CHAPTER 20

360 18 0
                                    

NAGAWANG takasan nina Dasher at Donnie Marie ang media paglabas nila ng presinto ngunit hindi ang pagkutkot ng konsiyensya niya. Thankfully, Dasher's friends, even his family, were sensitive enough to let her rest when they came home—Claus Mansion—doon siya iniuwi ni Dasher pagkagaling nila sa presinto. Hindi siya pinaulanan ng mga tanong ng lahat kahit pa batid niyang nanggigigil ang mga ito na malaman kung ano ba talaga ang tunay na nangyari.

Hindi mapakaling napatitig siya sa kisame ng kwartong kinaroroonan niya. Kanina pa niya iniisip kung bakit nagawa ni Homer iyon. He was nice and kind, iyon ang pagkakakilala niya rito. But he was Dasher's stalker. Talaga bang nagkamali siya ng pagkilatis dito?

Kung ganon, bakit nasabi ni Homer na mahal nito si Juliet. Eyes never lie. Nakita niya sa mismong mga mata nito kung gaano nito kamahal si Juliet. She stilled. Kailanman ay hindi nito sinabi na si Juliet ang mahal nito. And when he was looking at Juliet, he was actually staring at the stage where... Natutop niya ang kanyang bibig.

Nasa stage si Dasher noon! Ibig sabihin ay hindi talaga si Juliet ang tinutukoy ni Homer kundi si Dasher? Marahas siyang napabalikwas ng bangon. Ang tanga tanga niya! Bakit hindi niya naisip na...Mariin siyang napapikit. Homer was gay?

It didn't even cross her mind! Napatigil siya sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone niya. Si Homer? Dali-dali niyang pinindot ang answer button.

"H-hello?" aniya sa nanginginig na boses. "Where are you? Kailangan kitang makau—"

"Please help me!"

Her heart raced when Homer cut her mid-sentence. "What? Ano'ng nangyayari sa'yo?"

"Handa ako'ng mag-explain kay Dasher kung bakit ako naging stalker niya. Handa akong harapin ang konsikwensya ng mga nagawa ko. But please, help me. Papatayin nila ako!" natatarantang wika nito. His voice was shaking, mahahalata ang takot nito.

"What are you saying?" natatarantang usig niya.

"May mga tao sa labas. Kanina pa nila gustong pumasok sa bahay ko. I couldn't call the police because I know that they are after me too. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko kilala ang mga taong nasa labas. Please help me."

Kahit na dama niya ang takot nito ay kailangan niya pa ring mag-ingat. It could be another trap, kagaya ng ginawa nito sa cctv camera sa parking lot.

"Bakit ako dapat magtiwala sa'yo?" nananantiyang tanong niya rito. "You are Dasher's stalker. Marami ka ng nagawang hindi maganda hindi lang kay Dasher, hindi lang sa akin kundi pati na rin sa mga ibang babaeng naikabit ang pangalan kay Dasher."

"D-dahil...H-hindi ka maaabswelto hangga't hindi ako sumusuko."

"Victoria Escueta is dead," walang gatol niyang turan.

"W-what?" nahihindik na bulalas nito.

Hindi niya napigilang mapaismid. "Don't play innocent with me, Homer. Hindi ba't ikaw ang may pakana kaya nawalan ng preno ang kotse ni Victoria?"

"N-no! I would never do such thing! Hindi ako mamamatay tao!"

Natigilan siya. There was something in Homer's voice that made her pause...and believe him. But must she really believe him? "Y-you don't have to lie," she tried to say with conviction.

"You listen to me. Nandito ako ngayon sa—!" Napatigil ito sa pagsasalita nang bigla itong sumigaw. Sumunod doon ay isang malakas na tunog na hindi niya maipagkakamaling pagbagsak—ng alin? "Sino kayo? Ano'ng ginagawa ninyo rito?" takot na takot na sigaw nito.

Muli siyang nakarinig ng isang pagkalabog. Her heart thumped harder when she heard Homer's cry as if something hit him. "Tama na! Aray ko, tama na!" sigaw nito.

"Homer? Are you still there? What's happening?" kinakabahang sigaw niya. "Homer!"

"Hello there, sweet little kitten. Kumusta ka na?" sarkastikong sagot ng unknown caller.

She gasped. "S-sino ka?" kinakabahang anas niya.

"Aray, ang sakit naman. Hindi mo na ako kilala agad?"

"Sino ka ba talaga? Ano'ng ginawa mo kay Homer?" asik niya.

"Ako lang naman ang isa sa mga taong sinira mo ang buhay dahil sa pakikialam mo! You bitch! I'm dying to get my hands on you," nanggigigil na sambit nito.

"W-what?"

"I demand that you come here, you vixen. Dahil kapag hindi ka pumunta rito ay tinitiyak ko sa'yo na ulo na lang ng lalaking ito ang mabubungaran mo sa harap ng pintuan ng bahay mo."

"Y-you can't do that," iling niya.

"Try me, bitch. Hindi mo alam kung gaano kalaki ang galit ko sa'yo dahil sinira mo ang buhay ko. I will fuckin' kill you! Hindi ako matatahimik hangga't hindi kita napapatay!"

"H-hindi kita kilala..." nanghihinang sambit niya.

"Talaga? Then explain to me why I got fired as a mayor and why my damned ex-wife filed an annulment with me! Kung bakit ako naghihirap ngayon dahil bukod sa wala na nga akong pera, tinutugis pa ako ng mga lintek na pulis!"

"M-Mr. Daguio?" she gasped, shocked.

"Damn right, honey. I want to see you tomorrow. I'll text you the address. Kapag hindi ka nagpakita, expect that the head of this bastard will be delivered in front of your doorstep."

"You killed Victoria!" hindi makapaniwalang akusa niya rito.

"Of course, I did. Wala rin naman siyang kwenta. Kaya nga dapat mong gawin ang gusto ko kung ayaw mong mas marami pa ang madadamay."

Mr. Daguio! How could she forget about him? Pakiramdam niya ay nagbara na sa lalamunan niya ang kanyang puso dahil sa lakas ng pagkabog niyon.

"Kapag hindi ka dumating bukas, putol ang ulo ng ugok na ito. Kapag sinubukan mo rin akong takasan kagaya ng binalak gawin ng walang kwentang Victoria na iyon, baka magsisi ka. Gusto mo bang ulo naman ng pinakamamahal mo ang ideliver ko sa harap ng pintuan mo?"

"H-huwag si Dasher! Walanghiya ka talaga!" sigaw niya.

Tuwa ito ng nakakaloko. "My my, I'm dying to see your angry face, honey. I'll see you tomorrow. Remember, walang pulis. Ikaw lang ang gusto ko. Don't even try to push me into my limits. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin. I have nothing to lose. Even my life," makamandag na wika nito bago nito pinutol ang tawag.

She was left breathless as she stared at her cellphone. Nasapo niya ang kanyang ulo. Nang mapapikit siya ay kusang bumalong ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata. She didn't know what to do. She was afraid, not only for herself, but also for the important people around her. Hindi niya kakayanin kapag may masamang nangyari kay Dasher.

Nang sandaling iyon ay nakapagdesisyon na siya. She would meet Mr. Daguio, alone.

DASHER: THE DASHING DEVILWhere stories live. Discover now