36

543 34 24
                                    

Suri;

Lumabas ako ng bahay para tanggihan si Han Jisung sa panlilibre niya sakin ng agahan nung may naaninag akong isang pamilyar na lalaki.

"Soobin?"

Sambit ko nung makilala ang taong yun. Napalingon silang dalawa sa'kin. Naglakad ako sa direksyon nilang dalawa at binuksan ang gate naming hanggang dibdib lang ang taas.

"Anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko kay Soobin. Tumingin siya sakin ng seryoso.

"May date tayo, remember?"

Seryoso niyang sabi. Bahagyang kumunot yung noo ko. Wala naman kaming usapan na may date kami ngayon. Tsaka kung meron man, sure akong di yun matutuloy kasi tatanggi ako.

"Ano bang pinagsasabi mo-"

"Sorry pero may date rin kami ngayon."

Di ko na natuloy yung sasabihin ko nung nagsalita si Jisung. Isa pa to. Sa pagkakaalam ko ililibre niya lang ako ng agahan. Hindi kami magdidate.

Nagtitigan ang dalawa. Nagsukatan sila ng tingin. Anong kabalbalan to? Dapat ba akong kiligin sa sitwasyon na'to? O dapat ko silang batukan?

Pumwesto ako sa gitna nilang dalawa. Tinignan ko si Jisung tapos si Soobin.

"Anong ginagawa niyo?"

Tanong ko. They both looked at me. At dahil kay Soobin ako nakatingin, nagtama ang mga mata namin. His eyes... Sa tuwing nagtatama ang mata namin bumibilis ang tibok ng puso ko.

"Is it true? Is he really your boyfriend?"

Tanong niya. Kumunot naman yung noo ko. Sinong tinutukoy niya? Si Jisung?

"Ha? Sinong boyfriend?"

Gulong-gulo kong tanong.

"Him."

Ani niya at tinuro si Jisung. Napalingon ako kay Jisung. He smiled at me. Anong kabalbalan na naman ang sinabi ng gagong to?

"Ha? Teka teka. Ano nga ulit yung tanong mo? Kung boyfriend ko ba tong gagong to?"

Tanong ko ulit kay Soobin. He nodded as an answer.

"He told me that he is your boyfriend."

Lumingon ako kay Han Jisung. Nginitian niya ako.

"Oh bakit ganyan ka makatingin? Totoo naman ha."

Napatawa ako ng mapakla. haYuf! Pinaglandakan pa talaga ng kutong lupa na'to na jowa ko siya.

"Kapal ng mukha mong sabihin sa'kin kagabi na wala kang balak na balikan ako tapos ipaglalandakan mo sa iba na jowa na kita."

Ani ko sabay kurot sa kanya sa tagiliran.

"Aray! Pero totoo naman ha."

"Matagal na tayong tapos gago! Jowa kita pero dati yun!"

Sigaw ko at piningot siya sa tenga.

"Aray! Tama na. Porket nandito yung bagong jowa mo ginaganito mo na ako."

Ani niya habang namimilipit sa sakit.

"Bagong jowa?"

Tanong ko.

"Diba jowa mo yan lalaking yan?"

Sabi ni Jisung sabay tingin kay Soobin. Napalingon rin ako kay Soobin. Bigla siyang nag-iwas ng tingin.

"Saan mo naman nakuha yan?"

Tanong ko kay Han Jisung.

"Sa kanya. Pinakilala niya yung sarili niya sa'kin na jowa mo."

Binitawan ko ang tenga ni Jisung at napatingin kay Soobin. Nag-iwas ulit siya ng tingin. Napakamot siya sa batok.

"Ahm ano, dun naman tayo papunta eh. Advance ako mag isip."

Ani niya. Di ko alam kung dapat ba akong kiligin o dapat ko ba siyang batukan dahil sa sinabi niya. Tinignan ko silang dalawa.

Ilang segundo pa, pumasok ako sa loob at ni-lock yung gate. Narinig ko ang pagtawag nila sakin pero di ko sila nilingon at tuluyan ng pumasoksa bahay. Bahala silang manigas jan. Sumasakit Yung ulo ko dahil sa pinagagawa nila.

Soobin;

Tuluyan ng pumasok si Suri sa bahay nila. Galit kaya siya sa'kin. Pareho kaming naiwan ni Jisung dito sa labas. So he is Suri's ex huh?

"You lied."

Ani ko. He look at me coldly.

"Says who?"

Pabalang niyang sagot.

"So you are Suri's ex huh?"

I told him. He gave me a smirk.

"I'm her ex for now but I'm planning to take her back so better not say that I am her ex."

He said and walked away. Ikinuyom ko ang aking kamao. I won't give up on Suri and I won't let him win her back.

Suri;

Nakatihaya lang ako sa sofa habang nakatitig sa kisame. Wala akong magawa. Iniisip ko pa rin yung nangyari kanina. Bakit kaya pumunta si Soobin dito? At bakit ganun na lang siya maka asta?

Tumingin ako sa orasan. Isang oras na lang bago ang duty ko sa coffee shop. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga at nagdesisyong maligo.

Thirty minutes din ang na consume kong time sa paghahanda. Kumain muna ako saglit ng agahan bago lumabas ng bahay.

Pagkalabas ko ng gate, nakita ko si Soobin na nakaupo sa plant box namin sa labas.

"Oh? Bakit nandito ka pa?"

Tanong ko. Nag-angat siya ng tingin.

"I'm waiting for you."

Sagot niya.

"Bakit? May sasabihin ka bang importante?"

Dun ko napansin na may dala pala siyang bulaklak. Ibinigay niya yun sakin.

"Nakalimutan kong ibigay sayo to kanina."

Ani niya at ngumiti. Lumabas yung dalawa niyang dimples. Ang puso ko. Naglulundag na naman sa kilig. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Ayoko ng masaktan.

"Hindi ko alam kung bakit mo ko binigyan ng bulaklak pero salamat dito. Wala ka na bang ibang sasabihin?"

Napakamot siya sa batok at may ibinulong.

"Ha? Di kita narinig pwede bang paki ulit ng sinabi mo?"

"It was just nothing."

Ani niya at ngumiti ulit. Tumango na lang ako bilang sagot.

"Hmm sige, aalis na ako."

Paalam ko kay Soobin. Akmang aalis nung bigla niya kong hinawakan sa kamay. Napatingin ako sa kanya.

"May nakalimutan ka ba?"

Tanong ko.

"Yes, I forgot to do something."

Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa noo. Nagulat ako sa ginawa niya. Parang tumigil ang mundo ko. He cupped my face and looked into my eyes.

"Promise me, don't look to another man okay? Only look at me. Just only me Suri."

Seryoso niyang sabi. Wala sa sariling tumango ako. Anong ginagawa ko?? Bakit ako tumango?? Nagrerebelde na ata yung sarili kong katawan sa'kin.

Nginitian ako ni Soobin. Inipit niya ang hibla ng aking buhok sa aking tenga.

"Ito pala yung sinabi ko kanina na di mo narinig."

Ani niya. He looked at me. Nagtama ang mga mata namin.

"You look so beautiful today, Suri."

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon