Part 23

9.6K 379 7
                                    

HE hated her. So why does his whole body and that foolish organ inside his chest burning because of her? Bakit nang halikan siya nito sa mga labi ay para siyang uhaw na awtomatikong gumanti ng halik?

This is desire, nothing more. I hate her. I will always hate her.

Iyon ang paulit-ulit na sinasabi niya sa isip niya. Hanggang sa kumalas ito sa halik at muling dumausdos ang mga labi nito sa leeg niya, pababa pa sa dibdib niya. He shut his eyes tightly when she started licking his skin while her hands started to move on him. Shit.

Bigla niyang naisip kung sino ang babaeng kaniig niya kagabi, ang babaeng napakainosente at ni hindi alam kung paano gaganti sa mga halik niya. Ang sigurado lang niya ay hindi ito ang babaeng iyon. This woman is a hustler. Alam na alam nito kung paano buhayin ang katawan niya, kung paano siya paliyabin sa pamamagitan ng mga labi nito.

Muli siyang napamura sa isip at awtomatikong napadilat nang dumausdos na naman ito pababa sa katawan niya. And then in an instant, she was already kissing him there. Napasabunot siya sa buhok nito at napatiim bagang siya habang nakayuko rito.

Pagkuwa'y nakaramdam na naman siya ng galit. Hindi ito ang babaeng nakasama niya sa loob ng ilang araw. Hindi ito ang babaeng pilit siyang pinakain ng luto nito, ang nag-alaga sa kaniya nang may sakit siya, ang nakinig sa nakaraan niya habang mahigpit na yakap siya. Hindi ito ang babaeng tuwing tumitingin sa kaniya ay nakikita niya ang tahimik na admirasyon sa mga mata. She was not the Belle he learned to love.

Hindi niya kilala ang babaeng ito. At hindi rin totoo ang Belle na nakilala niya. It was all an act. Napahigpit ang hawak niya sa buhok nito at kahit pa halos hindi na niya kakayanin pa ang ginagawa nito at mas nangibabaw ang sakit na nararamdaman niya sa dibdib niya. Marahas na inilayo niya ang ulo nito. "Stop it!" gigil na angil niya rito.

Nagitla itong napatingin sa kaniya. "Damn you," mura na niya at bumangon. Itinulak niya ito palayo sa kaniya at mabilis siyang tumayo sa kama. Napaigik siya sa pagkirot ng binti niya sa biglang pagtayo. Ngunit wala na siyang pakielam pa roon. He cannot do it. He cannot make love to her because she was not the woman he was helding and kissing last night.

"Magbihis ka na. Darating na sila Adrian anumang oras para kunin ka. I don't want them to see you naked. I don't want them to know that I made a fool of myself by sleeping with you," sikmat niya rito.

"Pero – "

"And forget about our deal."

Bumakas ang takot sa mukha nito. "Hindi. Parang awa mo na tulungan mo kami. O kahit na ang mga ate ko na lang. Ayokong makulong silang dalawa. Magbabagong buhay naman na talaga kami. At hindi iyon mangyayari kung makukulong kami. Please, Kieran. Gagawin ko ang lahat tulungan mo lang kami," pakiusap nito.

Lumapit pa ito sa kaniya at akmang hahawakan siya ngunit pumiksi siya. Masama niya itong tiningnan. "There is no way you could satisfy me now. Masyado akong nandidiri sa iyo para makaramdam ng kahit na ano."

Bumakas ang sakit sa mukha nito subalit hindi na siya madadala pa sa maamong mukhang iyon. She's nothing but a swindler. Tumalikod na siya at mabilis na isinuot ang pantalon. Pagkatapos ay hindi inabalang kunin ang tungkod na iika-ikang pumasok siya sa dressing room at pabalibag na isinara niya ang pinto.

Hinihingal sa galit na napasandal siya sa pinto. Pagkatapos ay napasulyap siya sa mga damit ni Regina na kagabi lamang ay naisip niyang panahon na para iligpit niya. Regina wanted him to move on with his life. At akala niya si Belle na ang pinadala nito para maging masaya siyang muli.

But he was so damn wrong. Ngayon hindi na niya ito nakikita ay noon lang tila bumagsak ng sabay-sabay ang lahat ng sakit, galit, disappointment at yes, heartbreak sa kaniya. Sumakit ang mga mata niya at mariin siyang pumikit.

THE SWINDLER AND THE BEASTWhere stories live. Discover now