Kakauwi ko lang galing sa ospital. Iniisip ko pa lang yung sagutan namin ni Lia, naiistress na ako. Binuksan ko ang pinto at hinubad ang aking sapatos. Dumiretso ako sa sala at nakita ang isang pamilyar na bata na nakaupo sa sofa. Halatang antok na antok na ito dahil unti-unti ng pumipikit ang kanyang mga mata.

Dahan dahan akong lumapit kay Ryu. Naramdaman niya ang presensya ko kaya agad siyang lumingon sa akin. His eyes brighten nung makita niya ako.

"Ate Suri!!!"

He said cheerfully. Napangiti ako at lumapit sa kanya. Lumuhod ako sa harapan niya.

"Aigoo~ namiss mo ba si ate?"

Tanong ko. He nodded at me. I pinched his nose.

"Kailan ka pa dumating dito? Tsaka sinong kasama mo?"

"Hinatid po ako ni mama dito kanina. Sabi ko po kasi sa kanya gusto kong pumunta ulit dito. Diba po sabi mo dati pag bumalik ako dito, matutulog tayo kasama si kuya Soobin. Miss na miss ko na rin po siya. Gusto ko po ulit kumain ng ice cream kasama kayong dalawa."

Nginitian ko si Ryu. I caressed his hair.

"Sige, pag dumating na si kuya Soobin mo sabihin natin yan sa kanya okay? Ayos ba yun?"

Tumango ulit siya. I pat his head and kissed her cheek. Then suddenly, biglang kumulo ang tiyan niya. Napatingin kaming dalawa sa isa't isa. Pagkatapos ng ilang segundo, nagtawanan kami.

"Gutom na gutom ka na ba?"

"Opo."

"Halika, ipagluluto ka ni ate."

Tumayo ako and my hand to him. Hinawakan naman ni Ryu ang kamay ko. Pumunta kami sa kusina. Pinapwesto ko siya sa dining table. Kumuha ako ng ingredients sa ref at nagsimula ng maghanda.

Pagkatapos ng ilang minuto, natapos na rin akong magluto ng pancake. Nagningning ang mga mata ni Ryu nung inihain ko na yung pancake sa mesa.

"Ate Suri, pwede na ba akong kumain?"

Tumango ako bilang sagot. Agad niya namang sinunggaban yung pagkain. Napangiti ako. Napaisip ako. Ganito rin kaya ka bibo yung magiging anak ko? I do hope that my child will grow as cheerful as Ryu.

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Soobin. Napalingon si Ryu sa kanya at agad itong tumigil sa pagkain.

"Kuya Soobin!"

Tumakbo ito papunta kay Soobin at yumakap sa hita nito. Nagulat si Soobin nung nakita niya si Ryu.

"Kid, you're back!"

Ani nito. Binuhat niya si Ryu and pinched his nose.

"Kailan ka pa dumating?"

Tanong ni Soobin.

"Kanina lang po."

Tumango si Soobin sa kanya. He then looked at me. Nagtama ang mga mata namin.

"Look at ate Suri, she's so beautiful right?"

"Siyempre naman po!"

Napatawa na lang ako. Ilang sandali pa, may ibinulong si Soobin kay Ryu. Bahagyang kumunot ang noo ko. Ano na naman kayang kalokohan ang sinasabi ni Soobin kay Ryu?

"Ano yan? Ba't nagbubulungan kayo jan ha? Hali na nga kayo at ng makakain na tayo."

Lumapit naman si Soobin at pinaupo si Ryu sa pwesto nito kanina. Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Nagulat naman ako sa ginawa niya. Napansin niya ang reaksyon ko.

"I just want to say that I miss you and I love you so much."

Ani niya sabay kindat. Umupo siya sa tabi ni Ryu. Hindi ko na lang ipinahalata ang kilig na nararamdaman ko. Kumuha ako ng plato at tinidor at ibinigay yun kay Soobin.

Nagsimula na silang kumain dalawa.

"Kuya Soobin, magkatabi ba tayong matutulog ngayong gabi?"

Inosenteng tanong ni Ryu. Soobin smiled at him.

"Oo naman."

"Kakain po ba tayong tatlo ng ice cream mamaya?"

"Yep!"

"Hmmm pwede po bang manuod rin po tayo ng movie?"

"Yes, of course."

"Yehey!!!"

Napatawa na lang kaming dalawa ni Soobin dahil sa reaksyon ni Ryu. But then Ryu stopped and looked at Soobin.

"Diba po sabi mo sa akin kanina na isusurpresa natin si ate Suri mamaya? Eh paano po iyon?"

Natigilan kaming dalawa. Napatingin ako kay Soobin. He looked at me too. Okay... So now I get it. Ito pala yung binulong-bulong niya kanina kay Ryu. Seems like his supposed to be surprise plan got exposed.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now