I immediately saw how guilt flashed on their faces. Alam ko, nasanay sila na kaya kong magpanggap ng nararamdaman sa mga taong nasa paligid ko. Alam ko, nasanay silang pahirapan ko ang sarili ko para guminhawa yung iba. Alam ko, na alam nilang mas pipiliin kong itago lahat kaysa isumbat sa iba. Alam nila 'yon, pero bakit hinayaan nila akong gawin 'yon? Bakit mas pinili nilang magpatuloy ako sa gano'n, kaysa baguhin at piliin naman 'yong sarili ko?

Maaaring tinuturuan nila akong hindi maging makasarili, pero kailangan bang saktan nila ako sa pamamagitan nang hindi pagsasabi ng totoo? Hindi siguro.

They sighed before Dad opened his mouth to rebuke me, "Anak, pinili naming hindi sabihin para hayaan kang magdesisyon sa lahat. Kung aalalahanin mo ba ang lahat, o kung hahayaan nalang ang oras na ibalik ang mga alaala mo," aniya gamit ang nanunuyong boses.

"Besides, si Gian lang ang nakalimutan mo. Makakaya mong mabuhay nang hindi siya inaalala! He can pretend that your paths never crossed. We can tell them to pretend," Mom said which made me shift from my seat.

"Mom! Can you hear yourself? Gian was the one who stood beside me whenever na mag-aaway kayo ni Dad. Siya yung nando'n noong hindi niyo matanggap yung mga small achievements ko. Siya yung naging proud sa'kin, kahit hindi ako yung una, kahit wala akong matanggap na award! Siya yung tumanggap lahat ng frustrations ko noong pinwersa niyo akong huwag mag-abogado. Si Gian 'yon, Mom."


"You even have the guts to tell me na hinayaan niyo akong magdesisyon? Oh, come on. Nasaan po doon ang kalayaan kong magdesisyon?" sumbat ko at hindi na napigilan ang bugso ng damdamin, "Hinayaan niyong saktan ko pa ang sarili ko, masabi lang na desisyon ko 'yon?" iling ko at hinahabol ang hininga na sumandal sa hospital bed.


"Anak..." Mom exhaled before she shakes her head, "Hindi namin gusto na maranasan mo 'yon. Hindi namin sinabi 'yon para iyon na ang piliin mo. Ikaw pa rin ang magdedesisyon noon. We suggested, para malaman mo kung saan ka mas aangat," aniya.

"'Yan nanaman! Hindi kayo laging nakukuntento sa kung ano lang yung kaya kong ibigay. You always expect for more, for something that I won't always reach. Hindi niyo sinabi 'yon para piliin ko, pero kapag iba naman ang pinili, ma-didisappoint kayo. Saan ako lulugar? Kanino ako magsasabi?" saan ko at medyo tumaas ang boses.

Kumalma ang paligid sumandali at walang nag-abalang magsalita, hanggang sa dumating sina Kobe, kasama ang doktor.

"Good day, everyone. I believe you're the parents of the patient?" lingon nito sa mga magulang ko. Binati naman nila si Dane.

"Naalala na niya ang recent memories na nakalimutan niya, na nawala dahil sa aksidente. However, she didn't gained the memories that she lost because of her disease. To tell you all frankly, natrigger ng pag-alala niya ngayon ang dating sakit niya. May malaking chance na bumalik 'yon, and we don't know when. Just like before, bigla itong susumpong, and we can't tell kung maaalala niya pa 'yon." Dr. Dane Silvero said, with whole conviction and truth in a way that is really evident.

What he said made me confused. I feel like everything that I have in mind is jumbled and I can't think of a way to arrange it. Ano ang sinasabi niyang dating sakit?


"Anong sinasabi mo?" tanong ko rito at naguguluhang lumingon sa mga magulang ko. To my great horror, my Mom is on the edge of crying, while my Dad remained a poker face. Though, I can see the sadness and guilt in his eyes.

"You had dementia. Dementia is a broad category of brain diseases that cause a long-term and often gradual decrease in the ability to think and remember which is great enough to affect a person's daily functioning. You're still lucky, dahil symptoms pa lang ang lumabas sa'yo dati, pero hindi pa rin maganda dahil hindi ma-identify yung certain disease because the symptoms are generalize," he explained without the need to hide his brutalness and ruthlessness.

Forgotten (NNS #1) (EDITING)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα