13

540 40 14
                                    

Suri;

"Anong ginagawa mo dito?"

Napatingin kami ng kuya ni Soobin sa may ari ng boses na yun. Then we saw Soobin na halatang kakarating lang sa kung saan. Nakapamulsa siya habang nakatingin sakin. He is wearing his round glasses tapos messy pa yung buhok niya.

"Oh Binnie, san ka galing? I think kanina ka pa hinahanap nitong maganda mong girlfriend."

Napantig yung tenga ko sa sinabi ng kuya ni Soobin. For the nth time, HINDI NGA PO NIYA AKO GIRLFRIEND. GIRLFRIEND PO AKO NI YEONJUN OKAY?! YES PO, OPO

"Hyung, she is not my girlfriend and don't call her beautiful. She looks like an ogre."

Sabi ni Soobin. Napatawa naman ako ng mapakla.

"Waw teh! Coming from you."

Lumapit ako sa kanya at sinipa yung paa niya. Napaupo naman siya sa sakit. Inilagay ko yung pile ng papeles sa tabi niya at humarap sa kuya niya.

"Aalis na po ako."

I said at nagbow. Narinig ko yung pagtawag ni Soobin sa pangalan ko pero di ko lang siya pinansin at itinuon yung atensyon ko sa paglalakad. Hayuf! Pagkatapos kong mag effort, gaganunin lang niya ako? Aba! Walang utang na loob.

"Ogre niya mukha niya. Iuntog ko siya sa pader eh."

Ani ko at sinipa yung maliit na bato sa daan. Nakakainis. Sabi na nga ba eh, bad idea talaga to. Sana tumanggi na lang ako sa favor ni Mrs. Ong kanina.

"Yah Suri."

Bigla na lang may humablot sa braso ko at ipinaharap ako sa kanya. Bumungad sakin yung mukha ni Soobin.

"Ano?"

Walang ka emosyon emosyon kong sabi. Binitawan niya yung braso ko and looked away.

"Mian..."

Ani niya. Napairap ako.

"Yun lang bang sasabihin mo? Sige aalis na ako."

Akmang aalis nung hinawakan niya yung wrist ko.

"Have dinner with us... Please"

Tumingin ulit ako sa kanya. He looked at me in the eye. Napabuntong hininga na lang ako.

"Oo na, oo na." pagsang-ayon ko.

"Good. Now come with me."

Hinila niya ako. Waw! Halatang napaka gentlemen ha. Wala na yung kotse sa harap ng bahay. Pumasok na siguro yung kuya niya. Napansin ko naman na nakahawak pa rin si Soobin sakin.

"Excuse me no, pero baka naman may balak kang bitawan ako."

"So far, wala pa naman akong balak."

Napairap na lang ako sa sagot niya. Akala ko bibitawan na niya ako pero hayuf! Wala nga talaga siyang balak. Nakapasok na kami sa bahay nila pero nakahawak pa rin siya sa wrist ko. Sinubukan kong kunin yung kamay niya sa pagkakahawak sakin pero hinigpitan niya yung pagkakapit.

"Anong trip mo?" tanong ko.

"Trip kita."

Ani niya. Inapakan ko yung paa niya. Napa aray naman siya sa sakit.

"Problema mo?" tanong niya.

"Problema kita."

Sagot ko at ngumiti.

"Whatever."

Sabi niya at hinila ulit ako. Umakyat kami sa hagdan. Teka san niya ako dadalhin?? Nakasalubong namin yung kuya ni Soobin na ngayon ay nakapagpalit na ng damit.

Second Best 「 Choi Soobin 」✓Where stories live. Discover now