Chapter 35 - Happy Birthday

311 18 4
                                    


C H A P T E R - 3 5

K R I X T I A N I C O L E ' s
P O V

" Saan naman tayo pupunta?! " - tanong ko kay Mar--- este, Savior pala.

" Basta! Tumahimik ka lang! "- sigaw naman nito.

Medyo naging weird talaga itong si Marjorie. Una, wala akong ma-isip na dahilan para iligtas niya ako. Pangalawa, ang nag-iisang dahilan lang na alam ko ay Para maging maganda ang image niya kay Aaron, pero na-shock talaga ako nong sinabi niyang hindi niya sigurado kung buhay pa ba si Aaron.

Pangatlo, Ibang-iba ang kilos niya sa nakilala kong Marjorie noon. Yung dating pabebe, selfish, may pagka-haliparot, ah basta! Lahat nang masasamang Attitude ay nasa kaniya talaga nong mga panahon na iyon. Pero ngayon? Eto, Matapang, Astig, maparaan--- yung tipong mag-papaka hero para sa iba? Minsan , iniisip ko tuloy na baka pina-prank lang ako nito. Pero sino ba ako, right? Ako na nga ang tinutulungan eh, ako pang may ganang magalit?

At pinaka-huli sa lahat, ayaw niyang tawagin ko siyang Marjorie. Gusto niyang savior ang itawag ko. Ewan ko ba. Baliw na din yata yang si Marjorie eh. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil naging maganda ang ugali niya o mangangamba na ako kasi baka nababaliw lang siya? At tekaaa----

" Pano mo nga pala nalaman na nandito ako? "- nakakapag-taka lang. Ano yon? Siya lang mag-isa nag-ligtas sa akin?! Kung ganoon nga edi baka mayakap ko pa siya para lang mag-pasalamat.

" Tsk. Ang ingay mo pala, ano? Kasama ko sina Jamie, may kasama siyang lalaki na hindi ko kilala at kanina, nakita ko si Warren sa 2nd floor, hinahanap ka. Nag-hiwalay kami kanina at sa 3rd floor siya nag-hanap samantalang ako naman ay dito sa 4th floor. " - sagot niya.

Ngayon ay nasa may hagdan na kami at hila-hila iya pa rin ako. Totoo kaya na kasama niya sila Jamie at si Warren? At sinong lalaki naman yung tinutukoy niyang kasama ni Jamie? Baka usang survivor din?

" Eh kung ganoon, nasaan na si Jamie?" - tanong ko. Wala eh. Hindi ko mapigil ang tumitikwas kong bibig na mag-salita. Masyado kasi akong naguguluhan sa nang-yayari. Lalo na't si Marjorie pa ang nag-ligtas sa akin, ang taong hindi ko inaasahan na ililigtas ako. Ang alam ko kasi ay gusto talaga akong ipa-hamak niyan noon dahil sa matinding galit dahil nga sa issue namin ni Aaron.

" Nasa 1st floor sila nong kasama niyang lalaki. Sila daw ang bahala sa security, ewan! "- sagot uli niya at nag-bikit balikat. Hindi ko talaga lubos maisip na si Marjorie talaga ito. Ewan. Natutuwa lang ako dahil hindi ko in-expect na tutulungan niya ako sa kabila nang mga sama nang loob niyan sa akin. Dati- rati ay parang gusto ako niyang patayin sa tuwing tinitingnan niya ako.

Nasa 3rd floor na kami kaya't napa-hinto ako. "teka! Nasabi mong nasa 3rd floor si Warren hindi ba? "

Napa-hinto rin si Marjorie sa ginawa ko, hindi niya pa rin binibitawan ang braso ko na kanina pa namamanhid. " Oo. Bakit? Huwag mo sabihing mag-papaiwan ka? "- tila nagulantamg pa siya.

" Oo. Puntahan mo nalang sila Jamie sa baba at sabihin mong nandito kami. Kung hindi mo naman kami maaabutan, pumunta nalang kayo sa 2nd floor at hanapin niyo ang 'room G30' sa bandang kaliwa. Nandoon kami. Doon nalang tayo mag-kita kita. Gets? "- mahabang saad ko. Hindi ko naman pwedeng pabayaan dito si Warren no.

" Ano ba naman yan! Oh, siya sige! Basta't mag-ingat kayo ha? "- paninigurado nito at nag-mamadali nang bumaba. Pinag-masdan ko lang siya hanggang sa tuluyan na siyang maka-baba sa 2nd floor at hinalughog ko naman ang buong 3rd floor.

Alam ko ang lugar na ito dahil dito ko noon ginawa ang research ko tungkol sa gamot na ang naging resulta pala ay ang nang-yayari ngayon. Hinayaan ko silang gamitin ang talino ko para lang sa sarili nilang kapakanan na wala rin naman palang magandang dulot para sa iba at para sa akin. Nag-paka tanga ako noon dahil sa matatamis na salita at sa malaking pera na maaaring mapa-sakamay ko kung magagawa ko ang nais nila na para sa akin ay madali lang noon.

Ang ikatlong palapag ay ang silid kainan o ang kantina. Nandito lahat nang pag-kain at mga taga-luto pero bibihira lang ang may kumakain dito. As a busy scientist, wala kaming panahon noon upang mag-sayang nang oras para lang sa mga pag-kain lalo na't may-roon naman kaming iniibom na gamot kung saan ay hindi ka na mauuhaw o magugutom. Hindi mo na rin kailangan mag-banyo dahil kasama na iyon sa benefits nang gamot.

Tahimik ang buong lugar. Kagaya nang pang-karaniwan nitong ayos, may ilaw, maasyos na naka-salansan ang bawat uluan, malinis ang sahig pati ang mga mesa at mayroong taga-luto. Kilala ko naman ang taga-luto dito dahil dito nga ako nag-trabaho noon. Close ko rin siya. Siya si Auntie Jhing. Ang pinaka-matandang taga-luto dito.

Lumapit ako sa kaniya. "Auntie Jhing! "- pag-bati ko dito. Naka-talikod siya at busy yata sa pag-higiwa nang kung ano. Hindi naman siya ganito ka-busy noon dahil wala ngang kumakain talaga dito sa Canteen nang building

Lumingon ito sa akin at nang makita niya ako ay lumapad ang ngiti nito. As expected, ako lang kasi ang kumakausap sa kaniya lagi. Ewan ko kung bakit ayaw siyang kausapin nang mga co-scientist ko noon. May kakalat daw kasi na balita na baliw daw itong si Auntie Jhing, well, hindi ako naniniwala sa mga chismoso't chismosa na mahilig lang manita nang puri nang iba.

" Krixtia! Namiss ka ni Auntie! Hayaan mo at ipag-luluto kita nang masarap na putahe. Sandali lang at huwag kang aalis diyan! "- saad nito habang naka-ngiti at iginuide ako para pau-puin. Si Auntie Jhing nga lang pala ang tumawag sa akin nang Krixtia sa buong buhay ko.

"Diyan ka lang at kukuha lamang ako nang rekados."- anito sa akin.

Umakyat siya papunta sa taas. Malapit lang kasi ito sa hagdan. Napansin kong si Auntie ay may katandaan na rin at medyo mataba na. Nahihirapa na itong umakyat sa hagdan, kunpara nang hulikaming mag-kita. At napansin ko rin ang tila kakaiba niyang ngiti. Hindi iyon ang ngiting laging sumasalubong sa akin noon.

Tumayo ako at nag-libot. Baka sakaling nandito si---------

" WARREN?! "

Nilapitan ko siya sa tabi nang kalan. Sugatan siya at halos nang-hihina na.

" Warren?! Anong nang-yari sa iyo?! Sinong gumawa niyan?! "- ngayon ay hindi ko na mapigilan ang galit na dumadaloy mula sa buong sistema nang aking katawan.

Ini-upo ko siya at niyakap nang mahigpit. Natatakot ako sa mga nang-yayari. Alam kong ako ang dahilan kung bakit nang-yari lahat nang ito sa kaniya. Natatakot ako na baka dahil din sa akin ay mawala siya, na hindi ko na siya makita. Buong buhay ko ay wala pang nag-mahal sa akin nang gaya nang sa kaniya. Na kahit nasaksihan at nalaman niya na lahat nang kapalpakan ko ay hindi niya pa rin ako iniwan. Hindi niya ako sinisi ni minsan man. Hindi siya nagalit o lumayo nang mga panahong ipinag-tatabuyan ko siya.
Siya lang ang umintindi sa akin sa lahat nang mood ko.

At hindi ko hahayaang mawala siya nang dahil lang ulit sa pag-kakamali ko. Lagi nalang siya ang humahanap nang paraan upang makita ako, ngayon naman, ako ang gagawa nang paraan upang makasama ko siya. Ako naman ngayon.

" Warren, wag ka munang mag-sasalita. Aalis tayo dito."- bulong ko. Malakas ang kutob ko na may kinalaman si Auntie Jhing dito.

" H-happy B-b-birthday, Baby..."

Ano daw? Paano niya nalaman na kaarawan ko ngayon?!

" H-happy 21st Birthday....."- halos pabulong at paos nitong saad bago niya ako nginitian nang sobrang tamis, kasabay nang pag-ngiti niya ay ang pag-tulo nang mga luha mula sa traydor kong mga mata.

@Ms_Aquaphobia

------

Survivor Where stories live. Discover now