45

528 24 11
                                    

Soobin;

Nakataas ang dalawang kamay namin ni Suri habang nakaluhod sa labas. Mahigit tatlong oras na kaming late kaya ito, pinarusahan kami.

"Ayoko na! Di ko na kaya!"

Sabi ni Suri at ibinagsak yung mga kamay niya sabay upo. I smiled at her.

"You should not do that. Baka mamaya niyan makita ka ni proff. Dadagdagan na niya naman yung parusa niya sayo."

I said. He gave me an exhausted look. I know her. She is just acting tired.

"Pagod na ako okay? Pakiramdam ko nga mababali na tong braso at tuhod ko dahil sa pangangalay."

Exaggerated niyang sabi. I settle down my arms at humarap sa kanya.

"Halika."

I commanded her.

"Bakit?"

"Just come closer."

Lumapit naman siya sa'kin. I suddenly kissed her forehead. Her eyes widen. Nagulat ata siya sa ginawa ko.

"Anong ginagawa mo?"

Tanong niya. I smiled at her.

"I'm giving you a kiss to motivate you and to give you my strength. Do you feel energized now?"

She looked away. Namumula ang cheeks niya. Cute.

"Baliw."

Ani niya at lumuhod sabay taas ng kamay. I chuckled because of her reaction. Hindi man sinasabi ni Suri, but I know I affect her big time. Lumuhod ulit ako at itinaas ang aking mga kamay.

"Soobin-ah."

Tawag sakin ni Suri.

"Hmm?"

"Seryoso ka ba talaga sa nararamdaman mo sakin?"

Ani niya. I looked at her. Seems like she is still doubting about me.

"Yes, I'm serious about it. I am always serious about you."

I answered. She looked at me. Binigyan niya ako ng ngiti.

"Masaya akong malaman na seryoso ka."

Sabi niya at tumingin ulit sa harap niya. I looked at her side profile. Ang ganda niya pa rin kahit naka side view siya.

"Suri..."

"Hmm?"

"Mahal kita."

Third Person's POV

Mahimbing na natutulog si Seulbin sa kanyang silid. Nakakabit sa kanyang katawan ang mga maliliit na tubo na nakakonekta sa makina. Ilang araw na rin simula nung umalis ito sa Pilipinas at pumunta sa America para magpagamot.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na nakasuot ng damit pang ospital. Nakasuot rin ito ng hospital mask. Tumingin muna ito sa magkabilaang bahagi ng hallway bago isinara ang pinto.

Lumapit ang lalaki kay Seulbin. Kinuha nito ang injection sa kanyang bulsa. Ang injection na yun ay naglalaman ng nakakamatay na chemical.

Hinawakan nito ang tubo na nakakonekta sa katawan ni Seulbin. Tumingin muna ang lalaki sa natutulog na binata. Itinusok nito ang karayum ng injection sa tubo at ginawa ang masama nitong balak.

Biglang nagising si Seulbin dahil nawawalan na siya ng hininga. Nakita nito ang di pamilyar na lalaki sa kanyang tabi. Sinubukan nitong kapahin ang button sa kanyang gilid ngunit inilayo ito ng lalaki.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now