06

626 53 48
                                    

Suri;

Hindi na bumalik si Soobin pagkatapos naming magpart ways sa hallway. Siguro may nangyaring importante kaya siya umabsent. Kakatapos lang ng klase namin at papunta na ako ngayon sa coffee shop. As usual, ganun naman talaga yung afternoon routine ko.

Agad akong nagtrabaho pagdating ko sa coffee shop. Naging magaan yung trabaho ko kasi andito na si Chae. Marami rin kaming costumers ngayon. Nakakapagod tapos nagugutom pa ako. Umuwi ako nung bandang 8 pm. Nagvolunteer si Chae na siya na lang daw yung magsasara.

"Aigoooooo~"

Sambit ko at nagstretching dito sa labas ng coffee shop.

"Sa wakas makakakain na rin ako hehe."

Sabi ko sa sarili at nagsimula ng maglakad. Bigla namang nagvibrate yung phone ko sa bulsa. Si Soobin tumatawag.

"Wae?"

Bungad ko sa kanya.

"Nasan ka ngayon?"

Tanong niya.

"Nasa coffee shop, bakit?" sagot ko.

"Tumingin ka sa harap mo?"

Tumingin naman ako sa harap ko at bumungad sakin yung pinakapanget na nilalang na nakilala ko. Ilang metro din yung layo niya sakin. Napakalapad ng ngiti niya at bakas sa mukha niya ang saya. Ano kayang nangyari sa kanya?

Ibinaba niya yung phone niya kaya ibinaba ko na rin yung phone ko. Naglakad siya patungo sa direksyon ko habang nakangiti pa rin. Huminto siya sa tapat ko.

"Wae? Ang saya mo ata ngayon?"

Nagulat ako nung bigla niya akong niyakap tapos bigla siyang umikot-ikot.

"Yah!"

Bulyaw ko sa kanya. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Huminto siya sa pag ikot at binitawan ako.

"Uuwi na siya bukas!"

Excited niyang sambit. In a second, napatigil ako. I should be happy pero bakit parang nalulungkot ako. Is he referring to Lia? Siyempre, sino ba ang kaisa isang tao na nagpapasaya ng bonggang bongga sa tukmol nato, eh di si Lia.

"Bakit ganyan itsura mo? May problema ba?"

Tanong niya. Ngumiti ako ng pilit. Ano bang nangyayari sakin?

"A-ani... Masaya ako para sayo."

Binigyan niya ulit ako ng malapad na ngiti. Pumwesto siya sa left side ko at bigla niya akong inakbayan.

"Tara, libre kita. San mo gustong pumunta?"

Kinuha ko yung kamay niya mula sa pagkaka akbay sakin at humarap ako sa kanya.

"Next time na lang siguro. Kailangan kong umuwi ng maaga ngayon eh. Sige, aalis na ako. Bye!"

Paalam ko at naglakad paalis. Hindi ko na siya nilingon pa. Hindi rin naman niya ako sinundan. Ewan ko pero medyo bumigat yung pakiramdam ko. I should be happy for him. Pero nag aalala ako sa mga posibleng mangyari sa kanya lalo na't malapit na si Lia. Ewan ko pero kinakabahan ako. Ang gulo! Wala na akong maintindihan sa sarili ko.

Umuwi na ako sa bahay. Pagkabukas ko ng pinto bumungad sakin si mama at papa na nasa sala. Nanunuod sila ng tv habang magkayakap.

"Oh Suri, nakauwi ka na pala. Kumain ka na ba? May pagkain jan sa mesa."

Sabi ni mama. Pumunta naman ako sa lamesa at binuksan yung takip ng pagkain. Inilagay ko yung bag ko sa katabing upuan at kumuha ng chopstick. Nagsimula na akong kumain.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon