"Bakit hindi ba kayo makapasok sa isang lagusan na alam niyo?" Tumango ako.

"Yes, sa mismong bahay namin pero nandoon ang tauhan ni Marco."

"Okay, maya-maya ay puntahan na natin ang tatay ko at baka mahanap kayo rito ng mga kalaban niyo..." Napahinto siya. "On the second thought, sasama ako sa inyo. Damay na ako rito."

Bigla kong naalala yung naiisip ko kanina.

"Wait?" Lahat sila ay napatingin sa akin na nagtatanong ang mga mukha.

"Three days nang hindi nagpaparamdam si Marco at ang mga tauhan niya. I know that day nang tumakas tayo pwede na nila tayong kunin ulit, pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin sila nagpapakita? Is he planning something?"

Narinig ko ang sabay-sabay na pagmura ng mga kalalakihan.

"He's up to something. Kailangan na rin nating gumawa ng plano. I think they are waiting for us, I am sure it's one of their options that they let go of us so they can have the analysis data," mabilis na sabi ni Ream na sinang ayunan naming lahat.

"As usual, ang mga batang Montilla, Mercedes, Geronimo, Salviento... and of course the one and only Vallertos." Nagtaka ako kung saan nanggaling ang nagsalita dahil binanggit niya ang mga apelyido namin.

Lahat kami ay naptingin sa may pintuan.

"Tay!" Agad tumayo si Clinton para daluhan ang... Ama niya.

"Anong ginagawa mo rito? Pupuntahan ka pa lang namin." Ngumiti ang tatay niya sa kanya.

"Nabalitaan ko kasi na may mga bisita ka," sabi niya at tumingin sa amin.

"S-Sir Ronaldo." Tumayo ako at bahagyang yumuko.

Lumapit siya sa akin.

"Napakagandang dalaga at napakabait pa, sigurado akong proud sayo sina sir at ma'am Montilla." Nagulat ako nang yumuko rin siya sa akin.

"Y-You don't have to do that sir."

"I want it to do that though, sa lahat ng naitulong ng mga magulang mo sa akin." Napangiti ako.

Niyakap ko siya at narinig ko siyang bahagyang tumawa.

"Naku, ang batang Montilla talagang ito." Kumalas ako sa aking yakap. Pakiramdam ko ay nayakap ko na rin ang aking dad. I know my dad and him are best of friends.

"Maraming salamat po sir." Ginulo niya ang aking buhok.

"You used to call me tiyo Naldo." Ngumiti na lamang ako, hindi ko man maalala dahil napakabata ko pa noon nang huli ko siyang makasama pero alam kong naging mabait siya sa amin.

"Salamat po tiyo Naldo."

"Walang anuman."

"Sorry to cut you sir, but who's surname is Vallertos you are pertaining here. Wala pong Vallertos dito, walang traydor dito. At kung mayroon man ay baka mapatay ko siya." Lahat kami ay napalingon sa nag ngingitngit na si Steel at may madilim na tingin. Halos tumindig ang balahibo ko sa katawan dahil sa sobrang lamig ng pagsambit niya ng mga salita.

Hindi ito si Steel.

"Oh that? She's not a traitor like what you are thinking." She? Babae siya?

Napalingon ako kay Celestine na nakayuko at nakakuyom ang mga kamao.

Is s-she?

"Yes, tama lahat ng naaisip niyo kung sino siya." Napatingin ako sa lahat ng tao na nasa loob. Lahat pala kami at nakatingin kay Celestine.

"B-Bakit i-ikaw pa?" Nakita ko si Steel na malamig ang tingin kay Celestine.

"Steel, let me explain." Hahawakan sana ni Celestine si Steel sa kamay nito pero kinabig lamang ni Steel ang kamay niya para hindi siya mahawakan.

I Saw the Future OnceWhere stories live. Discover now