sobrang na-miss din kita. Akala ko talaga’y hindi na kita makikita, mayayakap at mahahalikan.” Turan ko bago ko bahagyang kinagat ang pang-ibaba kong labi para pigilan ang napipinto kong pag-iyak.
“Love, katulad nang ipinangako ko sa’yo ay hindi kita iiwan.” Sinserong turan niya bago niya ako dinampian ng halik sa noo at sa aking ilong. Hindi ko na tuloy napigilan ‘yong mga luha ko. Kusa nang tumulo ang mga ito. Nangingiti siya nang pahirin niya ito gamit ang kanyang mga daliri. “Mahal na mahal kita at hindi ako papayag na magkahiwalay tayo. At isa pa’y hindi ako papayag na mamatay ako na virgin pa ang kuting ko.”
Muli akong napahagalpak ng tawa bago ko pinalo ang malapad na dibdib ni Samuel. Pakiramdam ko tuloy ay biglang kumalat ang kulay pula sa magkabila kong pisngi.
“Ang manyak mo.”
“Bakit?” Natatawa n’yang sabi. “Eh, totoo naman, love, hindi pa kita nare-rape.”
“Ewan ko sa’yo. Ang landi-landi mo.” Patuloy sa pagtawa na turan ko bago ko siya pasimpleng kinurot sa tagiliran.
“At saka, may ipinangako ka pa sa akin na kailangan mo pang tuparin.”
“Ha? Ano ‘yon?”
“Sinabi mong pakakasalan mo ako, ‘diba?” Nakangising turan niya nang kindatan niya ako kaya napangisi rin ako.
“Bata pa ako noon, hindi ko pa alam ‘yong mga sinasabi ko... Sam III."
“Aba, naalala na niya kung saan kami unang nagkakilala.” Tumatawang biro niya sa akin habang kinikiliti niya ako sa tagiliran.
“Siyempre naman. Anong palagay mo sa akin, ulyanin na?” Pagkuwa’y turan ko habang pilit kong hinuhuli ang mga kamay niya.
“Malapit na.”
“Siraulo!”
“Love, hindi excuse na bata ka pa noon. Basta ang gusto ko ay tuparin mo ang pangako mo sa akin.”
“Paano kapag hindi ko tinupad?” Nang-aasar na tanong ko sa kanya.
“Papatayin kita...” Nakangising tugon niya bago niya muling inangkin ang aking mga labi. “... sa ligaya.”
DONT FORGET TO VOTE,COMMENT &FOLLOW!!!
Enjoy Reading!
AJ❤
