CHAPTER 6

399 17 1
                                    


TAIMTIM na pinag-isipan ni Donnie Marie ang mga bagay na dapat at hindi niya dapat sabihin kay Dasher. Wala siyang balak na ibunyag ang buong pagkatao niya ngunit paano niya maiiwasan ang pagtatanong nito kung alam nito ang ginawa niyang pagbabalat kayo?

Nagtungo sila sa Airen Lounge, isang coffee shop na nasa kabilang bayan lang. Tahimik ang lugar at very relaxing kaya hindi na siya nagtaka na roon siya nito dinala. She knew that the inevitable has come when he crossed his arms in front of his chest and stared at her.

"What's your name?" tanong nito.

For a second, she hesitated in answering him. Subalit magsinungaling man siya, alam niyang malalaman din agad nito iyon. "It's D-donnie Marie."

"Surname?" he cocked one brow.

Her eyes sharpened. "Plaza."

"I hope you are telling the truth."

"I am," naiinis niyang paninigurado.

Napatango ito. "Bakit kinailangan mong magdisguise? Bakit ka hinahabol ng mga lalaking iyon? And most importantly, bakit mo ako tinakasan?" sunud-sunod na tanong nito. "Hindi mo kailangang magsinungaling. I can easily tell if you're lying or not."

She couldn't lie to him or he could have her investigated. Kapag ginawa nito iyon ay mas marami pa itong malalaman tungkol sa kanya. Hindi niya inakalang pagkatapos ng mahigit limang taong pagtatago sa katauhan ni Mystique Agent ay mabubunyag nang ganon ang tunay niyang pagkatao.

Unfortunately, isang Claus ang nakabangga niya—powerful and shrewd. Marami itong kayang gawin mapaamin lang siya. Isipin palang niya ang mga paraang kaya nitong gawin ay napapangiwi na siya. Napalinga siya sa paligid bago yumuko palapit dito.

"Have you ever heard about Mystique Agent?" bulong niya.

Recognition flashed in his eyes. "Hindi ba't private investigator yun? Narinig ko na minsan ang tungkol sa agent na iyon. In fact, naging kliyente niya iyong dati kong sekretarya. Pinaimbestigahan ni Mrs. Solis iyong asawa niya. Napatunayan ni Mystique Agent na may kabit nga iyong asawa niya kaya hayun, naghiwalay ang dalawa." Napaismid ito. "Dahil doon kaya siya nagresign bigla at umuwi sa probinsiya nila. And I was left without an able secretary."

Kilala niya ang tinutukoy nito. Ito ang huling kliyente niya bago si Mrs. Daguio. Good for her. Mabuti at nakipaghiwalay na ito sa punggok nitong asawa na bukod sa babaero ay sugarol pa. Mabuti nga sa manlolokong iyon.

"So, what about this Mystique Agent? Ano ang kaugnayan mo sa kanya?"

"W-when you found me, I was on a mission," mahinang bulong niya.

"Mission?" kunot-noong ulit nito.

"I am Mystique Agent."

Napaawang ang mga labi nito nang marinig ang tinuran niya. Mayamaya'y sunud-sunod itong napailing na sinundan pa ng mahinang paghampas ng kamay sa mesa. "No way!"

"Noong nakita mo ako ay hinahabol ako ng mga tauhan ni Mayor Daguio. Kliyente ko ang asawa niya. Kung napansin mo iyong camera'ng nakasabit sa leeg ko noong matagpuan mo akong naghihimatay-himatayan sa kalsada, iyon ang dahilan kaya ako hinahabol ng mga lalaking iyon dahil may mga larawan akong nakuha na makakapagpatunay sa pambababae ni Mayor. Speaking of Mayor Daguio, from what I've heard ay hiwalay na raw ang mag-asawa ngayon. And he is being investigated because of his anomalies," iling niya.

Napasimangot ito. "He deserved it. Kung walang aksyon ay baka ako pa mismo ang gumawa ng paraan para maparusahan siya. Hinding hindi ko makakalimutang sinira ng mga tauhan niya iyong bagong kotse ko."

DASHER: THE DASHING DEVILWhere stories live. Discover now