CHAPTER 13

340 15 0
                                    

DONNIE MARIE should run away. Dapat ay itulak niya ito palayo, hawakan ang kamay nito at ibalibag ito sa semento pero imbes na pakitaan ito ng galing niya sa self-defense ay iba ang ginawa ng traydor niyang katawan. Damn, but his lips felt really soft and warm...and sweet.

Hindi niya alam kung paano nangyari ngunit namalayan na lamang niya ang kanyang sariling hinahayaan itong halikan siya. Unti-unting nasira ang depensa niya. Slowly, she closed her eyes. Ganoon pala ang feeling ng "kiss", ano? Napakasarap pala sa pakiramdam. Parang kang nakalutang sa alapaap. Ang gaan sa pakiramdam. Nakaka-high. Nakakabaliw. Nakakaadik.

Her mind kept on telling her to stop him, to stop herself from responding to his sweet, fierce kisses, but she couldn't do it. Parang may sariling utak ang mga labi niya na walang humpay sa pakikipagtagisan sa ekspertong mga labi nito. Napasinghap siya nang maramdaman ang pananalakay ng dila nito sa loob ng bibig niya. Pakiramdam niya ay pinasok ng nagbabagang espiritu ang bibig niya, lalo na noong marahas na gumalaw ang labi nito sa ibabaw ng labi niya.

Higit niyang ikinagulat ang katotohanang imbes na manghilakbot ay isang ungol pa ang kumawala sa kanya. Ah, he's driving her crazy. Unable to control herself, she kissed him back. Nang lalo nitong hapitin ang katawan niya ay natigilan siya. She felt his "thing" down there. Her eyes widened. He was as hard as a rock. Sa kabila ng mga suot nilang saplot ay nararamdaman niya ang pagkapaso ng tiyan niya habang marahang naikikiskis ang kaselanan nito roon.

"Can you feel that?" bulong nito. "That's what you do to me, sweetie. You make me and my buddy crazy." After a short grunt, his lips captured her parted lips again. "Damn, you taste so good," ungol nito sa pagitan ng paghalik sa mga labi niya. He playfully bit her lower lip as he sucked on her trembling lips. Sa tuwing ginagawa nito iyon ay napapaungol talaga siya. Pakiramdam niya ay parang gusto na nitong kainin ng buo ang labi niya.

Natigilan siya at balak sanang magprotesta nang maramdaman niya ang pagdausdos ng mga labi nito pababa sa leeg niya. Napaigtad siya dahil sa kiliting naramdaman niya nang dumampi ang mainit-init nitong labi sa sensitibong kutis niya. She wanted to push him away but her hands couldn't do it. It won't. Her body was a traitor. Nararamdaman niyang konti na lang ay matutupok na siya sa apoy ng pagnanasang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

And that if she didn't do something about it, she'd end up on his bed—naked and writhing underneath him—just like what he's declared before. Hindi niya rin dapat kalimutan na maaaring may hidden camera sa kwartong iyon at tiyak na naririnig ng stalker nito ang usapan, bawat ungol at bangayan nila ni Dasher.

Hindi nga ba't iyon dapat ang inaatupag niya kesa ang nakikipaghalikan dito? What the hell was she doing? Mariin siyang napapikit at inipon ang buo niyang lakas upang sana itulak ito palayo. Ngunit hindi niya inasahang mauunahan siya nito. To her surprise, bigla siya nitong niyakap ng mahigpit bago agad ding binitiwan. Hinihingal sila pareho matapos nitong lumayo sa kanya. Kahit na medyo madilim, hindi pa rin niya maiwasang panlakihan ng mata habang pilit na inaaninag ang mukha nito. What the hell has just happened?

"I c-can't do this," hinihingal at tila hirap na hirap na anas nito.

"W-what do you mean?" medyo nasasaktang tanong niya. Tama ba ang hinala niyang nireject siya nito? He couldn't do what? Her chest constricted as if she were in pain. Her face flushed, habang ang mga labi niya ay namumula at nangangapal pa rin dahil sa halik nito.

"H-hey, it's not what you think. I don't know. Ayokong isipin mo na hanggang ngayon ay gusto pa rin kitang makuha dahil kagaya noong una tayong nagkakilala. It's stupid, I know. Since gustong gusto naman talaga kitang angkinin ngayon. But tt's different between us now. You know that, right?" medyo nagpa-panic na paliwanag nito.

DASHER: THE DASHING DEVILजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें