Part 33

12K 467 25
                                    


NAALIPUNGATAN si Belle dahil sa ingay mula sa kung saan, mga tinig ng mga lalaking tila nagtatalo. Nang magmula siya ng mga mata ay napagtanto niyang hindi na niya katabi sa kama si Kieran. Pupungay-pungay na bumangon siya paupo sa kama. Napatingin siya sa nakapinid na pinto ng silid nang lumakas ang boses na nakilala niyang pagmamay-ari ni Adrian. Kumabog ang dibdib niya sa kaba. Nag-aaway ba ang mga ito?

Tuluyan na siyang bumangon sa kama at pinaikot sa katawan niya ang kumot bago maingat na naglakad patungo sa pinto. Iniapat niya ang tainga roon upang marinig ng mas malinaw ang pinag-uusapan ng mga ito.

"You are crazy Kieran! I thought you are smarter than this. Nagpapaloko ka na naman sa babaeng iyan para makalabas sa kulungan ang mga kapatid niya. Hindi mo ugaling gumamit ng impluwensya para paboran ang mga nagkakasala hindi ba?" galit na sikmat ni Adrian.

Mariing napaglapat ni Belle ang mga labi at mariing napapikit. Siya ang pinag-aawayan ng mga ito.

"I know. But just this once. Isa pa wala naman talagang matibay na ebidensya ang matandang iyon laban sa kanila. I can do something para iatras niya ang kaso. I used to work on something na related siya," sabi naman ni Kieran.

"Pero pare, kasama sa rule ng agency natin na hindi natin gagamitin sa personal na bagay ang mga nakukuha nating impormasyon mula sa mga kliyente natin. Masisira tayo," sabi naman ng isang lalaki pa na malamang ay si Neil.

"Nangako ako sa kaniya," giit ni Kieran.

"Hindi ka dapat gumagawa ng mga ganiyang pangako lalo na sa kagaya niya. People like her is good at manipulating other people to make promises they will keep no matter how crazy it is," galit pa ring sabi ni Adrian.

"She's pregnant."

Tumahimik sa labas at napagtanto ni Belle na kahit siya ay pigil ang paghinga.

"Shit, you got her pregnant?" manghang bulalas ni Adrian.

"What? Paanong nangyari iyon? Hindi ko alam," mangha ring sabi ni Neil.

"So I have to help her. Para ito sa bata dahil hindi siya titigil sa pagtatrabaho doon kung hindi makakalabas ang mga kapatid niya sa kulungan," sabi ni Kieran na hindi sinagot ang mga tanong ng mga kaibigan.

Naniniwala na ba talaga itong anak nito ang nasa tiyan niya? Sana...

May marahas na nagbuga ng hangin. "Sinabi ko na sa iyo na iyan ang gusto nilang mangyari. She will marry you for money. Lolokohin ka lang niya at ginagawa na nga niya diba?" sabi na naman ni Adrian.

Nakuyom niya ang mga kamao. Ngali-ngaling lumabas siya at sagutin si Adrian subalit nagpigil siya. Isa pa alam niyang ipagtatanggol siya ni Kieran. Kaya nang magsalita ito ay para siyang sinuntok at nanghina.

"Alam ko. Pero hindi ko pwedeng pabayaan ang bata. Ano na lang ang mangyayari sa bata kung hahayaan kong siya lang ang magpalaki sa kaniya? Naranasan ko ng mawalan ng anak. I don't want that to happen again. This time I will protect it with all I've got," pinal na sagot nito.

"Pero hindi mo naman siya kailangang pakasalan Kieran. Lalo ka lang nagpapamanipula sa kanila," sabi naman ni Neil.

Nangatal siya at nag-init ang mga mata niya. Lumayo siya sa pinto dahil hindi na niya kaya pang pakinggan ang mga sinasabi ng mga ito sa kaniya. Pabagsak siyang bumalik sa kama at nakapamaluktot na humiga roon. Tumulo ang mga luha niya kahit pa gaano katindi ang pagpipigil niyang lumabas ang mga iyon.

Akala niya ay magiging maayos na ang lahat sa pagitan nila ni Kieran. Napakailusyunada niya parang isipin na dahil may nangyari sa kanila ay okay na. Hindi nga ba at noon pa man sinabi na sa kaniya ng mga ate niya na ang mga lalaki ay kayang makipagsiping sa kahit na sinong babae kahit na walang damdamin ang mga ito para sa mga babaeng iyon?

THE SWINDLER AND THE BEASTWhere stories live. Discover now