07

609 42 40
                                    

Suri;

Tulala lang ako habang nakadungaw dito sa bintana. Ngayon ko na pala sasagutin yung tanong ni Yeonjun oppa kahapon. Ano na Suri? Alam mo na naman yung isasagot diba? Bat nag aalangan ka pa?

Ginulo ko yung buhok ko dahil sa frustration. Di ako nakatulog kagabi dahil dito. Tapos lutang na lutang pa ako sa coffee shop kahapon. Malala na nga siguro yung tama ko kay Yeonjun.

"Ang aga aga ang panget ng mukha mo."

Napatingin naman ako sa may ari ng boses na yun. Bumungad sa harapan ko si Soobin. Nakahati yung bangs niya at ang lapad ng kaniyang ngiti. Teka pre, yung noo mo nakakasilaw. Pero infairness, ang glooming niya ngayon.

"Hinati mo lang yung bangs mo feeling mo ang gwapo gwapo mo na."

Panlalait ko sa kanya pabalik. Inilagay niya naman yung bag niya sa table at umupo sa tabi ko.

"Gwapo naman talaga ako ha."

Ani niya at nagwink sakin. Inirapan ko siya.

"Manahimik ka nga jan, binubwesit mo ko eh."

Sabi ko. Di niya ako kinibo at may kinuha siya sa bag niyang dalawang pack ng bread sandwich. Inilapag niya yung isang pack sa harap ko. Tapos yung isa eh binuksan niya at nagsimulang kumain.

"Hmmmm I smell something fishy. Anong meron? Good mood ka ata ngayon? Ah gets ko na, nagkita kayo ni Lia kahapon no?"

Sunod sunod kong sabi. Ngumiti lang siya sakin. Yung dimples niya, nagpakita na naman.

"Magkwento ka nga."

Utos ko at binuksan yung tinapay na ibinigay niya. Nilunok niya muna yung kinain niya bago siya nagsalita.

"Yung totoo niyan nagdate kami kagabi. We have long night talks and then we.... kissed?"

Nanlaki naman yung mata ko. Ok kuul! I'm too innocent for this. Natawa naman siya sa reaction ko.

"Yah! Napaka ano mo ha. Ginamitan mo agad ng hokage moves." sabi ko.

"Siyempre ako pa." ani niya sabay wink. Napailing na lang ako at napangiti na rin.

"Anong balak mong gawin ngayong nandito na siya?"

He paused for a bit. Maybe he was thinking for the possibilities. Ngayong malapit na sila sa isa't isa, kailangan na nilang magdoble ingat.

"Hindi ko alam. May dapat ba talaga akong gawin?"

He said pero bakas sa mga salitang binitawan niya ang lungkot. I gave him a sympathic smile and tapped his shoulder's.

"Love her with all your might, that's all you can do."

---------------------

Si Soobin ginagawa niya lahat para sa taong mahal niya kahit na alam niyang mali. Ako, umaasa pa rin ako sa taong mahal pa ang ex niya. Pero kahapon, dun sa cafeteria habang magkasabay kaming kumain ni Yeonjun. He asked me about dating him. I know it's weird pero wala naman sigurong masama kung susubukan namin diba. I mean malay natin, maybe may feelings din pala siya sakin pero hindi pa ganun ka developed kagaya nung akin.

Nasa gilid lang ako habang nakatingin sa mga estudyanteng naglalaro sa field. Today is the day. Wala ng atrasan to. Lumapit ako sa mga estudyanteng naglalaro at tinawag ang taong pakay ko.

"Yeonjun-ah!"

Nagsitigil naman yung mga estudyante, kasama na dun si Yeonjun. Napatingin silang lahat sakin. Lumapit ako kay Yeonjun. Huminga ako ng malalim at inipon lahat ng natitirang lakas ng loob dito sa katawan ko. I looked at him, eye to eye.

"Pumapayag na akong makipagdate sayo."

----------------------

Inuntog ko ng slight yung ulo ko sa pader dito sa may gilid ng staircase papunta sa rooftop. Aish jinja! Ano bang ginawa ko kanina?? Nakakahiya. Period.

"Aish jinja! Ano ba kasing pumasok sa kokote ko?"

Tanong ko sa sarili sabay gulo ng buhok. Pagkatapos kong sagutin si Yeonjun kanina binigyan lang niya ako ng ngiti. Tapos bigla niyang hinawakan yung kamay ko at sinabing

Then you are mine now

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala. Masyadong mabilis yung mga pangyayari. Wala man lang ligaw ligaw. Kami na ba talaga?? Magdadrama na sana ako nung bigla akong nakarinig ng tunog ng mga yabag palapit sakin. Tumayo ako at inayos ang sarili ko. Pababa na sana ako nung biglang sumalubong sakin si Soobin.

"There you are."

Ani niya at hinabol ang kanyang hininga. Tumakbo siguro to patungo dito. Pinakalma muna niya yung sarili niya bago nagsalita.

"So is it true? Kayo na ba talaga ni Yeonjun hyung?"

Tanong niya. Teka, anong isasagot ko??? Sasabihin ko bang oo?? Pero legit ba talaga yung kanina?? As in legit???

"Siguro...?"

Napakunot naman yung noo niya sa sagot ko.

"What do you mean siguro?"

"Ang bilis kasi ng mga pangyayari eh like you know, di ako sigurado kung seryoso ba talaga yun o hindi."

Ani ko. Napaisip naman siya. Tinignan niya ko sa mata

"Let's give it a try. May tiwala naman ako kay hyung tsaka malay mo matagal na pala siyang may gusto sayo tapos ngayon lang siya nagkaroon ng panahon na pormahan ka."

Tumango na lang ako sa sinabi ni Soobin and gave him a simple smile. He tapped my head.

"Tara na, magsisimula na yung susunod na klase natin."

Sabay kaming bumaba papunta sa lab kung saan yung Chemistry Class namin.

--------------------

Dismissal na namin. Naglalakad ako sa hallway palabas ng building nung nakasalubong ko si Yeonjun.

"Suri, hatid na kita."

Ani niya at ngumiti. Nginitian ko rin siya ng pilit. Bakit ba ako naiilang? Sabay kaming naglakad. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Ikaw ba naman ang makasabay ng isang napakagwapong nilalang, makukuha mo talaga ang atensyon ng lahat.

"Ahm Yeonjun, wag mo sanang mamasamain yung tanong ko ha. Pero seryoso ka ba talaga sakin?"

Tanong ko sa kanya. Huminto siya sa paglalakad kaya napahinto na rin ako. Humarap siya sakin. Nagulat ako nung bigla niyang inilapit yung mukha niya with matching eye to eye contact pa. Napaatras naman ako ng konti.

"Anong ginagawa mo?"

Bigla naman siyang ngumiti at inilayo ang mukha niya sakin. Inilagay niya yung kamay niya sa bulsa.

"You have doubts, I can see it in your eyes." sabi niya.

"Ahm... Sorry, gusto ko lang kasing manigurado. Mahirap na lalo na't tanga ako. Madaling mauto ganun."

He looked at me. But this time, I can see the sincerity in his eyes.

"Alam kong masyadong mabilis yung mga pangyayari pero I don't want to waste a minute. It may sound cringe but I want to be with you. I like you Suri."

Natameme ako. Sinubukan kong magsalita pero walang words na lumalabas sa bibig ko. I am struggling in choosing the appropriate words to say.

"And please give me a chance to show you how I like you. So pwede bang ihatid kita pauwi aking prinsesa?"

Sabi niya and offered his hand to me. I nodded and held his hand. Pinagtiklop niya yung mga kamay namin habang naglalakad kami palabas ng campus. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin lang siya sa daan. Napangiti ako. Sana hindi panaginip lahat ng to. Kung panaginip man, ayaw ko ng magising.

"Look on the way lady."

Ani niya. Napansin niya sigurong kanina pa ako nakatingin sa kanya. Nakakahiya. Napatingin naman ako sa harapan at sekretong napangiti dahil sa sayang nararamdaman ngayon ng puso ko.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now