3

1.3K 5 0
                                    

🌹TyronTroy

isang gabing lulan ang kalungkutan, walang ingay na nakabalot sa paligid habang pinagmamasdan ang mga bituan at ang buwan na nakasilip at naghihintay,

sa huling gabi ng pag-iibigan nating dalawa, sa huling gabi ng paghahawak kamay at pagsasama habang nakaupo sa paborito nating upuan sa parke, kung saan tayo unang nagkita,

ang ilang segundo, oras at araw na pinagsamahan, mula sa ligaya at kalungkutan sa sakitan at iyakan na mahirap bitawan pero kailangan,

dahil sa pagkukulang at pag-aalinlangan, dahil sa sakit na naranasan ay hindi na kayang buuhin pa ang nasirang pag-iibigan,

kahit pilitin ay hindi na mapilit, ang dibdib natin na parehong naninikip ng humarap ka sakin at dahan-dahang hinawakan ang magkabila kong pisngi,

parehong naghahanap ng sagot kung bakit, kung saan nagkamali, kung saan tayo naging mali,

lumapit ka at hinalikan ang noo, sinapo at pinakiramdaman habang ang mga mata ay nangungusap, nakikipagtitigan sa mata kong napangunahan ng luha,

pinilit kong ngumiti at harapin, hinalikan ka pabalik sa kung saan dumampi ang iyong labi kahit ang lalamunan ko'y nanunuyo't at hindi makapag salita sa tako't na mailabas ko lahat ng luha na pumapatak

pinakinggan ka, sa ilalim ng buwan na nagmamasid sa kagandahan mo, na hinding hindi ko na masisilayan,
ngumiti habang binibiling ang pagpatak ng oras kasabay ng pagtulo ng luha na hindi ko kayang pigilan,

napagod ka na, pinagod kita? siguro hindi mo na kayang lumaban, bibitaw ba? hahawakan ka ba?

nalunod na sa sariling ideya na baka maisalba pa na baka may pagasa pa kahit ang pareho mong kamay ay bumibitaw na,

kahit na ang pareho mong kamay ay napagod nang kumapit. dahil alam kong hindi ko kaya

kung haharapin ang bukas at gigising sa umaga, dahil alam kong bago matapos ang gabing ito ay wala ka na,

maari bang magpahinga ka lang? maari ba na baka napagod ka lang kasi pinanghahawakan ko pa yung pangako natin na walang sukuan?

pwede bang huwag ka ng umalis dahil aasa pa, na kahit malalim na ang sugat ay kaya pang pagalingin, ng pareho halik, at yakap at lambing

na baka lilipas rin ang oras at sasapit ang bukas at magkaroon ng lakas na lumaban,

ayokong matapos ang gabi, ang hirap magbilang ng sandali kaya't yinakap kita, yinapos at nakiusap, humagulgol at umiyak

ang mga luha kong pumapatak na sana muli kang kumapit at humawak dahil ayokong masayang ang lahat

na kahit mahirap at kahit masaklap ay mamatanggap

maari bang magumpisa sa simula?
huwag na nating tapusin ang gabi na para bang ito ang huling sandali

umuwi ka na

dahil hindi ko kaya

Random LibraryWhere stories live. Discover now