4

806 10 0
                                    

🌹TyronTroy

"sabihin mo sakin na mahal mo ko" nakatalikod ka lang sakin habang hawak ko ang isang braso mo. "mahal kita, pero lahat nagbabago ty. mahal kita pero nabawasan yun simula ng hindi na tayo naging maayos." agad mong binawi ang braso mo sa pagkakahawak ko, nakaramdam ako ng kirot dahil sa ginawa mo at hindi mapigilan mangilid ang luha sa mga mata ko.

"matulog na tayo please, pagod ako gusto ko na magpahinga" nauna ka ng pumasok sa kwarto at iniwan akong nakatayo at nakatingin sa kawalan. siguro nga maraming nagbago simula ng huli nating away, pinagod kita at hinayaang makaramdam ng panghihina.

ilang oras, araw ang nagtagal at napansin kong hindi kagaya ng dati ang lahat. "hon, sabay na tayong kumain okay?"

"mamaya na, busog pa ako" hindi ka na sabay na kumakain sakin, hindi ka na rin masaya sa tuwing darating ako at sasalubungin ka sa paguwi galing sa trabaho, napagod ka na. pinagod kita ng husto.

simula umaga hanggang sa pagsapit ng gabi, bilang ko nalang ang naging usapan natin na nagtatapos sa good morning at sa goodnight na minsan pang nakakatulugan ng isa sa atin.

"saan tayo nagkamali? saan ako nagkamali?" tanong ko sa sarili habang pinagmamasdan ka sa kalayuan, ang relasyon natin na napagigitnaan ng sakit at pagitan at katotohanan na para bang malabo ng maisalba

"ano bang gusto mong mangyari? na maghiwalay tayo?"

"oo" agad mong sagot "suko ka na ba?"

"sa lahat, oo pagod na ako" paulit ulit mong sagot sa mga tanong na binabanggit ko sayo nung mga nakaraang araw, umaasa na baka sakaling may pag-asa pa para mapunan ang kulang, pero napagod ka na,
pagod na pagod na.

hinarap kita at pinigilang lumabas ng pintuan, kita ko sa mga mata mo ang tamlay at pagkawala ng kislap na dati ay araw araw kong nakikita "ano bang gagawin ko? hindi ka naman ganyan dati" tumingin ka sa akin at nagbigay ng isang mapait na ngiti "wala na yung dati, yung ako na hinahanap mo? napagod na"

"ano bang gagawin ko?" sinubukan kong hawakan ang magkabilang pisnge mo pero umiwas ka lamang "gumawa ka ng paraan" sagot mo at tinabig ako saka lumabas ng ating kwarto

pagkatapos ng sagutan na iyon, bawat oras na lumilipas ay mas ramdam ko ang lamig, mas ramdam ko ang baga na nawalan na ng apoy, ang kislap na unti unti ng namamatay, ramdam kong ang layo mo, ramdam ko yung distansya nating dalawa na mas lalo pang pinaglayo,

napayukom ako sa gilid at pinagmasdan ang mga kamay kong dapat hawak ang kamay mo, pinakiramdaman ang sarili at saka sinabing "siguro nga kasalanan ko lahat" mapait akong ngumiti at kinuha ang papel at lapis sa gilid ng higaan, ang papel na mamasa masa pa ng pulang likido na umaagas mula sa aking pulsuhan, maigi ko itong tinitigahan at isinulat ang huling mensaheng aking iiwan simula ng ikaw ay lumisan

"para sa babeng minahal ko ng lubusan, maraming salamat sa mga magagandang alaala, salamat sa tamis at pait na ating pinagsaluhan, salamat kasi kahit sa maikling panahon lang hinayaan mo kong mahalin ka. sorry kung wala akong ibang ginawa kundi bigyan ka ng bigat sa kalooban, sorry kung hindi ako yung taong kaya kang pasayahin, kaya kang paligayahin, pasensya na kung ito ako. kung wala akong ibang idinulot kundi pasakit sayo. mula sa liham na ito ay masasabi kong pagkatapos mong basahin ito at muli sa paggising mo ay malaya ka na mula sa sakit, sa luha at sa kalungkutan, wala na ang taong naging dulot ng pait sayong buhay. isang kahilingan na lamang, maging masaya ka, hanapin mo yung taong makakapagpasaya sayo, yung taong kayang tuparin lahat ng ipapangako niya, yung tao na hindi mahina kagaya ko. mahal na mahal kita, be happy hon. i love you, nagtagumpay ako, bumalik ka na"

matapos mong basahin ang liham ay bigla na lamang pumatak ang luha sa iyong mga mata, magkahalong kirot at sakit at luha, panghihina habang pinagmamasdan ang katawan kong nakahimlay, nagawa kong ibalik ka sakin, nagtagumpay ako, mahal.

Random LibraryΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα