Part 12

9.6K 380 1
                                    


NAPAIGTAD si Belle nang dumagundong ang malakas na kulog at gumuhit ang kidlat sa labas ng bahay. Alas singko pa lamang ng hapon ngunit napakadilim na sa labas, nagbabadya ang isang napakalakas na ulan. Nakapagpalit na siya ng damit at kahit na napakalaki ng tshirt na binigay sa kaniya ni Kieran ay hindi pa rin niya maiwasang mailang dahil wala siyang suot na panloob. Nilabhan niya ang mga damit niya kasama na ang bra at panty niya. Ang suot lang niya sa loob ng tshirt ay ang boxer's short na kasama ng tshirt na iyon. Naiilang siya na magsuot ng damit ng lalaki, pero wala naman siyang magawa. Kaysa mapulmonya siya sa basang damit niya.

Kusina pa lamang ang nalilinis niya at nagdesisyon siyang ipagpabukas na lamang ang paglilinis ng ibang parte ng bahay na iyon. Kasalukuyan na siyang nagluluto ng kakainin niya sa hapunan. Kanina pa siya napapatingala dahil naiisip niya kung ano na ang ginagawa ni Kieran. Mula ng dumating siya sa bahay na iyon ay hindi pa niya ito nakikitang kumain. Tao ba talaga ito at nakakaya nito iyon?

Napalingon siya sa labas ng bintana nang magsimula nang pumatak ang malakas na ulan. Nangikig siya sa lamig at nayakap ang sarili sa biglang paglamig sa paligid dahil doon. Kumukulog at kumikidlat pa rin at lalong dumilim sa labas. Nakakatakot.

Makalipas ang ilang sandali ay nakarinig siya nang mabilis na mga hakbang mula sa itaas. Pagkatapos ay humalo sa tunog ng kulog ang marahas na pagmumura ni Kieran. Gulat na napatakbo siya patungo sa living room. Bumababa na ito sa hagdan at tingnan pa lang niya ito ay nahihirapan na siya. Napasinghap pa siya nang ilang beses na dumulas sa baitang ang tungkod nito ngunit mukhang hindi nito alintana iyon. Deretso itong lumabas sa salaming bintana na patungo sa hardin. Nanlalaki ang mga matang napasunod siya rito.

Napaawang na ang mga labi niya nang walang pagaalinlangang sumuong ito sa malakas na ulan at may kinuhang malalaking tolda mula sa kung saan at sinimulang gumawa ng takip para sa mga rosas. Ni hindi nito alintana ang gumuguhit na kidlat. Hindi ba ito natatakot na baka tamaan ito? Ano ba talagang mayroon sa mga bulaklak na iyon at mukhang mas mahalaga pa iyon kaysa sa sarili nitong buhay?

Ilang minuto pa siyang nakamasid lang dito bago siya nagkalakas ng loob na magsalita. "Tutulungan kita."

"No! Stay there," angil nito sa kaniya na ni hindi man lang siya tiningnan.

Mariin niyang natiim ang mga labi. Mukhang hirap na hirap na ito sa ginagawa nito ayaw pa rin nito magpatulong. Humakbang siya palabas nang bigla itong bumaling sa kaniya. Natigilan siya sa balasik sa mukha nito. "I said don't. Go back inside," marahas na sigaw nito sa kaniya.

Nakuyom niya ang mga kamao. Bakit ba ganito ang lalaking ito? Nakakainis na. "Bahala ka sa buhay mo," ganting sikmat niya rito at tinalikuran na ito. Bahala ito kung tamaan man ito ng kidlat.

Kumulog at kumabog ang dibdib niyang napalingon siya. Napahinga siya ng maluwag nang makitang hindi naman ito tinamaan ng kidlat. Natigilan siya. Bakit ba siya nag-aalala dito e ito nga hindi nag-aalala sa sarili nito? Inis na bumalik na lamang siya sa kusina at pinilit ituon ang atensyon sa niluluto. Ngunit halos ang buong atensyon naman niya ay nakaabang kay Kieran o kung nakapasok na ba ito sa bahay o hindi pa.

Tapos na siyang magluto at nailagay na niya sa lamesa ang mga pagkain ay hindi pa rin niya ito nararamdamang pumasok. Napabuga siya ng hangin at hindi nakatiis na kumilos upang silipin ito. Natakpan na nito ang lahat ng mga rosas at nakatayo na lamang ito sa gitna niyon. Basang basa na ito ngunit tila hindi nito alintana iyon.

Naka-side view ito sa direksyon niya kaya nakikita niyang nakatingala ito at nakapikit. Ngunit ang mas napansin niya ay ang katotohanang ang gilid na nakikita niya ay ang bahagi ng mukha nito na walang peklat. At napagtanto niya na sa kabila ng balbas nito ay guwapo ito. Kinutkot na naman tuloy siya ng kuryosidad sa dahilan kung bakit ito nagkapeklat at kung bakit ito nagpapakaermitanyo doon.

Hindi niya alam kung gaano katagal na siyang nakatayo roon at nakatitig lamang dito nang bigla itong dumilat at lumingon sa kaniya. Nagtama ang mga mata nila at tumalon ang puso niya. Hindi ito nagsalita at paika-ikang naglakad papasok at palapit sa kaniya. Humahakab sa katawan nito ang basang damit nito at bawat paggalaw nito ay nakikita niya kung paano nagfe-flex ang mga muscle nito sa katawan. Paanong ang isang lalaking nagpapakabuno sa bahay na iyon ng ilang taon ay ganoon kaganda ang katawan?

"What?" sikmat nito sa kaniya nang hindi niya namalayang nasa harap na niya ito. Tumingala siya at muling nasalubong ang kulay abong mga mata nito. Bigla ay tila may mga nagliparang paru-paro sa sikmura niya. Hindi niya alam kung bakit ngunit sa tuwing nasasalubong niya ang mga mata nito ay lagi niya iyong nararamdaman. Nahigit niya ang hininga nang may nakita siyang kislap sa mga mata nitong nagpainit sa mukha niya ngunit agad din iyong nawala. Pagkatapos ay nag-iwas ito ng tingin at nilampasan siya.

Lumunok siya at sinundan ito ng tingin. "Nakaluto na ako," aniya rito.

"Good for you," hindi tumitinging sagot nito. Naglalakad na ito paakyat ng hagdan.

Napahakbang siya palapit dito. "Kumain na tayo. Hindi ka pa kumakain mula ng dumating ako rito kahapon," mas malakas na sabi niya.

Hindi ito tumigil sa pag-akyat at ni hindi man lang sumagot. Napabuga siya ng hangin. "Titirhan kita ng pagkain. Kumain ka mamaya, please. Wala akong nilagay na lason, promise. Kieran!"

Hindi siya nito nilingon. Pagkatapos ay nawala ito sas paningin niya at narinig niya ang pabalibag na pagbagsak ng pinto. Napabuga na lang siya ng hangin at walang magawang napatitig na lamang sa direksyong tinahak nito.

NAGISING si Kieran na nananakit ang lalamunan niya at mabigat ang pakiramdam niya. Napaubo siya at hirap na bumangon sa kama. Umuulan pa rin sa labas bagama't hindi na iyon kasing lakas ng kanina at nang tingnan niya ang oras ay alas onse pa lang ng gabi. He had a strong desire to drink water. Kaya kahit pakiramdam niya ay matutumba siya ay bumangon siya. Napamura siya nang tila walang lakas ang braso niyang hawakan ang tungkod niya. Bahagya rin siyang nahilo at ilang sandaling nanatili lamang na nakatayo bago luminaw ang paningin niya.

Sa kabila ng sama ng pakiramdam ay nagawa niyang makababa hanggang living room. Pero pagdating niya sa bukana ng kusina ay tagaktak na ang pawis niya kahit nangingikig naman siya sa lamig. Shit, magkakasakit pa yata ako. It must be the rain. Sa pagmamadali niyang mailigtas ang mga rosas na mahal na mahal ni Regina ay hindi na niya inintindi kahit gaano pa kalamig ang patak ng ulan sa katawan niya kanina. Mukhang pagbabayaran niya ang pambabalewala niya roon. Ngayon pa, kung kailan mayroong ibang tao sa bahay niya. He looks pathetic enough as it is. Pero ngayong magkakasakit pa siya ay lalo na siyang magmumukhang walang kwenta sa harap ni Belle.

Napailing siya nang marealize na iyon ang unang beses na hinayaan niya ang sariling banggitin ang pangalan nito kahit sa isip lang niya. Awtomatikong napasulyap siya sa nakapinid na pinto ng silid na ginagamit nito bago siya dumeretso sa refrigirator. Kumuha siya ng isang bote ng tubig inisang lagok iyon. Pakiramdam niya ay uhaw na uhaw siya. Nang makalahati niya iyon ay noon lang siya napatingin sa lamesa. May mga nakatakip doon.

Lumapit siya roon at inalis ang takip. Adobong baboy, chopsuey at kanin. May nakahanda na ring plato at kubyertos doon. Kumalam ang sikmura niya. Titirhan kita ng pagkain. Kumain ka mamaya, please. May bahagi niya ang nais talikuran na lamang iyon at hayaan iyong mapanis. Ngunit biglang sumungaw sa isip niya ang dismayadong mukha nito nang hindi niya inumin ang kape nito. The town folks might think he is a cold beast, his enemies might call him a ruthless predator, but in truth, he was never strong against women.

Marahas siyang napabuga ng hangin at nagdesisyong humatak ng silya. Hirap na umupo siya roon. Ipinatong niya sa isang panig ng lamesa ang tungkod niya. Napaubo pa siya at sumulyap sa silid nito. Ayaw niyang magising ito. Makalipas ang ilang segundo ay inabot niya ang mga kubyertos at tahimik na kinain ang mga niluto nito. Malamig na iyon ngunit masarap. Hindi lang pala yabang ang sinabi nito na marunong itong magluto. Napabilis tuloy ang kain niya. It has been so long since he had a proper meal. Madalas ay nakakakain lang siya ng matino kapag nagpupunta roon ang mga kaibigan niya. Bukod doon ay halos hindi siya kumakain. Wala siyang gana.

Hindi niya alam na lutong bahay lang pala ang paraan para gumana ang parte ng utak niya na nagbibigay sa kaniya ng ganang kumain. Not that it was the only part of his anatomy na nabubuhay nang dahil kay Belle.

Don't go there man. Just eat. Gigil na saway niya sa sarili. And so he ate.

THE SWINDLER AND THE BEASTWhere stories live. Discover now