Chapter 33 - Mr. Jacobs

307 14 9
                                    


C H A P T E R - 3 3

D A R Y L L D J A E N ' s
P O V

Nang malaman ko lahat nang plano ni Daddy noon, itinakwil ko na siya bilang isang ama. Noong una palang ay pina-bayaan niya na ang pamilya namin dahil sa Hospital at sa Company. Naalala ko pa noong Ayaw na ayaw niyang maistorbo sa tuwing mag-tatanong ako nang mga takdang-aralin ko noon at tuwing mag-papaturo ako tungkol sa mga gamot, Binubugbog niya ako. Kahit kailan ay hindi ko naranasang ituring bilang isang pamilya. Masakit iyon bilang isang anak na wala nang ina.

Kung tutuusin ay kasalanan niya kung bakit lumayas si Mama noon. Binubugbog niya ito ay kinukulong niya sa kwarto sa tuwing naiistorbo siya. Nakikita ko noon si Mama na umiiyak. Hanggang sa hindi na niya nakayanan ay lumayas siya sa bahay namin. Pinilit kong sumama pero sinampal niya ako noon at sinabihan nang masasakit na salita.

Doon ko nalaman na Arranged marriage lang sina Mama ayaw ni Mama talaga na mag-kaanak kay Daddy. In short, Lahat nang galit ni Mama kay Daddy ay sa akin niya ibinuhos. Wala akong magawa noon kundi ang umiyak sa kadahilanang wala nang mag-tatanggol sa akin tuwing binubugbog ako ni Daddy.

Simula nang Nag-layas si Mama, hindi na umuuwi si Daddy at ibinuhos niya nalang ang buong attention niya sa aming Hospital at Companya. Ni minsan ay hindi niya ako na-alala. Ni minsan ay hindi niya ako tinuring na anak o tinawag man lang na anak. Hindi ko naramdaman ang pag-giging ama niya at hindi niya ako kina-usap bilang anak. Tinanggap ko na iyon bata pa lang ako.

Wala akong itinuring na pamilya kundi ang Kaibigan kong si Miko. Pati ang pamilya ni Miko ay itinuring na rin akong sarili nilang anak at doon ko lang naranasan na mag-karoon nang tinatawag nilang pamilya sa buong buhay ko.
Nag-aral ako nang mabuti at naging Valedictorian noong Elementary hanggang sa Highschool, ang umakyat sa akin ay ang mga magulang ni Miko.

Samantalang si Daddy? Wala. Simula yata nang nag-aral ako ay hindi siya pumunta sa school kahit minsan lang. Hindi ko nga aakalain na magagawa niya ang lahat nang ito, na mandadamay siya nang ibang tao para lang maging isang napaka-yamang tao. Ikinahihiya ko na naging Ama ko siya.

" Tara na."- pag-aaya ko kay Jamie at nauna nang mag-lakad. Nararamdaman ko namang sumusunod si Jamie kaya't hindi ko na siya nilingon.

Nawalan na ako nang pamilya at kaibigan dahil sa kaniya.

At hindi ko na hahayaan na may mawala pa ulit bago ko pa siya mapahinto. Kung sakaling kakailanganing may buhay na mag-buwis sa pagitan naming dalawa, wala akong pakialam. Basta ang alam ko lang ay wala nang pwedeng mabawasan pa sa mga kaibigan ko. Hindi na ngayon......

Nang saktong maka-labas na kami nang bahay ay naka-rinig kami nang kaluskos at sabay pa kaming napa-lingon ni Jamie kung saan nang-galing iyon. Mula sa konatatayuan namin ay nakita namin si ang isang babaeng tila balisa. Takot na takot itong tumatakbo at pawa bang hindi kami napansin na animo'y may pinag-tataguan.

" Marjorie."- Malamig ang boses ni Jamie nang Tinawag ito ni Jamie.
Ngunit masyadong naka-focus ang atensiyon nong si Marjorie sa kung anumang pinag-tataguan nito kaya't parang wala itong naririnig.

" Marjorie."- sa ikalawang pag-kakataon ay mas matigas at mas may diin ang boses ngayon ni Jamie kaya't napa-lingon niya si Marjorie. Nang makita kami ni Marjorie ay tumakbo ito papunta kay Jamie. Hindi ko kilala ang babaeng yan. Malamang ay kaibigan ni Jamie.

" Tsk. Wag mo nga akong dikitan."- o malamng hindi. May bahid kasi nang inis ang boses ni Jamie. Siguro ay hindi sila mag-kasundo.

"Saan kayo pupunta?"- tanong naman nong si Marjorie.

" Nakidnap si Nicole. Ililigtas namin."- tipid na sagot ni Jamie, bakas pa rin ang pag-giging malamig.

"Sasama ako. "- pag-piprisinta naman nong Marjorie.

"Tsk. Ikaw bahala."- sagot ni Jamie na tila ba'y nauubusan na nang pasensiya sa nang-yayari.

Di kalaunan ay sumama na rin sa amin si Marjorie. Tinungo namin ang diretsong daan at lumiko sa kaliwa, kung saan naroroon ang mga puno nang Acacia na nag-tatakip sa liwanag nang langit. Maya-maya pa'y naabot na namin ang dulo o ang hangganan at doon tumambad sa amin ang isang building na mayroon lamang na limang palapag. Ang unang palapag niyan ay puno ng security, ang pangalawa naman ay mga kwarto nang mga Scientis na nag-tatrabaho kay Daddy, sa ikatlo naman ang Kainan, at kantina nang buong building, sa ikaapat na palapag naman ay naroon ang mga subject nang eksperimento, (tao man, hayop o kung anu-ano pa), samantalang ang pinaka-ikalimang palapag naman ay ang mismong labolatory.

Nabasa ko noon sa libro na dapat daw , ang labolatoryo ay nasa cool na lugar, hindi mainit at hindi malamig. Minsan ay hindi rin ito pwede mahanginan masyado dahil mag-kakaroon ng comlpikasyon sa mga eksperimento.

" Eto na ba iyon?"- maarteng tanong nong Marjorie.

"Oh , eh ano na naman? Ayaw mo? Umuwi ka na."- malamig na saad naman ni Jamie.

"W-wala naman akong sinabi eh. Tara na."- saad nong Marjorie.

Pumasok na kami sa loob nang gate at pinapasok naman agad kami. Kilala na naman nila ako at Alam naman siguro nila na Tauhan din ni Daddy si Jamie. Nang nag-lalakad na kami sa Hall, binulungan ko na si Jamie na Sa kaliwang banda siya nang Security sa Kaliwa at ako naman sa kanan. Sinabihan ko ma rin si Marjorie na sa 2nd floor siya, hindi naman siya tumanggi, natakot yata kay Jamie.

Nang marating na namin ang Lokasyon kung saan kami dapat mag-kahiwa-hiwalay at agad kaming pumunta sa mga lugar kung saan kami naka-assign. Sinadya ko talagang sa kanan mapunta dahil nandito ang Opisina ni Daddy.

Ilang beses na akong naka-punta dito kaya hinding-hindi ako pwedeng magka-mali. Tinungo ko ang pinaka-dulong Hallway kung saan naroroon ang malaki at kakaibang pinto. Hinugot ko ang ang barik na kanina ay hiniram ko sa isa sa mga sundalo na nag-babantay sa Farm.

Binuksan ko ang pintuang iyon at nakita ko siyang may binabasang libro. As expected. Tumayo siya at ngumiti nang makita ako ngunit agad ding nawala iyon nang itinaas ko ang hawak kong baril at itinutok sa kaniya. Tapos na ang lahat nang kasamaan niya ngayon at ako mismo ang tutulong sa kaniya upang mawala ang addiction niya sa pera.

" Long time no see, ......Daddy "- naka-ngiting saad ko bago kinalabit ang gatilyo nang batil at nag-echo ang malakas at naka-bibinging tunong nito sa loob nang kwarto.

Goodbye, Dad. This is for you.

@Ms_Aquaphobia

-----

Survivor Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt