Part 28

10.2K 423 7
                                    

"AYOS ka lang ba Belle? Namumutla ka."

Napakurap si Belle sa punang iyon ng ate Beverly niya. Dinalaw niya ulit ang mga ito sa kulungan at dinalhan ng pagkain. Napahawak siya sa pisngi niya at naramdaman niyang nanlalamig iyon. "Kulang lang ako sa tulog ate," sagot na lamang niya. Kahit ang totoo ay hindi siya nakatulog kahit isang minuto lang kagabi.

"Kaya pala namamaga ang mga mata mo. Puyat ka. Akala ko naman umiyak ka," sabi naman ng ate Shyra niya.

Pilit siyang ngumiti dahil tama ito ng hula. Subalit hindi niya iyon ipapaalam sa mga ito. Tama na ang stress ng rehas para sa mga ito. "Hindi ate. Pagod lang talaga ako."

Nagkatinginan ang mga ito bago muling tumingin sa kaniya. "Hindi mo naman kasi kami kailangang puntahan dito araw-araw Belle. Umuwi ka at matulog," sabi ng ate Beverly niya.

Umiling siya. "May trabaho pa ako," sagot niya. Bukod kasi sa trabaho niya sa Club ay rumaraket din siyang waitress sa isang restaurant.

"Alagaan mo naman ang sarili mo Belle. Ayaw naming magkasakit ka bago pa man kami makalabas dito. Hala sige na umuwi ka na," sabi naman ng ate Shyra niya.

Wala siyang lakas na makipagtalo dahil sa hindi niya malamang dahilan ay napakabigat talaga ng pakiramdam niya kanina pang paggising niya. Sabagay hindi naman iyon ang unang beses na sumama ang pakiramdam niya. Nitong mga nakaraang linggo ay palaging mabigat ang pakiramdam niya. Mas matindi lang ngayon dahil kulang siya sa tulog. Kaya tumango na lang siya at tumayo. Napakapit siya sa lamesa nang manlabo ang mga mata niya at biglang umikot ang paligid niya.

"Belle! Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng mga ito.

Tumango siya at napahawak sa sentido niya. "Mukhang kailangan ko talagang umuwi muna ate," usal niya.

"Oo nga. Sige na. Huwag mo na kaming intindihin. Umuwi ka na."

Halos hindi na rin naman niya narinig ang sinabi nitong iyon nang yumakap siya sa mga ito bago kumilos upang lumabas ng silid na iyon kung saan tumatanggap ng bisita ang mga nakakulong. Pakiramdam niya ay magkakasakit siya ng husto. Mabuti na lang at wala siyang trabaho sa Club mamayang gabi.

HINDI pa rin napapawi ang init ng ulo ni Kieran dahil sa nalaman niya kagabi. Hindi pa rin siya makapaniwalang ganoon talaga itong klase ng babae. Na sa ganoong babae siya nagpakatanga. Na iyon ang babaeng muntik na niyang iharap sa altar kung hindi lamang niya nalaman kaagad kung anong klaseng babae ito.

Kaya para mawala iyon sa isip niya ay dumeretso siya sa pagtatrabaho. Hindi na siya makakabalik pa sa dati niyang career bilang NBI agent dahil hindi na siya kasing liksi na gaya noon. Kaya napag-usapan na nilang magkakaibigan na siya na lamang ang magfu-full time na mag-asikaso ng security agency nila. Kasalukuyan siyang nasa NBI para kausapin ang ilang dati niyang katrabaho.

"Kieran Sta. Maria, buhay ka pa pala!" masiglang bati ni Manolo Ricaforte, kasabay niya sa training noon. Nagtapikan sila ng mga balikat. "That's good. It's time for you to face life again."

Tumawa siya. Nasa kalagitnaan siya ng pakikipag-usap dito nang may mahagip ang mga mata niya dahilan kaya napaderetso siya ng tayo. Ang babaeng kagabi lamang ay nakita niya sa stage na inaakit ang napakaraming lalaki sa loob ng Club. Lumabas ito sa pinto ng visitor's lounge at hindi gaya kagabi ay nakasimpleng puting tshirt lang ito at jeans. At namumutla ito habang nakahawak sa sentido nito. Napakunot noo siya.

"Ah, the Geneblazo sister," sabi ni Manolo dahilan kaya napakurap siya. Nang tingnan niya ito ay nakatingin na rin ito sa babae. Napatiim bagang siya nang makita ang kislap ng interes sa mukha nito. "Araw-araw niya dinadalaw ang mga kapatid niya. Sayang na mga babae. Ang gaganda pa naman. Sa totoo lang ay wala namang solidong ebidensya laban sa kanila kaso matindi talaga ang kapit ng nagsampa ng kaso sa kanila kaya hanggang ngayon nakasampa pa rin ang kaso. Piyansa lang ang tanging makakapaglabas sa kanila dito. O kung aatras sa kaso si Mr. Lim," kwento ni Manolo kahit hindi siya nagtatanong.

Napasunod siya ng tingin sa babae na lalo lang siyang nairita dahil mukhang hindi siya nito napansin. Napaigtad siya nang biglang gumewang ang paglalakad nito at napakapit ito sa pader. "She's sick," nausal niya bago pa niya napigilan ang sarili.

"Ha? Oo nga no. Teka, lalapitan ko lang," sabi ni Manolo. Subalit bago pa man ito makahakbang ay kusa ng gumalaw ang mga paa niya at malalaki ang hakbang na lumapit dito. Nang nasa tabi na siya nito ay halos dumausdos na ito sa sahig.

"Hey," tawag niya rito ngunit parang hindi siya nito narinig. Napahinga siya ng malalim at lumuhod sa tabi nito. Kahit na ayaw na niyang gawin pa kahit kailan ay kumilos ang kamay niya at hinaplos ang braso nito. Napaigtad ito at tumingala sa kaniya. Maputlang maputla ito. An unwanted concern swell inside him as he realized how cold she was.

"K-kieran," usal nito na para bang hindi makapaniwalang nakikita siya nito. The almost whisper way she called his name twisted on his gut. She hates this woman, so why can't he just leave her alone?

May sumilay na munting ngiti sa mga labi nito bago tuluyang pumikit ang mga mata. Nasalo niya ito nang matumba ito. Napamura siya at mabilis na binuhat ito. "Dadalhin ko siya sa ospital," sabi niya kay Manolo na nakalapit na sa kaniya. Hindi na niya ito hinintay sumagot at mabilis na binuhat ito patungo sa sasakyang kaninang umaga lang niya nabili. Muli ay naipagpasalamat niyang may bakal na ang binti niya. Kung nangyari ito dalawang buwan na ang nakararaan ay hindi niya ito mabubuhat ng ganito. Napasulyap siya sa walang malay na mukha nito at napahugot ng hangin nang may lumukob na takot sa dibdib niya.

THE SWINDLER AND THE BEASTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon